Chapter 17

10.3K 387 37
                                    

Naging abala ako sa paghahanda para sa grand opening ng isang sikat na five star hotel na pagmamayari ng Moteralba mamayang gabi.  At kinakailangan ko pumunta para makakuha ng investment gaya nga ng sabi ng Manager ko, malaking tulong ito sa lalong pagunlad ng aking career, hindi porket na ako ang isa sa pinakasikat na artista sa henerasyon ngayon ay dapat magpakakampante na ako, kailangan ko rin maghabol sa mga endorsement.

Pinakatitigan ko ang aking sarili sa harap ng full size mirror. Sinimplehan ko lamang ang aking make up at gown, ayaw ko maging overdressed, the simple the better as long as kaya ako nitong dalhin, na aangat parin ang natural ko na ganda na hindi masyadong nageeffort . Thanks to my manager dahil pinapunta nya ang makeup artist at style ko dito sa bahay kaya hindi na ako masyadong nahirapan magayos sa aking sarili.

Napangiti ako ng makita ko si Caicai na hinahabol ang maliit na bola na binili ko para sakanya. Sinisikap kong bigyan sya ng atensyon, asikasuhin at pakainin gaya ng ginagawa ni Alex sakanya.

Sa totoo lang,  sinubukan ko na wag isipin si Alex, pero kahit saan sulok ng bahay na ito ako tumingin, si Alex ang aking nakikita. Ang hirap pala ng ganito, akala ko pag pinili ko ang tama ay magiging maayos na ang lahat pero parang mas naging magulo at komplikado pa. Malapit na ako masiraan ng ulo.

Tumunog ang doorbell.

Hindi na ako nagdalawang isip na buksan ang pintuan dahil alam ko kung sino ito. Nagulat ako ng binati ako ng isang mainit and mariin na halik mula kay Red.

" Red, " ungol ko habang unti unti ko syang tinutulak palayo sakin. " You are ruining my lipstick, "

Natatawang lumayo si Red. " I'm sorry. " at buong giliw na pinahid ng kanyang daliri ang gili ng aking labi. " You are just so beautiful sweetheart, "

Tinitigan ko si Red mula ulo hanggang paa. Para syang modelo sa mga sikat na men's magazine sa kanyang suot na all black suit with a bow tie. Halos walang gusot ang kanyang damit. Dala na dala nya ang kanyang sarili. " You look really good, " nakangiti ko na sabi sa kanya, " Dazzling, "

Pinalaki nya ang kanyang dibdib na parang si Tarzan. " Why thank you, but I bet you are the most beautiful woman at the party later, "

Napangiti lang ako at kinuha ang aking purse. " I think we should leave now, it's almost 8. Baka hinahanap na ako ng manager ko, " sinulyapan ko muna ang natutulog na si Caicai sa kanyang sariling kama bago ko isarado ang pinto.

" I didn't know you like cats especially the little one, " pagtataka ni Red habang inaaalayan ako sa paglalakad patungo sa kanyang naghihintay na kotse.

" Not really, " matipid ko na sagot. Hindi naman ako talaga mahilig sa mga hayop, mapa pusa o aso man. But since Alex rescued Caicai from possible danger, wala akong choice kundi kupkopin ang pusa. Napamahal narin naman sya sakin at labis ko na ikalulungkot kung pati sya mawawala at iiwanan ako.

Binuksan ni Red ang pintuan ng sasakyan para sakin, bigyan ko sya ng isang matamis na ngiti bago pumasok sa loob ng kotse. Kasing amoy ni Red ang loob ng kanyang sasakyan, sweet but masculine.

" You haven't changed your perfume, " sabi ko sakanya ng nakasakay narin sya ng sasakyan.

" You gave it to me Carol, and it's my favorite,  "

Oo nga pala, ako ang nagbigay kay Red nang perfume na ginagamit nya ngayon. Isa ang pabango sa hilig nya, umaabot na ata sa kwarenta piraso ang perfume collection nya.

" Nasaan na yung kasama mo? Si Alex, bakit hindi ko ata sya nakikita? " walang gatol na tanong ni Red habang nagmamaneho.

Tila may kutsilyo na tumarak sa aking dibdib pagkarinig ko sa pangalan ng taong nagbigay sa akin ng pighati at pait.

The Superstar ( Lesbian )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon