Gabi na kami nakarating sa maynila dahil inabot kami ng rush hour sa edsa. Alm nyo naman ang traffic dito sa maynila aabutin ka ng ilang oras para makarating sa patutunguhan mo. Kung hindi kami nagpunta at namasyal sa Enchanted Kingdom ay kanina pa kami nasa bahay at nagpapahinga. Gayunpaman, hindi ko ito pinagsisisihan. Oo aaminin ko, isa ito sa pinakamasaya at memorable na nangyari sakin, sobrang nagenjoy ako. Ngayon ko ulit naranasang malayang nakapamasyal na walang camera, walang fans na nakapalibot sakin.
" Carol " Bulong ni Alex sakin habang marahan nyang pinaparada ang kotse sa harap ng bahay. " May bisita ka "
" Ha? Sino? " Tinatamad kung tanong dahil sa pagod ay wala na akong ganang makipagusap sa ibang tao. Ininguso ni Alex ang kotse na nasa harapan namin. Isang Mercedes Benz. Hindi pamilyar sakin ang sasakyan, wala akong ideya kung sino sya. " Baka hindi naman ako hinahanap nyan at nakiparada lang " Katwiran ko at bumaba na ako ng kotse na sya rin namang pagbukas ng pintuan ng Mercedes Benz at lumabas si Bela. Abot langit ang kanyang ngiti na hindi matatawaran ng kahit ano mang salapi.
" Hi, Carol " Masayang bati ni Bela nang makalapit na sya sa akin.
" Mauna na ako sa loob " Paalam ni Alex at binitbit ang aming mga gamit, at nagmamadali na itong umalis muntik pa nga itong madapa. Napailing nalang ako, kahit kailan talaga clumsy ang babae na ito.
" Kanina pa kita hinihintay " Nagsalita ulit si Bela at buong pagtataka ko siyang pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Naka short sya na maikli na maong at white shirt. Sobrang simple nya lang rin manamit kapag wala sa harap ng kamera.
" Why? " Medyo masungit na tanong ko Kay Bela. " Bakit mo ako hinihintay? May script ka nanaman bang ibibigay? " Taas kilay at pilosopo kung tanong ulit.
" Relax my dear " Napangiti sya " Wag masyadong masungit dahil lalo kang gumaganda " Pangiinis nito sakin. " Well... " At may kinuha sya sa kanyang likuran. " I came here to give you this... " At inabot nya sakin ang kulay na gold maliit na sobre. " I personally inviting you for my birthday party tonight. "
Did i really hear her right? Na iniimbithan nya ako? This is actually the first time she invited me sa dami ng nagdaang parties nya. Yes, we are at the same fields of work, same friends and acquittance pero hindi ibig sabihun nun ay lahat kami ay close sa isa't isa. " Why? "
" Kailangan ba may reason? " Balik na tanong ni Bela sakin.
" Oo. Baka nakakalimutan mo na hindi tayo magkaibigan " Matabang na sagot ko kay Bela. Natahimik sya at nakatingin lang kami sa isa't isa. Nakaramdam ako ng weird sensation sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ano at bakit.
" I have waited for you here for like almost three hours Carol. " Napakamot noo ito sabay ang ngiti, pero sa likod ng kanyang ngiti ay ramdam ko na nasaktan ko sya. Nakaramdam ako ng guilt dahil masyado na ata akong nagiging harsh kay Bela. " Kahit ngayon lang. It's my birthday naman so, gift mo na sakin ang pagpunta mo "
Napabuntong hininga nalang ako at kinuha ang sobre sakanyang kamay. " I will try " Sagot ko. Pagod kasi ako at gusto ko sanang magpahinga na.
From smile to straight flat line ang mga labi ni Bela. At nabigla ako ng maramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bisig, at marahang nya itong pinisil. " Sige na naman. Pumunta ka na, sayang naman yung effort ko at minsan lang naman ito " Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ay nandon ako sa party. Sa pagkakaalam ko maraming kaibigan si Bella sa showbiz. Bakit nya pa ako pinagaaksayahan ng panahon?
" Sige na nga. Pupunta na ako. " Napipilitan kung sagot. Para matapos nalang ang lahat. Kahit siguro sandali kang ako don. " See you later " At inalis ko ang kanyang kamay sa aking braso.
Halos mapalundag sa tuwa si Bela nang marinig ang aking pagpayag. " Yes. Thank you " At muntik nya pa akong yakapin pero pinigilan ko sya.
" Umalis ka na Bela, magkita nalang tayo mamaya " Sabay talikod ko sakanya.
BINABASA MO ANG
The Superstar ( Lesbian )
Humor[FILIPINO LANGUAGE] Change. Ito yung salita at pangyayari sa ating buhay, masakit at masayang pagbabago. Paano nalang ba kung may dumating sa buhay mo? na walang idinulot kundi problema, kabwisetan at pakiramdam na ngayon mo palang naramdaman sa buo...