Pinalitan ko ang title nitong story. From Chemistry to The Superstar.Habang tinititigan ko si Alex ay hindi parin mawala sa aking isipan ang nangyari sa Birthday party ni Bela. Pinamukha nya sa lahat ng tao kung gaano sya kagaling sa pagtugtog ng piano lalong lalo na sa taong naglagay sakanya sa sitwasyon na iyon. Sa totoo lang, sobrang napahanga nya ako.
May mga kilalang tao na lumapit at kinausap sya para magshowbiz pero hindi nya tinanggap. Kung ibang tao siguro ang nasa posisyon nya ay agad agad nito susunggaban ang oportunidad na maging artista. Pero gaya nga sinabi ko dati pa, iba si Alex. Hindi ko nga alam kung ano ba ang tumatakbo sa isip nya, sobrang hirap nyang basahin. Gayunpaman, masaya ako na hindi sya magaartista dahil ayoko na mawala sya sa aking tabi. Please don't get me wrong, nasanay lang talaga ako na lagi ko syang kasama kahit saan man ako magpunta.
" Bakit ganyan ka tumingin, may dumi ba sa mukha ko? " Nagtataka nitong tanong habang nagmamaneho. Pauwi na kami dahil gabi na, at isa pa ay hindi ko namalayan na naparami ako ng inom.
" Bakit hindi mo tinanggap ang mga offer sayo kanina? Chance mo na yon para sumikat at yumaman " Tanong ko sakanya.
" Simple lang, ayaw ko ng magulong buhay " Sagot nya nang walang panghihinayang. " Ayaw ko ng may mga nakabunton na paparazzi. "
Umayos ako ng pagkakaupo. " So you mean, magulo ang buhay ko? " Taas kilay na tanong ko sakanya. I'm not mad or something dahil alam ko naman sa sarili ko na totoo ang mga tinuran nya. Bilang artista kasi ay nawawala ka ng privacy, kahit pa nga nasa loob ka ng bahay.
" Hindi naman. Hindi lang talaga para sakin ang pagaartista, ano bang malay ko umarte " Natatawa nitong sagot.
Hindi na ako kumibo at nagkibit balikat na lamang. Pakiramdam ko masusuka ako dahil sa bilis ng takbo ng sasakyan. Binuksan ko na lamang ang radyo baka sakali na makatulong ang mga love song na kanta.
Napalingon ako kay Alex nang itigil nito ang sasakyan. " Bakit ka huminto? " Kunot noo na tanong ko kay Alex.
Tinanggal nya ang seatbeat. " Bibili lang ako ng kape para medyo mawala yung kalasingan mo " Bumaba na sya ng kotse at dumaretcho sa grocery store.
Hindi man lang nya hinintay ang aking sagot. Napailing ako at ipinikit ang mga mata. Sobrang pagod ako sa araw na to, siguradong tulog agad ako sa oras na lumapat ang aking likod sa kama. Hay. Gusto ko na talagang makauwi.
" Eto na ang kape mo " Wika ni Alex ng makabalik at inabot sakin ang mainit init na kape. " Dahan dahan lang baka mapaso ka " Paalala nya. Minsan pakiramdam ko mas mature magisip si Alex kumpara sakin. Mas alam nya kung ano ang dapat gawin sa bawat sitwasyon. Pano na kaya ako kung wala sya?
Marahan at maingat kung ininom ang kape hanggang sa tuluyan ko itong maubos. Gumaang narin ang aking pakiramdam at nabawasan ang aking pagkalasing. Biglang may inabot na tatlong pirasong lollipop si Alex sa akin. Napatingin ako sa kanya ng buong pagtataka. Anong akala nya sakin, bata?
" Ano yan? "
Ngumiti sya sakin " Lollipop " May pagkapilosopo nyang sagot.
" Alam ko. " Nakataas kilay na sabi ko. " Ang ibig kung sabihin ay kung para saan yan? "
Napakamot sya sakanyang ulo sabay kuha saking kamay at iniligay ang mga lollipop. " Para sayo "
" Ano naman gagawin ko dito? " Tanong ko sakanya habang pinagmamasdan ang mga lollipop.
Uminom sya ng tubig bago sumagot. " It's my way of saying Thank you Carol. Nasayo na kasi ang lahat, kaya hindi ko alam kung ano pa ba dapat na ibigay ko sa isang tulad mo. " Napakamot noo sya.
BINABASA MO ANG
The Superstar ( Lesbian )
Humor[FILIPINO LANGUAGE] Change. Ito yung salita at pangyayari sa ating buhay, masakit at masayang pagbabago. Paano nalang ba kung may dumating sa buhay mo? na walang idinulot kundi problema, kabwisetan at pakiramdam na ngayon mo palang naramdaman sa buo...