CHAPTER 5

93 3 0
                                    


The first three months of school didn't go well. We were bombarded with demos in two major subjects starting prelim period.


It was different from first year. First year felt like going to the past because we tackled the history of nursing and the theories. They're all important but I think, as of the moment, I can only remember Florence Nightingale's theory.


"Oh Beth! Hindi ko pa ata nakikita 'yong pinsan mo?" Thea.


"Ewan ko sakanya! Nag-enroll pa rito eh wala naman atang balak pumasok." Beth.


Nasa cafeteria kami ngayon at naghihintay ng time para sa PE. Next week na yung midterms kaya baka hindi na muna ako umuwi. Kasama ulit namin ang isang section ng engineering students but this time, hindi sila Gabby 'yon.


"Bakit naman kasi pa iba-iba?"


Hindi na taekwondo ang aaralin namin ngayon kundi arnis. Panibagong sakit ng katawan nanaman. Ang teacher ang nag-assign ng magiging partner namin at napatulala ako sa na-assign sakin.


"Wilson, Tingson."


Ang gwapo niya! Oh my God! Magkakasala ata ako sa nauna kong crush! 


"Hi! I'm Elara Tingson!" I offered my hand. "I mean Wilson! Elara Wilson!"


Tinanggap niya ang kamay ko at ngumiti. "Axel Tingson."


Natigilan ako nang maramdaman ang kamay niya. It felt familiar. "Have we met before?" Umiling siya kaya ngumiti ako. "Sorry!"


Tinuruan niya ako ng basic steps na nasa libro namin at dahil fast learner ako, agad kong nakuha 'yon.


"Let's try from the top."


Mahina lang ang palo niya pero mabilis. Masakit narin ang kamay ko kakahawak ng stick kanina pa kaya madali nalang niyang atakihin ito.


Atras ako ng atras kaya hindi ko namalayan na mababangga na pala ako ng kaklase ko. Imbes na ako ang matamaan ng stick ay sinalo 'yon ni Axel. Agad ko nabitawan ang dalawang stick at napatakip ng bunganga.


"OMG! Are you okay?"


Ang lakas ng tunog at sa likod pa niya tumama.


"I'm okay."


"No, no! Ang lakas n'on! Let's go to the clinic!"


I asked our teacher if we can have two slips before going out of the gym.


"Okay lang ako, Eli."


Natigil ako nang tinawag niya akong Eli.


"How did you know my nickname?"


It's unusual. Strangers call me Elara because we aren't close enough for them to call me Eli or simply, I don't tell them my nickname!

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon