Chapter 8

10.3K 366 3
                                    

"Wla pa ba yung mga security? " Medyo iritableng tanong ko kay Alex. Halos kinse minuto na kami dito sa loob ng sasakyan at naghihintay ng kahit anong security para umalalay sakin sa Mall tour. Sa dami ng tao malamang kuyugin nila ako. Napakamot nalang si Alex sa ulo nya at tumingin ulit sa bintana.

" Nandito na " Bigla nyang sabi at saka pagbukas ng pinto.

Bumungad agad ang manager ko. " Sorry. I was stuck in the traffic and may kinausap pa ako dito sa mall for your security " Hinging paumanhin nya, tumango nalang ako.

Pumalibot ang event security sa sasakyan ko sabay hawi sa mga tao. Sinalubong ako ng mga hiyawan. Ako naman si ngiti dito, kaway doon. Hindi ko natuloy alam kung nakasunod pa ba sa akin si Alex. Pagdating sa back stage ay nagkonting retouch lang ako at salang agad sa kantahan, questions and answer, at activities with the fans. Makalipas ang dalawang oras ay natapos narin ang Mall tour, hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko pagod na pagod ako sa araw na ito.

" Water? " Alok ni Alex sa akin na may hawak pang bottled water pagkasakay namin sa kotse. Nanatili lang si Alex sa back stage buong Mall tour.

" Sa tingin mo mabubusog ako sa tubig lang? I'm freaking hungry! " Medyo inis na sabi ko sakanya. Huli narin ng maisip ko na hindi ko sya dapat tinarayan, pero ano magagawa ko, pagod at gutom ako.

Kumunot ang nuo nya, pero hindi sya nagsalita at nagmaneho nalang pauwi. Hindi rin kami nagusap sa buong byahe kaya kunwaring abala nalang ako sa pakikinig ng mga kanta sa cellphone ko, pero ang totoo ay nakikiramdam ako sa kanya. Nang nakarating kami sa bahay ay medyo nakaingit na sya kaya alam ko na okay na sya, at hindi na inis sa akin. Dumaretcho si Alex sa kusina para magluto at ako naman ay nagpahinga sa sofa. Binuksan ko ang TV, pero wala namang interesting na palabas.

Muntik na akong mapatalon ng may maramdaman akong malambot at mabalahibo sa aking mga paa. Pagtingin ko ay ang pusa pala na inampon ni Alex. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko para kargahin sya pero napaisip ako kung itong kawawang pusa ay nawalay sa kanyang ina sigurado ako na hinahanap hanap sya nito. Dahil kahit pusa sila ay ina parin sila, may damdamin gaya ng mga tao. Bigla ko naalala si mama. Marahil gayon din ang nararamdaman nya. Kamusta na kaya sya? Kelan pa ba kami huling nagkausap o nagkita? Hindi KO na matandaan.

" Okay ka lang ba? " Biglang tanong ni Alex sa akin, hindi ko namalayan na nasa harapan ko sya. Napatingala ako at naramdaman ko na may kung ano sa aking mga pisngi. Binababa ko ang pusa at pinahid ang aking luha.

" Ha.. Oo. Okay lang " Taranta kung sagot at saka tumigin sa ibang direksyon.

" Bakit mo iniiyakan si Çai cai? " Tanong nya ulit, pakiramdam ko may halong biro na.

Napatingin ako kay Alex " Excuse me " Taas na kilay na sabi ko. " Hindi ko sya iniiyakan "

" E ano? " Nagtaas kilay din sya. Aba talaga nga naman. Hetong babae na ito.

" May naalala lang ako. Kaya pwede ba! Magluto ka na " Taray ko sa kanya na may kumpas pa ng aking kamay. " Gutom na ako " Dagdag ko.

Natatawang tumango tango nalang si Alex saka bumalik sa kusina. Naamoy ko na iyong masarap nyang adobo, lalo tuloy akong nagutom. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si mama. Sobrang miss ko na sya, lalo na iyong mga masasarap nyang lutong bahay. Agad nyang sinagot ang aking tawag at sinalubong ng kanyang pagkasabik.

" Hello mom, I just call to say I miss you " Nakangiti kung bungad sa kanya.

" I'm great hija especially na nakausap na kita ngayon. I have missed you too Carol " Sagot ng mama ko. Naramdaman ko ang pagkasabik nya sa akin, lalo lang tuloy ako nakunsensya.

The Superstar ( Lesbian )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon