[Good morning, may I speak to miss Elara Wilson?]
"Good morning po. Speaking.."
Sinubukan kong ayusin ang boses ko kahit kakagising lang at inaantok pa.
[Miss, may delivery po ng bulaklak dito para sa'yo. Dalawa na po ang dumating.]
Umupo ako at kinusot ang mata. "Sige po, bababa na po ako."
She then ended the call. Naghilamos ako at nagtoothbrush. Nagsuot din ako ng jacket at bumaba na. Nasa harap ko ang dalawang bouquet. Parehong sunflower pero magkaiba ang ayos. Napakamot ako sa tungki ng ilong ko.
"Who sent these?"
Dinala ko 'yon sa loob ng kwarto at napatingin sakin si Beth.
"Oh my God!" Nilapag niya ang dala sa study table niya. "Kanino galing 'yan?"
Nagkibit balikat ako.
"Natatalo na manok ko ah?"
Kakatapos ko lang sa return demonstration namin kaya nakasuot pa ako ng scrub suit. Nagsuot ako ng smack gown at nagpalit ng sapatos bago lumabas ng laboratory. Hindi kami pwedeng lumabas ng building habang hindi pa tapos ang RLE kaya nagpabili ako kay Beth ng pagkain dahil siya lang ang walang pasok ngayon.
"Hello? Nasa labas na ako."
[Eli, sorry. Si Sean na ang pinabili ko at siya narin ang magdadala jan. Natapilok kasi ako.]
"OMG! Are you okay? Kamusta ang paa mo?"
[Nandito ako sa clinic kasama si Adam. Sorry talaga. Papunta naman na siya.]
"Sige, hihintayin ko nalang. Ipahinga mo muna 'yang paa mo."
[Yes, miss nurse.]
Binaba niya ang tawag kaya umupo muna ako sa bench habang naghihintay. Sinandal ko ang ulo at pumukit nang makaramdam ng antok. Ang aga naman kasi nagsimula nito! Tapos ang aga ko ring nagising dahil sa tawag kanina.
Minulat ko ang mata nang maramdamang may nakatingin sakin. Una kong nakita si kuya Sean na may dalang plastic sa magkabilang kamay. Umayos ako ng upo at inabot ang plastic.
"Sorry po. Kanina ka pa?" Tanong ko.
Umiling siya. "You didn't sleep last night?"
Napatingin ako sakanya at umiling. "Natulog."
"Sorry, natagalan. Naligaw kasi ako.." Tumabi siya nang may dumaan. "I messaged you but you didn't replied. Now I know why." Napatingin ako sa cellphone at wala namang message na naka flash sa screen. "It's probably on your message request."