Ngayong araw kaming tatlo magduduty sa medical team, hindi nga lang kami magkasama. Na assign ako sa basketball. May laro ulit ang engineering pero Team A na this time, Team B Architecture kasi sila kuya kahapon.
Kakagaling ko lang sa comfort room nang nagkagulo sa bleachers. Lumapit ako at nakita ang lalaking nakahiga. Nakatakip ang braso niya sa mga mata niya.
"Eli, yung cold spray sa box, please."
Agad ko 'yon kinuha at binigay sa senior namin. Hindi gumagalaw ang lalaki at mukhang masakit nga ang paa.
Lumapit ako sa isang junior at nagtanong. "Kuya Ryle, anong nangyari?"
"I don't know yet but I think na sprain. It was a bad landing tho. First aid lang yung spray, baka dalhin din 'yan sa hospital."
Tumango ako. Not a problem at all because our school has its own hospital which is also open to the public. May discount ngalang kapag student ka especially, athletes and medical students.
Hindi nagtagal ay dumating ang mga medic na may dalang stretcher. Dahan-dahan nilang nilipat ang player doon. Dumaan sila sa tapat ko kaya hinila ako ng konti ni kuya Ryle kahit ang luwag naman. Sinundan ko ng tingin ang player hanggang sa sinakay siya sa ambulance.
"Kilala mo ba 'yon, kuya?"
"Yung player? Oo naman. He's Sean. Sean Tanchanco."
Sean? Siya ba yung pinsan ni Beth o iba? But Thea mentioned she saw his name on the list. Baka siya nga.
The game ended and engineering Team A won. Lamang sila ng sampu. Ang tangkad naman kasi ng players nila compared to BSA.
Naglunch kami kasama sila kuya Ryle at ang team sa cafeteria. Tinext ko narin ang mga kaibigan ko para hindi na ako hanapin.
"May gagawin ka after nito, Eli?" Kuya Ryle asked.
"Susunduin ako ng kuya ko eh. Kakain kami sa labas."
"May kuya ka rito?"
"Oo naman! Fourth year na siya ngayong year. Architecture."
"Really? Sino? Baka kilala ko."
Pinakita ko sakaniya ang litrato ni kuya at kumunot ang noo niya.
"Kuya mo 'yan?"
Kumunot ang noo ko. "Bakit?"
Umiling siya. "He was the reason my ex and I broke up."
Napatakip ko sa bunganga sa gulat. Did she and kuya cheated on him?
Tinaas niya ang kamay niya at natatawa nang mapansin ang reaksyon ko. "I have no hard feelings towards your brother ha? That was years ago. Naalala ko lang."