Chapter Seventeen - Risk
"P*ta naman kasi Marcus. Tabi nga," iritableng sabi ni Bash habang nagtatago sila sa tabi ng isang trash can. Minamanmanan nila ngayon ang buong paligid bago sila pumasok sa building ng school nila.
It's 10 pm already. Nag-decide talaga silang pumunta rito ng ganitong oras upang walang makahuli sa kanila. They wanted to get some clues at the guidance office. May mga records kasi doon na pwedeng makatulong sa kanila.
Hindi nila kasama si Joanna dahil pinauwi na siya ni Kara kanina pa. Ayaw niyang madamay pa ito sa gulo kung sakali man magkanda-loko-loko ang plano nila ngayon.
"E g*go, wala na nga sabing tao. Bakit ba 'di pa tayo tumakbo papunta sa loob?" bulong ni Marc.
Nanliit ang mga mata ni Bash. "We're not sure about that. Baka mamaya may naglilibot palang guard dito, expelled tayo ng 'di oras."
"Hoy!" sigaw ng isang lalake sa likuran nila. They all froze in shock. Dahan-dahan silang lumingon. Rain immediately raised his hands while Blake closed her eyes. Si Kara nakatitig lang at ganun na rin sila Bash at Marcus. Nakasuot ng pang-security guard ang lalake. May hawak itong flash light at baril.
"Ang babano niyo," biglang tawa nito. Tinanggal nung lalake ang cap niya at tumambad ang nakangising si Jarvis.
"What the hell dude! Tinakot mo kami," Rain complained.
"Nice one!" Nag-thumbs up pa si Bash.
Tumayo na silang anim.
"Alam niyo namang expert ako sa pag-sneak in 'di ba?" mayabang na sabi ni Jarvis.
"Saan ka nakakuha ng costume mo?" Kara asked.
"From a friend. Wag niyo na nga isipin 'to. Tara na bago pa ma-realize ni manong na hindi nga talaga ako tunay na guard dito."
Nagmadali silang pumasok sa loob ng campus. Patay na ang lahat ng ilaw at sobrang tahimik ng paligid. Tanging mga yapak ng mga paa nila ang maririnig.
"Hala!" bulong ni Marc ng may nakita silang ilaw ng flashlight sa dulo ng hallway. Nagtatakbo agad sila papasok sa isang classroom.
"I'll check it out," matapang na sabi ni Jarvis. Lumabas ito ng room kaya naman sumilip ng kaunti ang lima. He went straight to where they saw the light.
"Pare, anong meron?" rinig nilang tanong ni Jarvis.
"May narinig kasi akong ingay," sagot ng bagong guard. Bata pa kasi ang itsura nito, mukhang kaka-graduate lang ng college.
"Ah. Ako lang 'yun. Chine-check ko kasi bawat room dito bago ako mag-out. Hanggang anong oras ka?"
"6 am."
"Ikaw pala 'yung na-assign sa graveyard shift. Sino naiwan sa harapan?"
"Ha? Wala. Kasi tinignan ko nga kung may tao dito---"
"Tsk tsk. Wag mong ginagawa 'yan. Delikado. Baka may makapasok na kung sino-sino dito. Bumalik ka na dun."
"Okay sir." Nagkamot ng ulo ang bagong guard at umalis na rin naman. Napahagikgik si Blake dahil nauto nila ito.
"Let's go!" pagtawag agad ni Jarvis. Tumakbo sila papunta sa kabilang hallway at agad pumasok sa guidance office. Tawa sila ng tawa dahil nakuha ni Bash ang susi ng janitor ng school. Ninakaw niya ito kaninang hapon.
"Basta 'yung file ni Harper ang hanapin natin," utos ni Rain. Hinalughog agad nila ang buong office. Napakadaming papers at hindi iyon nakaayos in alphabetical order kaya nahirapan silang hanapin ang name ni Harper.
BINABASA MO ANG
Alluring Kara Jade
Mystery / ThrillerKara Jade is not like the rest and surely, not going to be one. But being different is what makes every guy in the room swoon over her. They will go on lengths just to have her. Who is she? No one knows. **** Aiken High University is a place where...