CHAPTER 15

45 0 0
                                    


"Anong sa'yo?"


Napatingin ako sa menu sa drive thru nang tanungin ni kuya Ash. 


"Chicken and rice." Sagot ko. "Padagdag ng large fries at sundae."


Pagkatapos namin kunin ang order ay balik byahe na kami papuntang Batangas.


"Did you invite her?"


"Sino?"


"Ate Dahlia! Diba sabi ko invite mo siya?" 


"Wala siya rito."


Kumunot ang noo ko. "Nasaan? Nasa puso mo? Baduy!"


Bigla siyang tumawa sa sinabi ko. "Kanino mo natutunan 'yan?"


"Kay Gabby." Kumagat ako sa fries.


"Nasa jejemon era pa ata si Gabriel."


"What's jejemon?"


Umiling siya at tumatawa parin. Madilim na nang nakarating kami sa bahay sa Batangas. Malinis na rin sa loob dahil pinalinis ni kuya Adi pagkatapos ng construction. Pareho kaming busog kaya dumiretso na kami sa kwarto namin. Pahiga na ako sa kama nang may kumatok.


"Eli,"


"Bakit?" Tanong ko.


"Binati ka niya?"


Tumango ako. "Text at late na. Hindi na nineteen 'yon." Nginitian ko siya. "He gave me birthday cash."


Nginitian niya ako. "Okay na 'yon kesa sa wala. Good night."


"Good night, kuya Ash."


Hindi pa ako natulog paglabas niya. Sinend ko pa sa group chat namin yung map dahil baka maligaw sila Gabby bukas.


Nagising ako sa ingay kinabukasan. Mamayang gabi pa naman 'yong party kaya nagtaka ako. Naghilamos ako at toothbrush bago bumaba.


Nakarating na pala sila tita kaya maingay. May nag seset-up narin sa garden. Umupo ako sa stool at kukuha na sana ng tinapay nang may lumabas sa galing sa kitchen. Napakurap pa ako nang nilagay niya sa harap ko ang nilutong pasta. 


"What are you doing here?"


Kumunot ang noo niya. "Bakit? Hindi ba ako invited?"


"Cole, yung ilaw-- Uy! Gising kana pala!" Napatingin din ako kay kuya Mark.


Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon