Chapter 4

15K 570 25
                                    

" Alex " Sigaw ko. Pero wala parin sya. Hinanap ko na sya sa buong bahay pero hindi ko sya makita. Nasaan na kaya ang babae na yon, Hindi man lang nagpaalam. O hindi naman kaya ay nagpasya ma syang umalis at bumalik kung saan man ang pinanggalingan nya. Mabuti naman kung ganon at least wala ng mangiistorbo sa buhay ko. Pero pagbukas ko ng pintuan ay ang pagmumukha ni Alex ang agad kung nakita. " Kanina pa kita hinahanap " Inis na tanong ko sakanya pero nginitian nya lang ako na hindi man lang umabot sa kanyang mga Mata. " Saan ka ba nanggaling? " Taka kung tanong ulit sakanya.

Kumamot lang sya sa kanyang ulo " Naglakad lakad lang. Naiinip na kasi ako sa bahay mo " Sagot nya sakin. " Aalis ka? " Sya naman ang nagtanong sakin habang nakatingin sa shoulder bag ko.

Marahang kung hinawi ang mahaba kung buhok " None of your business " Sagot ko sakanya at saka ako nagmamadaling maglakad papunta sa kotse.


" Ingat " Sigaw ni Alex at sabay kaway pa.



Nagtaas kilay nalang ako at maliksing pumasok sa loob ng kotse ko at walang lingong humarurot palayo. Sa wakas. Walang asungot sa buhay ko kahit ilang oras lang dahil may kailangan akong puntahang dinner party. Actually. It's a victory party para sa paghakot ng mga awards na pelikula ko.




Mga ilang minuto lang ng makarating na ako sa venue ng victory party, isa itong sikat na hotel and restaurant dito sa metro manila. Ilang beses narin naman ako napunta dito kaya medyo pamilyar na ako. Sinalubong ako ng isa sa mga staff ng hotel, nakakaaliw lang makita ang mga reaksyon nila pag nakakakita sila ng mga sikat na tao katulad ko. Pero hindi ko naman sila masisi dahil kadalasan sa telebisyon at sine lang nila kami napapanood.




" This way ma'am " At magalang nyang tinuro sakin ang direksyon patungo sa ballroom hall.



Isang matipid na ngiti lamang ang isinagot ko sa staff at buong sayang binuksan ang pintuan para ako ay makapasok. Sinalubong ako ng mga nakakasilaw na lente ng kamera at pinaligiran ng mga reporter. Buti nalang at pumagitna ang mga security.


" I'm sorry about that Carol " Hinging paumanhin ng Tim. My gay manager. " But we need this publicity "


Napakunot nalang ang noo ko sa sinabi ni Tim. " Bakit Tim? Nasa atin na karamihan ng mga awards, para San pa ba ang publicity? "


" My dear Carol " Ubos ang tamis na banggit nya sa pangalan ko " This is for you okay. For your next movie. Para mas abangan ng tao "



Wala naman akong iba pang magagawa. Si Tim ang manager ko for almost 5 years. Isa pa, alam nya ang mas makakabuti para sakin at sa aking career. Tumango nalang ako bilang pag sang ayon sakanya. " I understand "



" Good. Anyway. Where is your mom? " Takang tanong ni Tim na palinga linga pa na baka sakali makita ang hinahanap nya.




" She is not available today. " Maikling kung sagot. Tatawagan ko nga pala sya. Noong makalawa pa ng huli kaming magkausap. " Oh sh*t "

" Bakit? Anong problema? " Nagaalala tanong ni Tim.

" I forgot my phone "

Naiwan sa sala ang cellphone ko dahil sa paghahanap ko kay Alex. Hay nako. Kahit wala ang babae na yon dito kayang kaya nya parin sirain ang gabi ko.

Nilabas ni Tim ang kanyang cellphone " Here, you can use my phone "



Umiling ako ng may ngiti sa mga labi. " No its okay. I will call my mom once I get home "


Maya maya pa ay nag si datingan narin ang ibang artista, producer, direktor at mga crew. Napansin ko lang na napakagarbo ng victory party na ito. Pinaglaanan talaga ng budget. Naging busy rin naman ako sa pakikipagusap sa kung sino sino, karamihan sakanila hindi ko masyado matandaan ang mga pangalan. Sa mundo kasi ng showbiz bilang na bilang lang sa daliri mo ang maituturing mo na tunay na kaibigan. Yung mga mapagkakatiwalaan. May mga artista kasi na umaarte parin kahit wala na sa harap ng kamera. Masisisi nyo ba ako kung wala ako masyadong kaclose sakanila? Ayaw ko naman din gamitin nila ako para sa career nila. Dahil pinaghirapan ko kung nasan man ako ngayon. At buti nalang at nakaramdam sila sa mga tipid kung sagot sa mga walang kwentang tanong nila kaya nagpaalam na sila.





Tumayo ako at nagpunta sa buffet table. Ang sasarap ng pagkain. May Japanese at French cuisine. I like Japanese food most especially sushi. Kaya hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at agad akong kumuha ng ilang pirasong sushi. Napalunok nalang ako. Napansin ko na may California maki rin. Aabutin ko sana I to ng biglang may bumanga sa likod ko. Napalingon ako at napanganga nalang ako ng makilala ang tao na nasa harapan ko na punong puno ng pagkain ang bibig.



" Alex " Sambit ko sa pangalan nya ng makasigurado ako na sya nga. " What are you doing here? " Mintak ng mabilaukan si Alex ng makita ako. " Paano ka nakapunta dito? " Paangil na tanong ko sakanya.


" Nag bus ako. " Inosente nyang sagot at tinuloy lamang ang pagkain ng sushi.




" Wag mo akong pinopolosopo " Galit na bulong ko sakanya " Paano mo nalaman na nandito ako? "



Tumango tango si Alex at may dinukot sa kanyang bulsa at inabot sakin. " You forgot your phone " Simple nyang sagot. At English pa talaga. " May tumawag. Ayaw ko Sana sagutin pero ang kulit nya. "





Pakiramdam ko si Alex ang magiging dahilan ng maaga kung pagkamatay. " Alex Hindi ka dapat nakikialam sa mga personal kung gamit, napagusapan na natin to Hindi ba? "





" Alam ko. Hindi ko naman ton nakakalimutan Carol. Pero ang kulit ng tawag ng tawag sayo. Tumigil lang ng sinagot ko na " Sagot nya sakin.





" Sino ba ang tumawag sakin? "



Nagisip muna sandali si Alex bago ako sagutin " Bellia or Bella " Kunot noo nitong sagot sakin at sabay inom ng tubig.



Isa pa itong si Bella. Bakit ba sya tawag ng tawag sakin. Wala namang reason para magusap kami. Don't tell me. Tatanungin nya nanaman ba kung nadistribyute na ba yung script for our new movie. " Ano naman ang kailangan nya sakin? " Hindi ko na napigilan ang pagkairita ko. Kung kanino man kina Alex at Bella. Hindi ko na alam.



" Tinatanong nya kung pupunta ka saw ba sa victory party "





" Yun lang? " Hindi makapaniwalang tanong ko sakanya.




Tango lang ang isinagot ni Alex sakin. Bigla naman ako natigilan ng mapansin ko na paparating ang isa pang bwiset sa buhay ko na si Bella na nakangiti na, nakatawa pa.





" Carol.. Stunning as ever " Matamis nitong bati sakin. " I'm happy to see you here "





" Well, I'm not happy to see you " Sungit ko Kay Bella na sya namang ikinatawa ni Alex na kunwaring abala sa pagkain pero ang totoo at nakikinig sya sa usapan namin ni Bella.




" One point " Bulong ni Alex. Pero Hindi namin sya pinansin.





" I just want to make friends Carol don't turn me down " Bulong ni Bella sakin at sabay hawak sa aking braso.



Hindi ko alam kung bakit nagtayuan lahat ng buhok ko sa katawan, hindi naman maliyoso ang pagkakahawak nya sakin pero parang bigla akong naasiwa. Dahan dahan kung inalis kamay nya sakin. " We can be friends but you don't have to touch me "




" Two point " Bulong ni Alex.

Pagalit na nilingon ni Bella si Alex na nakatayo lang sa kanyang tabi. " Wait. Who are you? Alam mo kanina ko pa napapansin yung pakikialam mo " Bulyaw ni Bella Kay Alex.


Nagulat man pero agad na nakipagtitigan si Alex Kay Bella. Pero bago pa makasagot si Alex ay agad ko stang hinila papalapit sakin. " She is with me "



" Who is she? " Tanong ni Bella habang tinitigan mula ulo hanggang paa si Alex na tila ba nanunukat ito ng pagkatao.

" Hindi mo na kailangang malaman pa " Inis na sagot ko sakanya at mabilis akong naglakad palayo habang hila hila si Alex. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kung protektahan ang babae na to. Dahil ba obligasyon ko sya kasi sakin sya nakatira? Ano ba tong napasukan ko.

The Superstar ( Lesbian )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon