"He's not playing?" Tanong ko kay Beth.
"Under therapy pa." Sagit niya.
"But it's his last year na diba?" Tumango siya. "Sayang naman. Hindi na ako makakapagcheer sakanya."
"Luh? Biglang ganyan?" Bethany. "Meron pa namang mga conference next year. He can still play there."
Naghiyawan bigla ang mga tao sa banda namin kaya napatingin din kami sa dumating. Tumikhim ako at binalik ang tingin sa unahan, hinahanap si kuya.
"Oy Sean! Sa tabi ka nalang ni Eli." Nilingon ko si Beth pero hindi niya pinansin ang titig ko. "Si Adam na rito, mas importante siya kesa sa'yo."
Binalik ko ang tingin sa unahan at agad na nakita si kuya na nakatingin sa'min. Nginitian ko siya habang sinisiko si Bethany na kung hindi ko pa nginuso si kuya, hindi pa nakuha ang ibig kong sabihin. Tinalon ni kuya ang barricade at lumapit sa pwesto namin.
"Hi, kuya Ash! Goodluck po sa game!" Sabi ni Bethany.
"Thanks, Belly!" Nilipat niya ang tingin sa'kin. "Tayo, Elara."
Pinagpalit niya kami ng upuan ni Adam.
"Allergic ata si kuya Ash kay Sean." Bulong ni Bethany at tumawa.
The game started and for kuya's peace of mind, hindi na ako nagreklamo sa ginawa niya.
Tumayo ako sa gitna ng laro dahil sa chat ni kuya Ryle. Duty ko kasi sa susunod na laro pagkatapos nila kuya.
"Saan ka punta?" Tanong ni Bethany.
"Kuya Ryle."
Dumaan ako sa harapan nila at napatingin kay kuya Sean na nakafocus sa game. Nakaabang na si kuya Ryle sa'kin sa baba kaya diretso na kami sa hospital para kumuha ng supplies.
"Ang dami na nito, kuya. Dagdagan nalang natin bukas 'pag kulang." Sabi ko.
"Mas mabuti 'pag sobra na. Hindi naman natin hinihingi pero mas mabuting handa."
Tumango nalang ako dahil ayaw ko na makipagtalo sakanya. Ang mature pa naman kaaway nito!
To: Bethany Laurel
Vacant pa ba ang upuan ko? Pabalik na ako.
From: Bethany Laurel
Yes, Eli pero sa tabi kana ni Sean para hindi ka mahirapan bumaba mamaya.
Napatingin sa'kin si kuya Sean nang dumating ako. Tumayo siya at lilipat na sana ng upuan pero pinigilan siya ni Bethany at binulungan. Binalik niya ang tingin sa'kin at tinapik ang katabing upuan. Inayos niya 'yon bago ako tuluyang nakaupo ng maayos.