Chapter 7

11K 402 20
                                    

"Carol.." Masayang tawag ni Alex sa pangalan ko habang nanunuod ako ng American horror movie sa sala. I looked in her direction, she is feeding the kitten in the kitchen. Ako ang may-ari nang bahay pero wala parin  akong nagawa nang iuwi ni Alex ang pusa. "Gustong gusto nya nang gatas." Nakangiting wika nang babae na may pulang buhok habang buong giliw na hinahagod ang balahibo nang pusa. "Ano kaya ipapangalan ko sakanya?"

"Don’t tell me pati pangalan ng pusa at poproblemahin ko pa?" Walang kagana gana kong balik na tanong kay Alex.

"Mingming kaya?" Pagkausap ni Alex sa usap.

Palihim akong sumulyap kay Alex. "Kapag sumagot yang pusa sayo, ewan ko nalang."

"Kuting? Pero masyado nang common yun e." Nagpatuloy lang sya sa pagkausap sa pusa. "Mas okay ang unique name." Kinargan ni Alex ang pusa at naupo sa tabi ko. "Ano sa tingin mo?"

Actually, hindi talaga maid si Alex dito sa bahay dahil nagagawa nya ang lahat ng gusto nya kahit na paulit ulit ko syang pagsabihan na wag galawin ang mga gamit ko ay ginagawa parin nya kaya hinayaan ko na si Alex dahil napapagod narin ako kakasaway.

Pilit akong nagfofocus sa pinapanuod ko pero sobrang kulit nitong si Alex. "Alex please don't ask me stupid question."

"Hey it's not stupid." Katriwan nya. Lumapit si Alex sakin na sya namang pag-usod ko. "How about..." I could even feel her warm breath on my chin. "Ca- Caicai."

This time na napakunot ang noo ko dahil parang kinuha nya sa pangalan ko ang Caicai. "No.."

"Why not? It's a good name."

"Basta hindi pwede."

Ibinaba ni Alex ang kuting sa sahig. "Maglakad lakad ka muna Caicai."

Napaikot nalang ang mata ko. Wala e. Sya parin ang nasunod. We just sit there and watching the movie together but still nakikiramdam parin ako kay Alex. Ewan ko ba kung  bakit hindi ko sya maalis sa isip ko, kung bakit hinahanap hanap sya nang mata ko kapag wala sya.

Gosh, mukhang kailangan ko na talaga magpacheck up sa doktor.

Buti na lamang ay wala akong kahit na anong commitment ngayong araw, eto talaga ang kailangan ko ang mahabang pahinga at inabisuhan ko rin ang manager ko na wag muna akong tawagan kung hindi importante at kinakailangan. Hindi naman ako tulad ng karamihan ng mga artista na panay ang party dahil ang gusto ko lang at matulog maghapon magdamag, pero alam nyo ba ang is a sa pinaka gusto ko? Iyon ay ang kumain ng mga luto ni Alex. Hindi ko nga alam kung paano sya nakakapagluto ng mga masasarap na pagkain na iyong iba ay sa restaurant lang makakakain at nakikita. Natanong ko na rin naman sya tungkol sa pagluluto nya dati pero sabi nya matuto sya sa panunuod ng mga cooking show at sa YouTube.

“ Aalis nga pala ako mamaya “ Narinig kung sabi ni Alex sa akin. Napatingin ako sa kanya. “ Maggogrocery ako, since wala ng stock na pagkain “ Dugtong nya.

Mamimili sya ng pagkain? E hindi ko namn sya binibigyan ng pera dahil lahat ng pangangailangan ko at nandito na sa bahay, at kung naubusan man ay saan sya kukuha ng pera? Marahan kung pinagkrus ang aking mga braso sa aking harapan. “ Saan ka kukuha ng pera? “ Tanong ko sa kanya.

Tila naumid ang kanyang dila at hindi agad ito nakasagot sa akin. Hindi rin sya makatingin ng daretcho. “ Ah.. Eh.. “ Hindi sya mapakali sa aking tabi. “ May pera naman ako na naitabi kahit paano, nahihiya na kasi ako dahil nagiging pabigat ako sayo lalo sa gastusin “ Katwiran nya. Ramdam ko naman na totoo ang sinasabi nya.

Tinitigan ko ng mabuti si Alex. “ Kahit kailan hindi ako humihingi ng kapalit sa pagpapatuloy ko sayo dito, at hindi mo kailangang gastusin ang natabi mong pera. Kailangan mo yan. Kaya itabi mo nalang. “ At saka ako tumayo “ Tara “ Aya ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata nya tila hindi makapaniwala si Alex sa naririnig nya. “ What? “ Kunwaring inis na tanong ko sa kanya. Pero ang totoo gusto kung matawa sa reaksyon nya.

The Superstar ( Lesbian )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon