"Hi, love!"
Inayos ko ang iPad para makita niya ako ng maayos habang kumakain.
"Oh, buhay ka pa pala?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "I was very busy. Ikaw? How are you?"
"It's our term break. Nasa Cali ako now."
Kumunot ang noo ko. "Oh, I thought you were in France."
"Umuwi muna ako." Uminom siya ng kape." I saw kuya Adi earlier. Akala ko narito ka rin."
Umiling ako. "For business 'yan. Saan pala?"
"In our hotel, babe."
"Oh, they might have stayed in your hotel."
Tumango-tango siya. Nagkwentuhan kami hanggang sa pinapabalik na ako sa dorm dahil gabi na. Tahimik kong nilapag ang gamit at agad na nataranta nang tumunog ang cellphone ko. Buti nalang at hindi nagising si Beth. Lumabas ako at pumunta sa garden ng dorm.
"Hi, kuya. How are you?" Masigla kong bati.
[I just got home.]
Tinignan ko ang background niya dahil hindi ko agad napansin ang kwarto niya.
"You went home? Ayaw mo sa hotel n'yo? Farrah's hotel is nice naman ah?" Tanong ko.
[Farrah? Your friend? We're not staying in their hotel, baby.]
Kumunot ang noo ko. I should ask Farrah if she has a picture.
"Oh, different hotel? Then bakit ka umuwi? Hindi ka komportable?"
[Hindi naman. Naroon kasi si Martha.]
Natahimik ako sa narinig. Ate Rica was kuya's ex-girlfriend. She died because of brain cancer. Naalala ko pa noon na nagkaroon sila ng deal na 'wag magkita ng isang buwan. Mahal na mahal niya si ate Rica kaya pinagbigyan niya kahit labag ito para sakaniya. Nang dumating na ang araw ng pagkikita nila, ang excitement ni kuya ay napalitan ng sakit at pangungulila dahil ang kabaong ni ate ang sumalubong sakanya.
"She called you before. Alam ba niya, kuya?" He shrugged his shoulder. "You like her?"
[I'm trying not to. I want to pursue her because she's Martha Elizalde, and not Rica Paras.]
"Kaya ka umiiwas?" He sighed. "Don't deprive yourself from loving again. Alam ko kung gaano ka nasaktan noong nawala si ate Rica."
Napatingin ako sa harapan nang may napansin na anino. Nakita ko si Axel na nakatingin sakin. Nginitian ko siya at kinawayan.