Madalas natin naririnig ang mga katagang. Mahal ko o Mahal ako. Pero kung ikaw ba ang tatanungin sino ang pipiliin mo? Iyong mahal mo pero ngunit may kulang o mahal ka, lahat gagawin para mahalin mo rin sya? Mahirap timbangin di ba? Pero isa lang ang sigurado, masasaktan ka at masasaktan mo ang isa sa kanila.
Sa totoo lang naguguluhan na ako. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kung maramdaman. Hay. Mali ba na mas pahalagahan mo ang mga bagay na pinaghirapan mo? Mali ba talikuran ang damdamin na ngayon mo lang naramdaman? Mali ba talaga na piliin yong sa tingin mo ay tama? Mali ba na itama ang mali?
Mag-alas tres na nang madaling araw pero hanggang ngayon naghahanap parin ako kay Alex. Nalibot ko na ata ang buong Maynila pero kahit ni anino nya ay hindi ko mahagilap. Naglaho nalang sya na parang bula gaya ng pagsulpot nya noong una ko syang nakilala.
Biglang kumalam ang sikmura ko dahil hindi pa pala ako kumakain. So, I decided na sumaglit muna sa Starbucks. Tila lumulutang ako sa mga mapang-akit na aroma ng iba't ibang uri ng kape ng makapasok ako sa loob.
Dumaretcho ako sa counter at halos lumuwa ang mata ng barista ng makilala nya kung sino ako. "Hello Maam, What is your order?"
"Green tea latte." Medyo antok ko na sagot. "Grande please."
"Anything, Maam?" Hindi maalis ang mata ng barista sa sakin. I just ignored it besides sanay nanaman ako sa ganitong sitwasyon.
Ibinaling ko nalang sa menu ang atensyon ko na nakapatong sa counter. I'm not a fan of sweets especially cakes dahil ang hirap nyang iburn at talagang nakakataba. Pero dahil gutom ako ngayon hindi naman siguro masama na tumikim ako kahit papano.
"Add S'mores please."
Tumango at ngumiti ang barista habang ito ay nakatingin sya sa computer. "That would be all Maam?"
"Yes, that would be all."
Tumingin tingin ako sa paligid at naghanap ng pwedeng maupuam. Mabuti na lamang at tatlong tao ang kasalukuyang naririto sa Starbucks.. Yung dalawang babae ay nakaupo malapit sa pintuan na mukhang seryoso ang pinag-uusapan. Samantala ang nagiisang lalaki ay abala sa paglalaro ng kung ano man sa cellphone nya.
"Here is your order Maam." At inabot ng barista sa akin ang tray with my delicious food.
"Thanks." Pasasalamat ko bago ako magpunta sa bandang dulo ng bahagi para walang makapansin sakin. I started eating ans enjoying mygood until my phone rang. Kanina pa ako tinatawagan ng kung sino sino dahil narin sa napabalitang proposal at engagement namin ni Red. Dapat masaya ako di ba? Pero hindi, pakiramdam ko napilitan ako sumagot ng oo, una dahil ayaw ko ng eskandalo dahil nasa public kami ni Red at pangalawa nadala ako ng pagkaindenial ng sarili ko kay Alex, na sya namang lubos ko na pinagsisisihan ngayon.
Kung pwede ko lang ibalik yung oras na yon, kung pwede ko lang pawiin ang sakit na naramdaman ni Alex, kung pwede ko lang hagkan ang mga luha sa maganda nyang mukha. Kung pwede lang sana... kung pwede lang....
"Pwede ba makiupo?"
Napa-angat ang mata ko sa taong nakatayo sa harapan ko. "Jeux! Oo naman." Nakangiti kong sagot.
"Mag-isa ka ata." Pagpuna nya habang umuupo sa tabi ko.
Ngumiti ako. "Oo e." Matipid ko na sagot. "I didn't expect you here Jeux, mukhang katatapos nyo lang magtaping."
Isang pagod na ngiti ang namutawi sa kanyang labi habang umiinom sya ng brewed coffee. "Oo, ngayon lang kami natapos dahil marami kaming hinahabol na episodes, patapos narin kasi yung teleserye na ginagawa namin." She looked up me. "Ikaw bakit nandito ka? May shooting ka din ba?"
BINABASA MO ANG
The Superstar ( Lesbian )
Humor[FILIPINO LANGUAGE] Change. Ito yung salita at pangyayari sa ating buhay, masakit at masayang pagbabago. Paano nalang ba kung may dumating sa buhay mo? na walang idinulot kundi problema, kabwisetan at pakiramdam na ngayon mo palang naramdaman sa buo...