Chapter 3

15.3K 554 15
                                    

Hindi ko alam kung tama ba yung pag alok ko Kay Alex para maging maid ko. Dahil wala akong nakita o narinig na kahit anong negatibo na reaksyon mula sa kanya dahil masaya nya itong tinaggap. Hindi ko sya mabasa dahil tinatago nya lahat sa nakangiti nyang maskara. Kaya nga pinanunuod ko syang maigi at inuobserbahan bawat kilos. Baka kasi mamaya bigla nya nalang akong saksakin sa likod o kaya patayin habang tulog. Ay nako. Napapraning na ako. Bakit ba kasi hindi ko maalis paningin ko sakanya, tila may malakas na pwersa o magneto na humihila sakin papunta sakanya. Kailangan ko lang siguro magpacheck up sa doktor para dito.








" Gusto mo ba ng Juice? Water? Tea? " Tanong ni Alex habang naglilinis sa sala.









" Water " Tipid kung sagot habang abala sa pagbabasa ng script. Ang totoo, hindi ko naman talaga kailangan magbasa ng script pero dahil gusto ko syang mabantayan nagpapanggap nalang ako na busy.










" Okay. Wait a minute " Masaya nyang wika at nagmamadali na itong nagpunta sa kusina. Napailing na lang ako. Hindi ko alam kung and ba tong napasukan ko.









Biglang tumunog ang cellphone ko. Napabuntung hiniga nalang ako ng mabasa ang caller ID. Bakit naman nya ako tatàwagan. Ano nanaman ba kailangan nya sakin. Wala akong maisip na reason para magusap kami, well, oo meron pero maliit na bagay naman iyon para sakin.








" Bella " Matabang kung sagot.








" Good morning Carol, I just want to ask kung nadistribute na ba ang mga script for Chemistry? " Tanong ni Bella mula sa kabilang Libya.












Talagang ako pa tinawagan nya para magtanong lang? Pwede naman syang tumawag sa producer, director or manager nya. Gumagawa talaga sya ng paraan para inisin at sirain ang araw ko. " Oo "











" Thank you, sorry kung naabala kita "









Nagkibit balikat nalang ako " Welcome " Tinatamad kung sagot sakanya.







" Yan lang ba alam mong isagot dalawang maiksing salita na Oo at welcome " Biro ni Bella sakin. Alam ko naman na biro lang yung sinabi nya pero hindi ko maiwasang mainis.








Hindi ko napansin na nakabalik na si Alex mula sa kusina. Marahan nyang nilapag ang malamig na baso ng tubig sa lamesa. Hindi na sya nagsalita pa dahil nakita nya na may kausap ako sa cellphone at nagpatuloy nalang sya sa paglilinis ng mga mamahalin kung furniture. " I'm busy Bella. Nasagot ko na tanong mo so goodbye " At isang mariing pindot sa end call.










" So. Alex, bakit ka naglayas sa inyo? " Tanong ko sakanya habang pinanunuod ko sya. Hindi sya agad nakasagot tila nagiisip sya ng tamang salita na dapat sabihin, maaari din namang may mga sensitibong impormasyon na ayaw nya ibahagi sakin. Magkagayon man nais ko paring malaman kung ano bang klaseng tao ang nasa pamamahay ko ngayon. Gusto ko lang makasigurado. " Buntis ka ba at pinalayas ka ng magulang mo? Or may tinatakasan ka? Utang? Abosadong asawa? "









" Wow " Natatawa nitong sabi na hindi makapaniwala " Grabe ang mga conclusion mo. Artista na artista ang mga dating " Inilapag nya ang basahan at tumingin sa akin. " I will answer your question para naman hindi mo ako binabatayan "










" Paano mo naman nasabi na binabantayan kita aber? " Mahinahong tanong ko sakanya, ayaw ko mahalata nya pa lalo na tama sya.














" Well. Umalis ako samin dahil nagkaroon kami ng malaking pagtatalo ng mama ko, Gusto ko magisip kaya nagpakalayo layo muna ako. Ayaw ko lang kasi na lalo pa namin masaktan ang isat isa dahil sa galit. Kaya " Huminto sya at napakagat labi. Napansin ko na mamumula ang kanyang mga mata na tila nais nyang umiyak.











" Okay. You don't have to say more " Agad kung sabi sakanya at tumayo. " I just want to make sure that your not a bad person or a psychopath " At naglakad na ako papunta sa kwarto ko. Hindi na ako naghintay sa sagot nya dahil kitang kita at damang dama ko ang katotoohanan sa mga sinasabi nya. Basta kung makakahanap sya ng matitirahan, Malaya syang makakaalis. Wala namang pipigil sa kanya. Medyo nakakapagod ang araw na ito kahit na wala naman akong ginawa. Nakakapagod lang talaga magisip. Magisip ng mga walang kwentang bagay. Hindi ko nalang na nakatulog na pala ako.













Nagising nalang ako sa mararahang katok sa aking pintuan. Anong oras na ba? Napatingin ako sa alam clock na nasa bedside table ko. It's only 6 pm. Nakakainis. Bakit ba nya ako ginigising e napakasarap na nga ng tulog ko. Ganon pa man e tumayo narin ako at binuksan ang pintuan. Imbis na bulyawan ko si Alex ay napanganga nalang ako ng makita ko sya. Nakasuot sya ng oversize white shirt at maikling short, mamasa masa pa ang kanyang pulang buhok at sobrang tamis ng kanyang amoy. Kung pakatitignan si Alex. Hindi naman sya masasabi na mahirap na tao dahil kutis porcelana sya.







" Naghanda pala ako ng dinner " Nakangiti nyang balita sakin.









Dahan dahan kung isinandal sa gilid ng pintuan ang aking ulo at taas kilay na sinagot ko sya. " Alex "Butong hininga ko " I will eat when I feel hungry "










" Pero hindi ka kumain ng lunch. Maghapon ka natulog. Baka gutom ka na. " Medyo seryoso ang tono nya " Sa tulad mong artista mas kailangan mo kumain ng masusustansyang pagkain para hindi ka magkasakit "









Natawa ako bigla. Hindi ko alam na ganon pala kahalaga sakanya ang pagkain. At kung magsalita sya ay hindi basta basta dahil alam na alam nya ang kanyang sinasabi. Napaisip tuloy ako kung mayaman ba sya pero heto ako ginawa ko syang katulong sa napalaki kung bahay para sa isang tao. Ako lang kasi ang nakatira dito dahil mas pinili ng family ko na manatili sa ancestral house namin sa Batangas pero dahil karamihan ng taping, interviews, photoshoot etc ect ay dito sa metro manila ginagawa.










" Okay. Para matahimik ka nalang at hindi mo na ako lecturan. Sige. Kakain ako " Sagot ko sakanaya na sya namang ikinatuwa nya ng gusto. Naiisip ko tuloy bakit hindi ko sya matanggihan. Lalo na pag nangungunsensya sya. This girl is really something.

The Superstar ( Lesbian )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon