Chapter 5

17.2K 554 36
                                    

Minsan talaga may mga bagay na mahirap unawin mas lalo kung ngayon mo lang ito naramdaman. Pakiramdam ko nga sasabog ang ulo ko sa galit. Bakit ba kasi kailangang magpunta itong si Alex sa victory party. Hindi ba sya makakapaghintay hanggang sa makauwi ako? At muntikan pa syang gumawa ng eksena kung hindi pa ako pumagitna sa kanilang dalawa ni Bella. Kung ako kasi tatanungin kayang kaya ko naman tiisin ang pangungulit ni Bella, kaya ko magbingi bingihan sa lahat ng mga sinasabi nya.

" Galit ka ba? " Marahang tanong ni Alex.

Hindi ko sya sinagot. Ni hindi ko nga sya tinignan kahit na sandali. Basta naiinis ako sakanya. Mas lalo kung binilisan ang takbo ng sasakyan na halos mapasigaw si Alex sa takot.






" Oh gosh. Slow down " Tili nya habang mahigpit ang pagkakapit. Gusto ko tumawa pero mas gusto ko syang parusahan sa pagsira nya sa Gabi ko. Tinapakan ko pang lalo ang gas. Mabuti nalang wala masyadong sasakyan sa mga oras na to. " Jesus Christ " Narinig kung sambit ni Alex. Nang mapansin ko na may police mobile sa harapan ko saka ako nagdahan dahan. " Gusto mo ba akong patayin? " Inis na tanong ni Alex.

" Gusto mo ba? " Taas kilay na balik na tanong ko sakanya.

Napabuntong hininga nalang si Alex at hindi na kumibo. Siguro nga natakot talaga sya. Dapat lang sakanya yon. Nagpatuloy ako sa pagmamaneho hanggang sa marating namin ang bahay ko. Walang gusto magsalita sa aming dalawa. Marunong din pala syang magtampo.



" Gutom ka ba? Gusto mo kumain? Magluluto ako. " Tanong ni Alex sakin. Tila bumalik na sya sa kanyang sarili.


Umiling lang ako at pumasok na sa aking kwarto. Nawalan na akong gana kumain at Pakiramdam ko pagod na pagod ako sa araw na ito at gusto ko nalang itulog ang lahat. Sana bukas paggising ko bumalik na sa dati amg lahat. No Alex. Most especially Bella.

•••

Nagising ako sa napaingay na tugtog na nanggagaling sa sala. Sino bang matinong tao ang magpaptugtog ng ganitong oras. Edi syempre yung pula ang buhok na babae sa pamamahay ko. Mukang gumaganti sya sa sakin dahil sa ginawa ko sakanya kagabi.


Inis akong bumangon at napapanganga ng bumungad sakin ang sumasayaw na si Alex. Pawis na pawis sya pero mukha parin syang mabango. Alam ko na marami na akong nakitang magaganda at sexy na babae sa trabaho ko bilang artista. Walang tulak kabigin. Pero tila may humigit pa sakanila. Isang kagandahan na pilit tinatago ng mga simpleng kasuotan. Ganda na hindi mo pagsasawaan kahit buong buhay mo syang pagkatitigan.


Hinugot ko ang saksak ng music system. " Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? " Matabang na tanong ko Kay Alex na sya namang napatigil sa pagsayaw.


Napangiti ng malaki si Alex ng nakita ako. Hindi man lang nakaramdam ng hiya ang babae na to. Pinunasan nya ang kanyang pawis gamit ang laylayan ng kanyang t shirt. Kitang kit ko ang flat stomach and v shape ng kanyang katawan. Napalunok nalang ako.


" Nag zuzumba " Masaya nyang sagot. Tagaktak parin ang pawis nya.


" Alam ko, at sino nagsabi sayo na pwede mong gamitin ang music system? Napagusapan na natin to di ba? " Kunot noo na tanong ko sakanya.

" Carol " Buntong hiniga ni Alex habang nakatingin sya sakin. Hinintay ko ang susunod nyang sasabihin at ikakatwiran sakin " Nagluto pala ako " Natatawa nyang sabi at nagmamadali na itong naglakad palayo.

" Kinakausap pa kita Alex bumalik ka dito " Sigaw ko sakanya at sumunod ako sakanya sa kusina.


" Kain na " Alok sakin ni Alex habang nagsasalin sya ng Juice sa baso ko. " Niluto ko pala ang paborito mong Paella at Adobong manok " Dagdag nya. Sa pagkakita ko palang sa pagkain tila lumipad na sa hangin ang inis na nararamdaman ko para sa babae na pula ang buhok na ito.


" Ang galing mo talaga magbago ng topic " Sabi ko sakanya at saka ako naupo sa upuan. Natawa lang sya at kumain na kami. Oo, Alam ko naman na maid ko sya dito pero araw araw ay magkasabay kami sa pagkain. Ang sarap nyang magluto. Parang buong buhay nya ay ang pagluluto ang ginagawa nya. At saka, napansin ko rin na elegante syang tignan sa paghawak palang ng kutsara at tinidor. Daretcho run sya kung maupo. May table manners ang babae na to.






" Bakit pula ang buhok mo? " Tanong ko sakanya. Matagal ko na sana gusto itanong sakanya ito pero lagi kung nakakalimutan.


Mahinang tawa ang narinig ko sakanya. " In three simple words. Red is the color of fire, anger and adventure at naniniwala ako na yang tatlo na yan ang nagrerepresent ng pagkatao ko "

" Including Anger? " Taka kung tanong.

" Yes " Tipid na sagot ni Alex. Napansin ko rin na nagbago ang expression ng mukha nya. Para bang may malalim syang pinaghuhugutan. Pero bago pa ako makapagtanong ulit " Sino si Bella? " Biglang tanong ni Alex sakin.



Aaminin ko na medy nabigla ako sa tanong nya pero hindi na ako nagtataka dahil sa nangyari kagabi. Nakakapagtaka lang talaga na hindi nya kami kilala bilang mga artista. Hindi lang basta basta artista dahil kahit saan ka pa tumingin puro pictures namin sa billboards ang makikita mo lalo na sa edsa. Hindi rin naman maitatanggi na sikat din si Bella. Saan ba talaga nanggaling ang babae na to. Wala bang TV sakanila? Hindi ba sya nagbabasa ng mga newspapers or magazine?




" She is an artist too like me " Simpleng sagot ko sakanya.



Napatingin si Alex sakin " Mukhang hindi kayo magkaibigan nung Bellia na yon "



Muntik ko ng mabuga ang laman ng bibig ko. Gusto ko sana tumawa pero pinigil ko ang sarili ko " Bella. Not Bellia " Pagtatama ko sakanya.






" Pero hindi kayo magkasundo di ba? " Kulit na tanong nya sakin.


" Paano mo nasabi na hindi kami magkasundo? " Balik na tanong ko sakanya.



I know Alex wanted to roll her eyes at me. Tumayo sya at niligpit ang pinagkainan namin. " Narinig at nakita ko kung paano mo sya kausapin kagabi "



" Well " Napaisip ako kung and ba dapat na sabihin ko sakanya. " I just don't like her from the beginning " Seryosong sagot ko for the first time. " And you don't need to know why " At sabay tayo ko " Anyway. Sasama ka sakin sa taping ko ngayon. Ayaw kita iwanan dito dahil baka kung ano ano pa paggagawin mo "



Just in case. Please read my other books  Salamat!

The Superstar ( Lesbian )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon