CHAPTER 26

32 0 0
                                    


Ilang oras lang din kami sa resort at umalis din dahil pupunta pa raw kami sa Imus. Dinala narin namin ang mga gamit para diretso uwi nalang mamaya.


Pupunta pa sana kami sa isang eco park pero same way lang daw sila ng resort na pupuntahan namin sana kaya hindi narin natuloy dahil sa daanan. Instead, we went to Aguinaldo shrine and a cathedral.


Naunang bumalik sa Manila ang kasama namin at naiwan kaming tatlo kasama ang mga kuya. Pupunta raw muna kami sa bahay nila kuya Sean para kunin ang mga gamit nila bago kumain.


We traveled for almost an hour to reach the Bali-inspired resto that Issa saw online. It's getting dark so the kuyas choose the area at the center. They ordered food while the three of us are busy taking pictures, especially Khloe.


"I ordered grilled fish and steamed veggies for you. Is that okay?" Tanong ni kuya. Tumango ako sakanya at umupo sa tabi niya.


"Ang lamig. Pahiram ng jacket." Bulong ko. 


"I'm not wearing anything inside. Wala kang dalang jacket?" Tanong niya.


"Nasa bag ko."


Kinuha niya ang susi at tumayo. "I'll get it."


"Saan pupunta si kuya Ash?" Tanong ni Issa.


"Kukuha ng jacket."


Hindi rin nagtagal ay bumalik siya dala ang itim kong hoodie. Sinuot ko 'yon at agad na nakaramdam ng init. Naka tank top lang kasi ako at jogger at lamigin din.


Gabi na nang nakabalik kami ng Manila. Hinatid na ako ni kuya sa dorm kasama sila Khloe at Issa. Tinulungan din kami nila kuya at kuya Ryle magdala ng mga gamit hanggang sa labas ng pinto namin.


Nagdoorbell ako at agad din 'yon nabuksan. Bethany happily welcomed me by her warm hug.


"Hi, kuya Ash!" Bati niya kay kuya sa likod.


Pinasok ni kuya ang gamit ko sa loob at nilibot ang tingin sa buong kwarto.


"Malaki rin pala."


Tumango ako. "And it's pretty comfortable."


"That's good." Tinignan niya ako. "Alis na ako. Magpahinga kana rin. Ipa-laundry mo nalang 'yang mga damit mo or call kuya Miah to pick it up para sa bahay na malabhan."


"Oh, I'll do it later. Nakatulog ako, remember?"


Tumango siya at hinalikan ako sa ulo bago umalis. Sinara ko ang pinto at agad hinarap si Bethany na nakangisi na ngayon.


"What?" Tanong ko.


"May nakalap akong chismis." Panimula niya. 

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon