Chapter 9

10.1K 395 12
                                    

Sayang naman ang ganda ng araw na ito kung mananatili lang ako sa loob ng bahay, kaya niyaya ko si Alex na mamasyal sa farm ng pamilya namin. Hindi naman ito kalayuan kaya nilakad nalang namin. Actually, namiss ko ang buhay dito sa probinsya, simple lang, wala masyadong traffic, hindi karamihan ang tao at syempre ang sariwa ang hangin hindi gaya sa maynila, puro usok na nagmumula sa mga sasakyan, pabrika o mga sinusunog na plastik.

" Namiss ko to! " At napangiti ako. " Hindi ko nga maintindihan ang mga tao kung bakit nila gusto sa maynila "

" Maybe because of lack of opportunities. Like job and education " Sagot ni Alex.

Napatingin ako kay Alex " Well yes " Yun lang ang naisip kung sabihin. Iba talagang kausap si Alex. Alam mo yung feeling na well mannered and educated yung taong kaharap mo? Kaya minsan di ko maiwasang hindi maintimidate sa kanya.

Narating din namin ang farm pagkaraan ng kulang tatlumpong minuto. May kaonting tao pero mabuti nalang ay nakapag disguise ako. Nakilala ko agad ang matagal na naming katiwala. " Mang Gardo. Kamusta po? " Bati ko sa matanda.

Napatingi si Mang Gardo sakin mula sa inaayos nitong sasakyan. " Sino ho sila? " Maang na tanong ng matanda. Agad kung inalis ang shades at sumbrero ko at agad nya naman akong nakilala. " Ay sensyorita Carol. Pasensya na po at hndi ko kayo agad nakilala. Ano ho ang sadya ninyo sa farm? " Magalang nitong tanong.

Napatingi nalang ako. " Mamasyal lang sana kami " At sinulyapan ko si Alex na abala sa pagkutkot ng mga salop.

" Ay sya ho. Sige. Ako'y narito lamang kung may maitutulong ako para sa inyo "

Tumango tango ako at saka kami nagpaalam. Pumasok na kami sa gate at bumungad sa amin ang napakalawak na lupa. Buti nalang at wala masyadong tao dahil hindi pa naman anihan ng mga mangga, kape at kung ano ano pa. Matagal na itong negosyo ng pamilya ko. Dahil sa farm na ito ay nakapagaral ako sa magagandang paaralan sa maynila.

" Gusto mo ng mangga? " Masigla ko na tanong kay Alex.

" Oo naman " Nakangiting sagot nya sa akin. Tumango tango ako at pumunta sa puno ng mangga na hitik na sa bunga. " Teka " Awat sa akin ni Alex na may pagaalala sa kanyang mukha. " Papanik ka dyan? " Hindi makapaniwala nitong tanong.

Napakunot noo ako. " Alex syempre may hagdaan sa likuran ng puno " At itinuro ko pa sakanya yung nakatagong hagdan. Nakahinga ng maluwag si Alex. " Relax " Medyo mayabang na sabi ko sakanya, at saka ko binuhat ang hagdan, Hindi naman kasi ito kabigatan kaya kayang kaya. Hinawakan ni Alex ang hagdaan para hindi ito dumulas. " Wag kang titingin " Paalala ko sakanya.

" Saan? " Maang na tanong nya.

" Nakashort lang ako " Sagot ko sakanya, at ramdam ko na namula amg ang aking mukha. Bakit nga ba ako nagshort? Pwede naman mag jeans. Lalo akong nainis ng narinig ko syang tumawa. " Shut up " Inis na sabi ko sakanya.

" Okay okay " Natatawa paring sagot nya at nakita ko na tumingin sya sa ibang direksyon. " Magingat ka " Paalala nya

Maingat akong umakayt sa puno, medyo magaspas ang balat nito. Nakahanap ako ng pwedeng kapitan. Medyo kabado ako dahil Hindi naman talaga ako sanay umakyat ng puno. Gusto ko lang magpasikat kay Alex. Isa dalawang hakbang ay nakaapak rin ako sa sanga. Lalo akong kinabahan. May nakita akong mangga na medyo malapit sa akin, kaya dahanap dahan akong humakbang papalapit dito. Pero tila nalula at nahilo ako kaya dumukas ang asking paa. " Alex! " Tili ko. At parang sa pelikula na nag slow motion ako pababa. Nanlaki ang mga mata ni Alex ng makita nya na sakanya mismo ako babagsak. Pero huli na bago ako saluhin ni Alex. At bakit sa dinami dami ng pwede kung bagsakan ay sa ibabaw pa mismo nya. Pero ang malala pa, Hindi ko alam kung anong nangyari at kung papaano nangyari na magkadikit ang labi namin ni Alex.

Hindi ako makakilos dahil pakiramdam ko ay nangangatog ang aking mga kamay at tuhod. Kitang kita ko sa mga mata nya ang pagkagulat. Agad akong napatayo mula sa ibabaw nya ng marinig ko na may taong naglalakad at papalapit samin. Bigla kung naramdaman ang sakit sa akin binti at hindi ako makatayo ng daretcho dahil sa sakit.

Dahan dahan tumayo si Alex at ramdam ko ang sakit ng kanyang katawan. " Okay ka lang? " Nagaalalang tanong ni Alex sakin. Nilapitan nya ako upang tignan mabuti ang aking paa. " Kaya mo ba maglakad? " Hindi ako kumikibo, pinakikiramdaman ko lang sya. " Okay ka lang ba? " Tanong ulit ni Alex.

Bakit parang wala lang sakanya yung nangyari? Manhid ba sya?

Napabuntong hininga lang ako at pilit inilakad ang masakit na paa. " Okay lang " Tipid kung sagot. Kung tutuusin wala namang kasalanan si Alex sa nangyari, dahil aksidente lang ito. Pero bakit ako nagagalit?

" Carol " Tawag nya sa akin. " Teka lang "

Pero hindi ko sya pinapansin at paika ika parin akong lumakad papalayo sa kanya. Bigla naman sumulpot si Mang Gardo. " Okay lang kayo mam " Tanong ng matanda at napatingin sa paa ko. " Meron akong sasakyan at pwede ko kayo ihatid sa mansion " Alok nito.

Hindi na ako tumanggi. At sumakay na sa kanyang sasakyan. Wala kaming kibuan ni Alex sa byahe hanggang sa nakarating sa bahay. Tinulungan ako ni mama makaakyat sa aking kwarto at hinilot ang aking paa. Pero hindi mawaglit sa aking isipan ang ilang segundo na pagdampi ng aking mga labi ni Alex. Kada pipikit ako ay sya ang nakikita ko. Ano bang nangyayari sa akin?

" How is Alex mom? Is she okay? " Tanong ko kay mama habang hinihilot nya ang aking paa.

" Okay naman sya. Masakit lang ang kanyang balakang dahil sa pagtama nito sa lupa " Sagot ni mama.

" Mabuti naman " Bulong ko sa aking sarili. " Thank you mom " Pasasalamat ko ng matapos nya akong hilutin.

Ngumiti si mama at humalik sa aking noo " Welcome hija. At next time kung gusto mo pala kumain ng mangga ay sabihin mo nalang sakin "

Natawa ako at tumango " Yes mother " At lumabas na sya ng kwarto ko. Napabuntong hininga nalang ako at tumingi sa kisame. Makailang beses kung sinubukang matulog ay hindi ko magawa, kaya bumango ako at nagpunta ako sa terrace. Nagpahangin, malamig ang hangin ngayong gabi, maraming bituin sa langit. Very peaceful. Sana ganito rin sa manila. Na hagip ng aking paningin ang anino ng isang tao na nakaupo sa gilid ng pool. Nakilala ko agad ito dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan na tumama sa kanyang mapulang buhok. Tila malalim ang kanyang iniisip. Nakonsensya ako dahil wala namang kasalanan si Alex but I made her feel bad.

" Why a long face? " Tanong ko kay Alex habang dahan dahan akong naupo sa tabi nya.

" Pagod lang " Sagot nya. Pero alam ko na nagsisinungaling sya. " Do you want something to drink? "

Umiling ako " No. Thank you. " Hindi na ulit sya kumibo at napatingin nalang sa kawalan. Hindi ko alam kung ano ba dapat kung sabihin sa kanya. Hindi ako sanay na ganito si Alex. Parang hindi sya. " I'm sorry " Mahina kung sabi.

Napatingi sya sa akin. " Saan? "

Napabuntong hininga ako. " Sa nangyari kanina sa farm. It was an accident "

Ngumiti si Alex " Okay lang yon Carol. Gaya nga ng sabi mo. Aksidente lang "

Hindi ko alam kung ako lang ba nagisip na may ibang kahulugan yong sinabi ni Alex, pero baka ako lang ito, namimisinterpret ko lang sya. Hindi ko mawari na tila may kung anong pwersa ang humihikayat sa akin na pakatitigan si Alex. Alam ko naman sa umpisa pa lang na maganda sya, pero dahil sa epekto ng liwanag na nagmumula sa bwan at tila lalo sya gumanda. Kumabog ang dibdib ko ng magtama ang aming paningin.

" Carol " Mahinang usal nya, tila mabigat ang kanyang paghinga. Pero hindi ko sya pinapansin at patuloy na dahan dahan nilalapit ang aking mukha kay Alex.

" Please don't do this " Bulong nya ng ilang pulgada nalang ang layo ng aming mga mukha. Ramdam ko mainit at mabango nyang hininga sa aking pisngi. Pero nang narinig ko ang kanyang sinabi, para akong binuhusan ng malamig na tubig sa buong katawan. Napapikit ako at lumayo kay Alex.

" Sorry " Medyo naiiyak na sabi ko. Hindi ko na kasi maintindihan ang sarili ko, kung bakit gusto ko syang halikan. Kung bakit merong kung ano sa aking kalooban pag sya ang nasa aking harapan simula ng magdampi ang aming labi. " I just can't.. " Napabuntong hininga ako at tumayo na. " I'm sorry " At sabay talikod. Alam ko simula ngayong gabi, may mga bagay na magbabago. Mga pagbabago na hindi ko alam kung paano ko haharapin.

The Superstar ( Lesbian )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon