Fourteen - Bad Prank

11.3K 456 74
                                    

Chapter Fourteen – Bad Prank


"Hi Joanna, pwedeng mahingi number mo?"

"Wow grabe ang ganda mo."

"Anong gamit mong make-up?"

"I love the shade of your lipstick, girl."

"Lunch tayo mamaya ha!"

Pinagkakaguluhan ngayon si Joanna Miller. She's the new 'it' girl at school. Tuwang-tuwa ang lahat sa transformation niya, though she's still acting weird at times.

"Madami na kong kasama e. 'Yung mga friends ko," sagot niya.

Nagtinginan ang mga nakapaligid sa kanyang mga estudyante.

"Ayan na naman siya sa mga imaginary friends niya."

"May sapak pa rin sa utak. Sayang."

"Ano ba 'yan."

"Hep hep hep! Excuse me!" biglang dating ni Kara. Everyone stared at her beauty. Napapanganga pa rin talaga ang mga tao sa lakas ng sex appeal niya. "What my friend meant was that, puno na yung table namin kaya 'di na kayo pwedeng maki-join. Alam niyo naman siguro na kasama namin ang Aiken Four 'di ba?"

"Ah. Oo nga pala."

"Pasensya na Joanna. Akala namin nababaliw ka na naman."

"Ganda mo talaga, grabe."

Hinila na ni Kara si Joanna palayo sa mga estudyante. Pumasok sila sa CR at agad ni-lock iyon ni Kara. "Please. Please act normal. Sayang ang kasikatan mo kung 'di mo gagamitin ng maayos. You're at the top now, Joanna."

She sighed. "Medyo 'di lang ako sanay. Sorry."

"I told you I'll help you, pero pag ganyan ka ng ganyan, wala na kong magagawa."

Joanna nodded at her. "I'm really sorry, Kara. Ita-try ko na talaga magfit-in sa school na ito."

"Try harder."

***

"Ganda ng ngiti natin ngayon Bash ha," bati ni Marcus.

"Well..." tumawa si Bash at umiling. Naalala niyang natulog sila ni Kara na magkayakap. Walang nangyari sa kanila pero masaya siya dahil alam niyang umuusad na ang panliligaw niya dito.

"Sus. Babae 'yan ano?" tanong ni Jarvis na binato pa si Bash ng ballpen.

He laughed at them. "Oo."

"WHOAH. Lagot ka kay Kara," asar ni Rain.

Nasa rooftop sila ngayon dahil wala ang first subject professor nila. Dito nila naisipang tumambay upang walang malalanding mga babae ang makalapit sa kanila.

"Si Kara nga dahilan ng pag-ngiti ko e," Bash admitted.

"Bakit?" sabay-sabay na tanong ng tatlo.

"Wala." Ayaw ni Bash ikwento ang special moments nilang dalawa ng babaeng nagugustuhan niya.

"Wala kasi wala naman talagang nangyari," tatawa-tawang asar ni Marc. "Hina mo pala dre."

"Bakit? Kayo ba? May progress na ba kayo?"

"Oo. Nag-make out na nga kami nun e." Nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ni Marc.

"Tangna, seryoso?" Jarvis asked. "E kami rin nag-kiss na nung birthday ko!"

"Hoy wag nga kayo gumawa ng kwento! Hindi papayag si Kara na matulog ako sa bahay nila kung----"

"ANO? DUN KA NATULOG SA BAHAY NIYA?" sigaw nilang tatlo.

Alluring Kara JadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon