"Happy birthday, kuya!"
Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. We will be having a simple dinner with the family and the real celebration will be on Saturday. We will go camping with our cousins and his friends. Good thing he invited my friends as well.
"Kuya, pupunta ba lahat ng kaibigan mo?"
"Bakit?"
Umiling ako. "Natanong ko lang."
"Hindi pupunta 'yong crush mo."
Kumunot ang noo ko. "Sino?"
Sinamaan niya ako ng tingin. I was just asking!
Mabuti nalang din at pinayagan si Keagan at Nate na sumama. Hindi lahat ng mga kaibigan ko makakasama, sila Khloe, Bethany at Gabby lang.
"Is this okay?"
Napatingin ako sa tinuro ni kuya. We're currently at a camping store, looking for the things we need for tomorrow's camp.
"Isn't it too big?" Tanong ko.
"Para sa'min." Kumunot ang noo ko. "There will be around seven of us, 'di pa sure ang isa. Lima kami plus Gabriel and Nate. Kakasya na ba kami rito?"
"Siguro?" Binasa ko ang tag ng tent. "Good for 10 pax, kuya. Pagkasyahin niyo nalang ang sarili niyo." Sabi ko nang mapagtantong ang lalaki nilang mga tao.
"Pili kana para sainyo."
"'Yon na siguro." Tinuro ko sakanya ang napiling tent. "Apat lang din naman kami."
"Okay."
"Uhm, wait, isasama ba ni kuya Sean ang girlfriend niya?"
Naningkit ang mga mata niya. "Is that a genuine question or what?"
I rolled my eyes. "Ang issue mo, kuya. Nagtatanong lang eh. Paano kung sumama 'yon at walang matutulugan dahil hindi siya nasama sa head count?"
He rolled his eyes too. "Walang magsasama ng girlfriend."
Bumili rin kami ng mga upuan, lutuan at iba pang sa tingin naming kakailanganin. Tuwang-tuwa siya kasi 'di niya naman pera ang pinangbayad. Kawawang kuya Adi.
Dinaanan na namin sila Keagan at Nate dahil sa bahay na sila matutulog. Bukas narin kami mamimili ng pagkain dahil tinamad na si kuya.
Mamayang eleven pa ang check in pero dahil dalawang oras pa ang byahe, maagi kami umalis ng bahay. Hindi na namin tinanggal ang pinamili kagabi kaya ang mga bag nalang na may damit ang nilagay sa sasakyan ni kuya.