It was a beautiful day not until I saw kuya Sean with a new girl.
"Hi,"
Ngumiti ako at tinanguan siya.
"Ibang babae nanaman." Umiling ako. "Kuya's right, you're not for me."
Niyaya ako ni Gabby manood ng laro nila. Wala rin naman akong ginagawa kaya pumayag na ako.
"Buti naman at naisip mong magdiet."
Kumunot ang noo niya. "I didn't. Kusang pumayat lang ako nang maghighschool na."
"Oh? Siguro dahil sa basketball." Tumango siya at uminom ng tubig. "Edi may mga stretch marks ka niyan?"
"Oo pero nawala dahil kay ate." Nagkibit balikat siya. "Ikaw 'tong kalansay simula noong bata."
Tinampal ko ang braso niya. "Hey! I'm not kalansay!"
"Edi buto-buto."
"Haha funny mo."
Gabby's special talent - asarin ako.
The game started. It's kind of boring dahil parang practice game lang naman. Inabot ng isang oras ang laro nila kaya isang oras din akong bagot na bagot kakahintay sakanya.
"Is that how friendly games usually are?"
Nilingon niya ako habang nagpupunas ng pawis. "Bakit?"
"It's kind of boring."
He looked offended with what I said. I smiled at him and we left the gym.
Umuwi ako sa bahay sa sumunod na araw para sa birthday party ni kuya Adi. Nasa labas narin ang mag-aayos ng party niya. Wala namang theme yung party ni kuya. Simpleng dinner lang kasama ang pamilya at mga malapit na kaibigan.
It took hours for the organizers to finish the design they wanted. Well, kuya doesn't really care much about it but since close friend niya yung may-ari ng service, they want to make it extra special.
Bumalik ako sa kwarto para maligo at mag-ayos na. I will wear a white wrap dress and flat sandals. Kuya arrived late. Hindi na siya nakapagbihis pa at dumiretso na kaagad sa garden para i-entertain ang mga bisita niya.
"Kuya, you should change first." Bulong ko.
Kumunot ang noo niya. "Mabaho na ba ako?"
"Hindi naman pero nasa trabaho ka the whole day. You should freshen up at least."
Nagpaalam siya saglit sa mga bisita at pumasok sa loob ng bahay. Lumapit naman sakin si kuya Ash na may hawak na na inumin.