You can purchase complete story of The Superstar from me only pdf format.
Chemistry. Mabasa ko palang ang salita na yan parang sasakit na ang ulo ko dahil alam naman nating lahat na isa iyan sa isa sa pinakamahirap na subject noong nag-aaral pa tayo.
Hindi ko rin naman maisip kung bakit Chemistry ang title ng bago kung pelikula. Pero ano nga ba ang Chemistry? Syempre unang una papasok sa isip mo ay Science na tumutukoy at nag-aaral about matter and changes sa lahat ng bagay. Pero pwede rin namang Chemistry ng dalawang tao. When two people say they have chemistry, they usually mean they feel a strong attraction towards each other.
Yung chemistry na tipong hindi mapaghihiwalay ng kahit na anong Super Powers at hindi mapipigilan ng mga advice ni LolaNiDora sa sikat na kalyeserye.
At isa pa, nalaman ko rin na makakasama ko sa movie na to si Bella. Alam ko naman na hindi malayo na magkatrabaho kami dahil maliit lang ang mundo ng showbiz kaya hindi na ako nagprotesta pa dahil ayaw ko naman sabihin ng mga producer at director na Prima Dona ako.
Teka. Bakit ko ba sya iniisip wala rin naman akong mapapala. Mabuti pa siguro ay bumangon na ako dahil nagrereklamo na ang sikmura ko sa pagutom. Hindi ko rin matandaan kung kumain ba ako kagabi dahil sa sobrang saya at lunod sa atensyon ng mga tao sa pagkapanalo ko bilang Best Actress.
Napakabangong amoy mula sa kusina ang bumati sakin. Iniisip ko kung nandito ba si mama sa bahay para ipagluto ako dahil alam nya na kahit itlog hindi ko kayang lutuin. Iginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng moderno ko na kusina pero hindi ko naman makita si mama. May mga nakakapaglaway at nakakagutom na fried rice, hotdogs, bacon, eggs and of course my favorite chicken adobo.
"Mama?" Tawag ko sa kanya " Mama? Nasan ka? " Pero wala parin sagot.
"Hey. Gising ka na pala." Isang hindi pamilyar na tinig ang nagsalita mula sa likuran ko.
This girl again!?
"Teka, paano ka nakapasok dito sa loob ng bahay ko?" I'm pissed and scared at the same time because I really don't know this girl.
She smile at me. "Pinagluto kita —"
But it make me mad even more.
Nakialam sya sa mga gamit ko!
"You are trespassing. I will call the police!" At inilabas ko ang cellphone ko to dial the Police station number pero bigla nya itong inagaw sakin.
"Wait." She protested. "Hindi naman ako masamang tao eh."
"I don't care." Nahihighblood na ako, parang kailangan konng uminom ng losartan sa galit. "Hindi kita kilala at malay ko ba kung may balak kang masama sakin."
She nearly roll her eyes at me. "You wish."
Nanlaki ang mata ko. "W— what?"
"Wala."
But i keep it cool . "Please give me my phone back."
But the girl smile at me, she is about to hand my phone back but then. "No."
I totally lost it.
Kaya tinangka kong hablutin ang cellphone ko pero nakaiwas agad sya..
" Hanggat hindi ka pumapayag na dito ako magstay kahit ilang araw, I'll not give you this phone back." Pagmamatigas nya sakin.
How dare she para magbigay ng rules and conditions?
The hell.
"No freaking way." Angil ko sakanya at nilundag ko sya para agawin ang cellphone ko.
At bumagsak kami sa sahig.
"Ouch." Pagdaing ng babae habang hinihimas ang likura nya. "Why — why did you do that."
Pero tinitignan ko lang syang maigi at malapitan habang nakadagan ako sakanya, nalalanghap ko ang init at bango ng kanyang hininga.
Wew.
What's happening?
Weird that i feel my heart skip a beat one or two.
"So..." She smirks. "Gaano mo ba katagal gustong maupob sakin?"
Yes, I'm sitting on her stomach.
Sh*t
Kaya nagmamadali akong napatayo at nahihiyang tumalikod. "Tell me." I feel upset. "What do you want from me?" Narinig ko lang syang tunmawa. "Money? Name your price. Just please leave me alone."
"indi ko kailangan ng pera mo okay." May pagkaarogante nyang sagot.
I look at her over my shoulder. "Then what weirdo?"
At inabot nya ang cellphone ko sakin. "Gusto ko lang may matuluyan hanggat wala pa akong nahahanap na bahay. " Dahan dahan syang naupo."
Mukha bang bahay ampunan etong bahay ko?
"Gaya nga ng nasabi ko hindi naman ako masamang tao, hindi ko kayang manakit ng tao, at lalong hindi ko kailangan ng pera mo."
Sa bawat salita nya ramdam ko ang sincerity nya pero napakahirap magtiwala sa panahon ngayon. Especially hindi naman ako basta basta at kung sino sino lang.
Lapitin ako ng mga mapagsamantalang tao kaya masisi nyo ba ako kung hirap ako magtiwala?
Pero kakaiba ang babae na to. Hindi ko sya kayang iintimidate.
Hindi ko narin naman alam pa ang gagawin ko para paalisin sya dito dahil kung may mangyayari sa kanyang masama edi kargo de konsensya ko pa yon diba?
" Let's eat " Pag-alok nya sakin.
"Really?" Natawa ako. "Unbelievable."
Sya pa talaga ang nag-aya eh.
Akala mo sya may-ari ng bahay ko.
But.
I'm hungry.
I couldn't help but look at the food on the table. Parang masarap eh.
With second thought, naupo ako sa table.
"Wag kang mag-aalala, wala yang lason." Natatawang sabi nya. Buti naman at alam nya ang nasa isip ko. "Wala kasing pagkain dito kaya nakialam na ako."
"Of course." Matabang na sagot ko sakanya at sabay subo ng pagkain.
Oh gosh, ang sarap. Kelan pa ba ako hiling nakatikim ng lutong bahay? Napaungol nalang ako habang ninanamnam ang pagkain sa bibig ko. Saktong sakto ang lasa ng adobo pero nangingibabaw ang tamis.
"I want to introduce myself again — for formality. " Narinig ko na wika nya. Napatingi nalang ako sakanya " I'm Alexandria Cruz, and you are? Carol right?"
" Carol " Maikling sagot ko sakanya
" So artista ka pala " Natatawang sabi nya. Lagi nalang syang ganyan. Smiling face. Very jolly person. Para bang wala syang dinadalang problema. " Nakita ko lang yung mga pictures at awards mo"
"Nakapag libot libot ka na pala habang tulog ako "
I retorted." Medyo " Sagot nya sakin
" Tandaan mo lang na hindi porket na tinanggap kita dito ay may karapatan ka ng makialam sa mga gamit ko." Inis ko na sabi. Dahil isa yan sa pinakaayaw ko yung nakikialam sa mga gamit ko kahit na ano pa yan. " I will let you stay here but in one condition."
Alex's face beem. "Sige. Ano yun?"
I stare at her a little hard and longer. "Be my maid."
BINABASA MO ANG
The Superstar ( Lesbian )
Humor[FILIPINO LANGUAGE] Change. Ito yung salita at pangyayari sa ating buhay, masakit at masayang pagbabago. Paano nalang ba kung may dumating sa buhay mo? na walang idinulot kundi problema, kabwisetan at pakiramdam na ngayon mo palang naramdaman sa buo...