Chapter 12

10.2K 339 12
                                    


This is my last day here in Batangas with my parents at ngayon palang ay namimiss ko na sila. Ayaw ko sana umalis at bumalik sa magulong mundo ng Metro Manila pero meron akong pelikula na kailangang tapusin.

"Ready ka na?" Tanong ni Alex mula sa likuran kk habang inaayos ko ang  mga gamit na dadalhin namin pauwi. 

Tumango ako at sinarado ang zipper ng bag "Oo, ikaw na magdrive.." Napahinto ako saglit at tinitigan si Alex na kanlong kanlong sa kanyang bisig ang pusa. "Wait, baka maging kaskasera ka nanaman Alex kagaya nang mapulot mo yang pusa."

"Maingat naman ako pero hindi ko pwede iwanan yung kuting." Napangiti lang si Alex at lumapit sakin para kuhain ang bag. "Pero sige mag-ingat ako."

"Whatever." Bulong ko at lumabas na kami ng kwarto. Habang naglalakad pababa ay hindi ko maiwasang malungkot dahil siguradong mamimiss ko ang bahay, ang lahat lahat.

"Baka maiyak ka ha." Panunudyo ni Alex sakin.

"Manahimik ka Alex." Pagsaway ko na ikinatawa nya lang. "Baka gusto mo ikaw ang paiyakin ko?"

"Paano naman aber?"

Aba parang sinusubukan ako nang babae na ito ah.

"Carol.." Pagtawag sakin ni Mama kasama si Papa. Sa mga mukha pa lang nila ay bakas na ang lungkot. Niyakap ko sila nang mahigpit. "Mag-iingat kayo ha."

"Yes Ma." Medyo gumaralgal ang boses ko as a sign na i want to cry. "Kayo rin po mag-iingat dito. Kung magkaroon man ng problema tawagan nyo lang ako kahit anong oras darating ako."

Hinawakan ni Papa ang balikat ko at pinisil. "Wag mo kami masyadong inaalala ng Mama mo dito Anak. Walang mangyayari sa aming dalawa." Kahit na paulit ulit pa nilang sabihin sakin na wag mag-alala ay mag-aalala parin ako. Tumingin si Papa kay Alex na nakatayo sa tabi. "Alex ikaw na ang bahala sa anak ko ha. Yung pinag-usapan natin..."

Naguguluhang napatingin ako kay Alex then back to my parents. Teka ano yung pinag-usapan nila? Bakit wala akong alam? Ano ang nililihim nila sakin?

Sumaludo si Alex kay Papa na parang ewan. "Yes Tito, makakaasa po kayo."

"Sige na at baka matraffic pa kayo sa byahe." Anang ni Mama.

Niyakap ko ulit sina Mama at Papa bilang pamamaalam bago kami umalis ni Alex. "I will be back."

"We will wait for you Iha." Nakangiti  na sabi ni Papa.

Ang bigat sa puso na iwanan sina Mama at Papa. Sana lang next time ay pumayag na silang magbakasyon sa bahay ko sa Maynila. Maiyak iyak na sumakay kami ng kotse ni Alex pero nilabanan ko ang luha ko at nilunok ang lungkot. Tahimik kami sa loob ng kots, si Alex nagcoconcentrate sa pagmamaneho at daan habang ako ay nakikinig ng kanta sa radyo.

"Okay ka lang?" Pagbasag ni Alex sa yelo na bumabalot sa loob ng sasakyan.

I looked outside the window and watch the trees sway through the wind. Life here in the province is so simple, magtanim ka lang ng gulay sa likod bahay ay makakakain ka na. Hindi kagaya sa Maynila na lahat may presyo at wala nang libre.

"Okay lang, i just.." Medyo emosyonal ko na sagot.

Alex turned to me. "Mamimis ko din sila."

"Tumingin ka sa daan Alex." Paalala ko. "Baka sa hospital ang diretso natin."

"Sorry." Paumanhin nya. "Malungkot ka kasi." Tinapakan ni Alex ang gas ng sasakyan na lalong nagpabilis ng takbo namin. "Nakakahawa ka."

Napaikot mata ko. "E bakit hindi mo dalawin ang pamilya mo." Huwestyon ko. Ewan ko ba kung bakit biglang pumasok sa isip ko ang bagay na yan. "Your mom, your dad o kung kay kapatid ka." Hindi kumibo si Alex na parang naumid ang kanyang dila. "Oh bakit natahimik ka ata?"

The Superstar ( Lesbian )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon