Napabalikwas ako galing sa mahimbing na tulog dahil sa masamang panaginip. Tears immediately fell down and I sighed in relief when I realized it was just a dream.
Napatingin ako sa orasan at alas dos na ng madaling araw. Tumayo ako at dali-daling pumunta sa kwarto niya. Hindi na ako kumatok at binuksan ng diretso ang pinto. Nadatnan ko siya na nakatayo sa balcony at may kausap sa cellphone habang nakangiti. Napatingin siya sakin at halos mabitawan ang cellphone sa gulat nang makita ako.
"Anak ng-- Eli naman. Alas dos na, katok karin minsan." Nakahawak pa siya sa dibdib niya at binalik sa tenga ang cellphone. "I'll call you back."
Lumapit siya sakin kaya niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi siya nagsalita nang umiyak ako sa dibdib niya. Nang kumalma ako ay binigyan niya ako ng tubig at pinaupo sa kama niya.
"What happened? Why are you crying?"
Nakatingin lang ako sa mukha niya. I can't imagine losing this man.
"You're hungry?"
Umiling ako.
"Your boyfriend left you?" Umiling ulit ako. "Because you don't have one."
I pouted.
"How will I know? Hindi ka nagsasalita."
"Namatay ka sa panaginip ko."
He chuckled. "Seriously?" Tumawa ulit siya. "That won't happen, baby."
Sinuntok ko ang dibdib niya.
"It's just a dream."
Pumikit ako at huminga ng malalim.
"Brrrrr," Uminom pa ulit ako ng tubig. "Can I sleep here tonight?" Tanong ko nang kumalma na.
Tumango siya kaya diretso higa na ako sa kama niya. Inayos niya ang comforter habang nagse-cellphone.
"Hindi ka pa matutulog?" Tanong ko.
"It's still early. Mauna kana." Sabi niya.
"Early? Madaling araw na oy!"
"It's still two, baby."
I rolled my eyes. "Kaya ka pumapangit kasi hindi ka natutulog ng maaga."
Tiningnan niya ako. "Nagsalita ang maganda."
"Mommy! Duh!"
May tumawag sakanya at agad naman niyang sinagot.