"Are you okay?" Medyo iritable na tanong ko sa hindi mapakali na si Alex sa aking tabi, para syang sinisilihan sa kanyang kinauupuan. Daig nya pa hindi mapanganak sa kakaikot nya.Napatingin sya saglit sakin at bumuntong hininga ng malalim. "Pasensya na Carol." Napalunok sya at pumilit ngumiti. I noticed na medyo nangungulum mata si Alex. "Medyo masama lang ang pakiramdam ko."
"Bakit hindi mo agad sinabi? Sana nagpahinga ka nalang sa bahay." Nag-aalala ko na sabi kay Alex. Ayaw ko sana syang sermunan pero hindi naman ako manghuhula para malaman kung may sakit ba sya o wala.
Umiling si Alex na may ngiti sa labi. "I can't say no to your parents."
Nakakatuwang isipin na kahit ngayon lang nya nakilala ang magulang ko ay malapit na malapit na ang loob nila sa isa't isa. Ngunit hindi naman ibig sabihin non ay maaari na nyang ikumpormiso ang kalagayan nya. She is living with me kaya kung amo man ang mangyari sa kanya ay magiging pananagutan ko sya.
"Sige.." Napipilitan ko na sabi. "Just tell me if you want to go home "
Ngunit habang pinagmamasdan ko si Alex ay lalo lang syang namumutla. "Yes, okay lang ako."
"Are you sure?" Tanong ko ulit just in case na magbago ang isip nya.
Tumango tango si Alex. "Oo."
Hay, bakit ang tigas ng ulo ng babae na to. Sya na nga itong inaalala. Baka kasi mamaya ay dito pa sya magkalat sa party. At para hindi ako mastress sa kaiisip kay Alex ay nagfocus ako sa party. A smile spread across my face when i saw my parents smiling and laughing with their friends. For me, wala itong katumbas na kahit anong halaga.
Napatingin ako kay Alex ng bigla syang tumayo. "Where are you going?"
"Sa restroom lang." Nabulol nyang sabi.
Tumayo rin ako "Gusto mo samahan na kita?"
"Wag na Carol, okay lang ako at baka hanapin ka nila." Alex tried to be as cheerful as she is but her eyes were telling me otherwise.
Alam kong nilalabanan ni Alex ang masama nyang pakiramdam para wag akong mag-alala. Magsasalita pa sana ako pero agad na syang tumalikod at naglakad palayo. Gusto ko sana syang habulin pero ayaw ko naman lumabas na sobrang concern sa kanya. Saka isa pa, sabi nya kaya pa nya.
"Carol Lopez?" Napatingin ako sa lalaking buong yabang at tikas na nakatayo sa aking tabi. Sa tingin ko ay nasa mid 30s na sya. Wala naman akong maipintas sa itsura nya dahil sa artistahin nyang dating. "Hi, i was calling for you but it seems like you are in deep thought." He smiled at me showing me his perfectly set of pearl teeth. "I'm Sebastian Laviste CEO of Laviste Industrial Company." Pakilala ng lalaki sabay lahad ng kamay. "People said that you are more beautiful in person but i guess they were completely wrong." Pinagmasdan nya ako mula ulo hanggang paa. "You are beyond beautiful Carol."
Nagtayuan ang balahibo ko sa mga pinagsasabi nang lalaki na ito. He might the richest man here on Earth but he has no single chance on me dahil sa pagkamahangin nya. "Thanks for the compliment Mr. Laviste." Tumingin ako sa kamay nya pero hindi ko sya kinamayan "It's nice to meet you."
"Well." Tila napahiya ang lalaki kaya ibinaba nito ang kamay nya. "I noticed that you are alone here while your parents are having fun. I was wondering if you want to go to my table. You know. Just talking." Hindi ako manhid para hindi mapansin na may laman ang salita nya.
Sa tagal ko sa showbiz, hindi na ako nagugulat sa ganitong mga imbitasyon. Marami narin akong naencounter na kahalintulad nitong si Mr. Sebastian Laviste. Hindi ko naman sila masisi dahil aminado ako na maraming artista ang tumatanggap ng kanilang offer, syempre para sa pera at para madaling sumikat kung makadawit ka man ng malalaking tao. Pero hindi lahat ng artista ay ganon, karamihan samin ay nagsumikap para marating ang kinalalagyan namin ngayon. Gaya ko, hindi ako gumamit ng ibang tao para sumikap. Pinaghirapan ko yung mga acting award na nakamit ko. "I'm sorry but I will decline."
BINABASA MO ANG
The Superstar ( Lesbian )
Humor[FILIPINO LANGUAGE] Change. Ito yung salita at pangyayari sa ating buhay, masakit at masayang pagbabago. Paano nalang ba kung may dumating sa buhay mo? na walang idinulot kundi problema, kabwisetan at pakiramdam na ngayon mo palang naramdaman sa buo...