Chapter 10

10.7K 367 20
                                    

Hindi pa man masyado sumisikat ang araw ay gumising na ako para magjogging. Hindi ko na ginising sina mama at papa pati narin si Alex. Gusto ko mapagisa para makapagisip narin dahil hanggang ngayon hindi mawala sa isip ko ang lahat ng nangyari kagabi. How I really wish it was only a dream, that it wasn't true and never have happened. Sa totoo lang Hindi ko maisip kung ano ba ang pumasok sa utak ko para muntikan syang halikan ulit at alam nyo yung pinakanakakainis? Yun para syang pa yung agarbyado at umaayaw sa akin. Hello? Sino ba sya? Ano ba tingin nya sa sarili nya? Hindi ko sya level. At lalong lalo na Hindi ako lesbian. Oo. Tama. Hindi ako lesbian.

Sa sobrang inis ko ay napabilis ang takbo ko, Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa pero bahala na. Tumakbo lang ako ng tumakbo at nang mapagod ako ay naghanap ako ng mauupuan. Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan. Napansin ko na may maliit na sari sari store at agad akong nagtungo para bumili ng botted water.

" Hello. Pagbilan ng bottled water " Tawag ko sa loob ng tindahan. Pero parang walang tao. " Hello. Anyone " Sigaw ko na.

" Ay. Ano ho iyon? " Anang ng matandang lalaki at dumungaw pa ito para makita ako. Amoy alak sya at mukhang ilang araw Hindi natutulog. Tinitigan nya ako mula ulo hanggang paa.

" Bottled water please " Medyo inis na sabi ko sa matanda.

" Bottled water? Ano yon? " Kunot na noo na tanong nya sa akin.

" Mineral water po "

Natawa ang matandang lalaki at kumuha ng malamig na mineral water at sabay abot sa akin. Naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang magagaspang na kamay sa aking palad. Napangisi sya at buong kamunduhang pinakititigan ang aking katawan at mukha. Pero ayaw ko gumawa ng eskandalo kaya nilunok ko nalang ang inis na sumisibol sa aking pagkatao.

" Magkano po ito? " Tanong ko at kinuha ang aking wallet.

" Libre nalang " Narinig kung sagot ng matanda at akmang hahawakan ako sa braso pero agad akong napaatras at tinitigan ang walang modo na matanda. " Napakaganda mo iba "

Hindi ko na sya sinagot at nilabas ang credit card. " Tumatanggap ho ba kayo ng credit card? " Kunot noo kung sakanya at nilabas ang pera ko. " Oh. " At inabot ko ang 500 peso bill " Bayad ho "

" Libre nalang nga iyan para sayo hija basta ba may kiss ako "

Sa pagkakarinig ko na iyon sa sinabi ng matanda ay nagtayuan agad ang balahibo sa katawan ko. Hindi pa man ako nakakapag salita ay nakangising lumapit sya sa akin. Nakarmdam ako ng takot pero wala man lang katao tao sa lugar na ito. Paano ako makakahingi ng tulong?

" Manong naman. Matanda ka na para sa ganyan "

Napalingon ako at hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman ng makita ko si Alex na nasa aking likuran. Hindi ko alam kung paano nya nalaman na nandito pero nagpapasalamat ako na nandito sya at alam ko na Hindi nya ako pababayaan.

Sumipol pa ang matandang lalaki ng makita si Alex. " Napakaswerte ko para makakita ng dalawang naggagandahang babae ngayong araw " Buong saya nitong sabi.

Naramdaman ko ang maiinit at malambot nyang kamay sa aking braso at marahan nya akong hinila sakanya. " Alam mo ba na pwede kitang kasuhan ng Unjust vexation, Moral Defamation, Harassment and Comprehensive dangerous drugs act of 2002.

Napatingin ako Kay Alex. Napaisip kung paano nya nalaman ang lahat ng iyon? Isa ba syang lawyer na nagpapanggap lamang na walang alam? Tila natakot naman yung matanda at nagmamadali pumasok sa loob ng tindahan. Nakahinga ako ng maluwag.

" Paano mo ko nasundan dito? " Takang tanong ko Kay Alex. Pero Hindi nya ako pinapansin sa halip ay magmamadali syang maglakad palayo sa akin. " Wait. Tinatanong kita! " Pero wala parin. Dinedeadma nya ako. " Alex " Sigaw ko ulit. Pero ayaw nya akong lingunin hanggang sa matapilok ako at mapaupo nalang " Aray "

The Superstar ( Lesbian )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon