Chapter 15

10.8K 436 32
                                    

Upo, tayo balik sa kama at paikot ikot. Ganito ang nangyayari sa akin sa mahigit dalawang oras sa loob ng aking kwarto. Hindi ako mapakali, hindi ko maipikit ang aking mga mata dahil ang maganda at maamong nyang mukha ang aking nakikita. Sinubukan ko narin manuod ng movie, makinig sa mga kanta at magbasa ng libro pero hindi parin mawaglit sa aking isipan ang kanyang matatamis na labi.

Pakiramdam ko ay tinayardor ako ng sarili ko dahil ako pa mismo ang unang humalik sa kanya. Alam ko na nagulat si Alex pero dapat pinigilan nya ako para hindi na sana nangyari ang mga bagay na hindi dapat mangyari. Kasalanan ni Akex to! Kinulam siguro ako ng babae na yon!

Tumayo ako at lumabas ng kwarto.. Madilim na ang buong kabahayan, wala ka naring naririnig na kahit anong tunog. Napatingin ako sa gawing direksyon kung nasaan ang kwarto ni Alex. Siguro tulog na sya, mabuti naman dahil hindi ko parin sya gustong makita at makausap.

Nagpunta ako ng kusina at kumuha ng tubig sa refrigerator. Marahang kung ininom ang malamig na tubig na gumuhit sa aking lalamunan pababa sa aking tiyan. At nang isasara ko na ang pintuan ng refrigerator ay napatalon at hiyaw ako sa gulat at takot ng may kumalabit na mabalahibo sa aking paa.

" Carol! " sigaw ni Alex nang makalabas ito ng kanyang kwarto. Gulo gulo pa ang kanyang buhok. " Anong nangyari? Okay ka lang? " nagaalalang tanong nito sakin sabay bukas ng ilaw.

" Cai... " buntong hininga ko ng makita ang maliit na pusa na hatak hatak parin ang laylayan ng panjama ko." Tinakot mo akong pusa ko. Bakit hindi ka pa natutulog ha.. " parang pinapagalitan ko yung kuting, at nang aabutin ko na sana ito para hawakan ay nagmamadali itong umalis at tumakbo papuntang sala.

Tila naintindihan na ni Alex ang nagyari kaya hindi na ito nagtanong kung anong nangyari.

" Nagugutom ka ba? " Gusto mo ipagluto kita? "

" No, i'm not hungry, " matamlay kong sagot sabay talikod kay Alex.

" Sigurado ka? "

Bahagya akong lumingon sa direksyon ni Alex at tumango. " Oo. Nagising ka ba dahil sa sigaw ko? "

Umiling sya at lumapit sa akin ng bahagya na sya namang ikinabilis ng tibok ng puso ko. " Hindi. Nanunuod ako ng documentary ng marinig ko ang sigaw mo. " matamlay ang boses ni Alex na. " Ikaw bakit gising ka pa? "

Napakagat labi ako, syempre hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na sya ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog. " I was doing something for the taping tomorrow, " pagsisinungaling ko. " Anyway, " buntong hininga ko. " Matulog na tayo, maaaga pa tayo bukas. " sabi ko at naglakad na akong palayo.

" Pwede ba tayong magusap? " narinig kung sabi ni Alex. Natigilan ako at nakaramdam ng panlalamig sa buo kung katawan. Dahil alam ko na kung ano ang kanyang itatanong. Paano ko nga ba ito sasagutin? Kung ako mismo hindi ko masagot sarili ko.

" Tungkol saan? " patay malisya kung tanong kay Alex.

" Sa nangyari kanina, " mahinang nyang sagot.

" Forget it. " pigil ko kay Alex. Humarap ako sa kanya. Ngayon ko dapat gamitin ang pagiging magaling na artista ko sa ganitong sitwasyon.

" Pero... "

" It was purely a mistake, " matabang at arogante kung sabi sa naguguluhang si Alex. Kitang kita ko ang sakit na gumuhit a maganda nyang mukha, pero kailangan ko syang saktan para itama ang isang pagkakamali. " Pinagsisisihan ko kung ano man ang nangyari kanina. Hindi ko yon ginusto.. " kinuyom ko ang aking palad at tinitigan ko sya na halos wala na akong maramdaman. " Wag mo isiping may meaning sakin ang halik na yon, dahil wala. At wag mo ring isipin na magugustuhan kita," sobrang bigat ng nararamdam ko sa bawat salitang namumutawi sa aking bibig.

The Superstar ( Lesbian )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon