Twenty Two - The Killer

9.2K 416 153
                                    

Chapter Twenty Two – The Killer


Papunta na sana ang tatlo sa bahay nila Joanna ng biglang tumawag ang isa sa mga classmates ni Bash. "Tol, narinig mo na ba ang balita? It's all over the internet."

Nagkatinginan sila Marc at Jarvis ng marinig ito.

"Why? What's going on?" Bash asked.

"Gising na daw si Harper." Without saying anything ay nagtatakbo na ang tatlo papunta sa kotse ni Marc.

"Ito na pare! Malalaman na rin natin sa wakas kung sino 'yung killer!" Jarvis said.

"Bilisan mo, Marcus!" Bash demanded. Halos 100 kph ang takbo ng sasakyan dahil sa pagmamadali nila.

Pagdating doon sa hospital ay hindi na nila hinantay makababa ang elevator. Doon sila sa hagdan tumungo. Malapit na sana sila sa 4th floor ng may nabangga si Jarvis. Sa sobrang lakas ay napaupo ang doktora.

"Sorry po, sorry po!" Tinulungan niyang itayo ang babaeng may suot na mask. Jarvis had the chance to look at the doctor's eyes before she looked away. Pamilyar siya...

"Pare, ano ba! Tara na!" sigaw ni Marc.

"Ah oo! Sige. Sorry po ulit, doc." Tumakbo na si Jarvis pero bago sila pumasok ng pinto ay napatingin ulit siya sa doktorang nagmamadali.

Why is she wearing rubber shoes?

"Sh*t," He heard Bash say. Hindi pa sila nakakalapit sa room ni Harper ay napansin na nilang nagkakagulo ang mga tao. They slowed down as they saw Mr. and Mrs. Hayes crying while the police are trying to talk to them.

"NO! HINDI PWEDE TO!" Sigaw ni Jarvis bago siya nakipagsiksikan upang makita kung anong nangyayari sa loob. His eyes widened when he saw Harper dead. May unan sa gilid ng mukha nito kaya nag-assume siyang suffocation ang ikinamatay ng kaklase niya.

"Pare! Tama na! Hindi tayo pwedeng pumasok sa loob!" Hinila na nila Bash si Jarvis.

"T*NGINA!" sigaw ni Jarvis sabay sipa sa upuan sa gilid. Marc saw Harper's parents glaring at them.

"Bro, I think we need to go. Baka mapagbintangan na naman tayo dito e. Magkaroon pa ng eksena." Hinila na nila si Jarvis na mukhang nanghihina na. Doon ulit sila sa hagdanan dumaan.

"NA-LATE AKO NG DATING! KUNG MAS MAAGA PA TAYO DITO, 'DI SANA BUHAY PA RIN SI HARPER HANGGANG NGAYON!"

"Dude, 'di mo naman kasalanan na wala na siya."

"BUT I COULD HAVE SAVE HER!"

"She's already dead! Wala ka ng magagawa kahit sisihin mo pa ang sarili mo!"

"Argh! Kainis talaga!"

Jarvis knows how much Harper likes him. Noon pa man ay nagpapakita na ito ng motibo pero hindi niya ito pinapansin dahil ayaw niyang magseryoso sa isang relasyon.

Ngayon nagsisisi siya. Sabay silang lumaki kaya alam niyang mabait ito. Sadyang naimpluwensyahan lang siya ni Victoria kaya nagagaya siya dito at nambu-bully na rin. But for Jarvis, she's always been a great friend. Palagi nitong ginagawa ang mga assignments niya at madalas ay dinadalan pa siya ng umagahan. She's been like that for years. Kaya naghihinayang si Jarvis na kahit kailan ay hindi siya nakapagpasalamat sa mga naitulong nito sa kanya.

She died not knowing how grateful Jarvis is for her.

"Joanna is our last resort. We have to hurry," Bash ordered.

"Wait lang pare." May biglang naalala si Jarvis. "Kanina may nabangga akong doktora dito sa hagdanan."

"Oh tapos?" naiinip na sabi ni Marc.

Alluring Kara JadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon