CHAPTER 2

130 4 4
                                    



"Dito ka matutulog, kuya?"


Tumabi ako sakaniya pagkatapos naming kumain ng hapunan.


Umiling siya. "May tinatapos pa akong plates."


"Hello? Bakasyon?"


"Summer classes."


I sighed. "So hindi ka sasama sa Cebu?"


Kumunot ang noo ko. "Kailan?"


"The day after tomorrow."


"Pwede naman. Susunod nalang ako."


Agad akong nakaramdam ng tuwa sa sinabi niya. "Really!?"


"Gusto ba ng kuya mo na naroon ako?"


I pouted. "Kuya naman. We've been away for years. We haven't seen each other because of that quarrel you two have." I played with my fingers. "Maka kuya ka naman, parang di mo siya kuya."


He smiled at me and embraced me so tight. "I missed you tho."


Nagkwentuhan kami sa duyan hanggang sa nagpaalam na siya. Nakatingin lang ako sa sasakyan niya hanggang sa nakalabas na sa gate. Pumasok ako sa bahay at pumunta sa kwarto.


Kinuha ko ang pinakamaliit na maletang dala. Hindi ko pa naaayos ang mga gamit ko kaya nilagay ko muna ang lahat sa taas ng kama. Wala akong damit dito kaya halos lahat ay dala ko na. We'll stay here for good so it's okay.


"Let's go!" Kuya.


Nagpaalam kami kina manang at agad ding umalis. Our flight is still in the afternoon but typical asian household wouldn't afford getting late especially during at times like this. We boarded the plane and I just slept the whole flight. Ginising lang ako ni kuya nang malapit na lumapag ang eroplano.


May sumundo samin sa airport at lahat kami tulog sa biyahe. Gaya kanina sa eroplano, ginising na lang ako nang nasa bahay na kami. Lolo is standing near the double door, waiting for us. Nang makita niya si kuya Adi ay agad na lumiwanag ang mukha nito. Keagan and I also went out to give him the tightest hug.


"Ang lalaki na ng mga apo ko!"


"I missed you, lolo!"


Nang humiwalay siya sa yakap ay pumasok na kami sa loob and to our surprise, kuya Ash, who said na susunod nalang siya ay nasa lanai.


"Kailan ka dumating?" Gulat kong tanong.


"Just this morning." He smirked.


Hindi sila nagpansin ni kuya Adi, as expected. Ni hindi ko alam kung alam ba ni lolo na nagpapatayan na sa tingin at isip ang mga apo niya.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon