"How's the exam?"
Nilingon ko si kuya at ngumuso.
"Ang hirap!!!" I sighed dramatically. "Shift nalang kaya ako?"
Kumunot ang noo niya. "Are you sure? Sayang ang isang taon pero ikaw bahala, ikaw naman ang mag-aaral."
I pouted again. I remember him juggling his studies and our business and yet he managed to graduate with Latin honor.
"Just choose what you want, Eli."
Tatlong araw pagkatapos ng entrance exam ay lumabas narin ang result. Laking ginhawa ko nang makita ang pangalan ko sa listahan. Nagcheck narin ako ng email para sa date ng interview ko sa school.
July 06, 2017
ELARA SERENE D. WILSON
Dear Elara,
Congratulations, and welcome to SU!
Out of the thousands who took the SU College Admission Test, you made it this far. We are excited to have you as part of our growing community of leaders and achievers who are changing the world.
Attached to this letter is the detailed instructions and list of requirements needed for the interview.
Date and Time: July 19, 2017 | 8 A.M.
Venue: Nightingale's Building, School of Nursing
Kindly take note of your schedule and time for the interview. Please come on time.
Sinulat ko ang mga kakailanganin para agad kong maayos. Nilagay ko ang mga ito sa puting folder at pinasok sa clear na envelope.
Tinabi ko 'yon sa bag na gagamitin ko para hindi ko makalimutan. 'Di pa naman nawawala ang jetlag ko hanggang ngayon kahit halos isang linggo na kami rito.
"Si kuya po?"
"'Di pa nakakauwi, ma'am."
Napatingin ako sa orasan at nakitang alas diez na. Saan nanaman kaya pumunta 'yon?
Kumain ako mag-isa at umakyat na sa taas. Papalapit na ako sa kwarto nang napatingin ako sa katabing pinto nito. Hinawakan ko ang doorknob at dahan-dahang tinulak ang pinto. The room still looks the same. Napatingin ako sa isa sa mga litrato at napangiti.
"I miss you." Bulong ko.
Lumabas din ako ng kwarto na 'yon at bumalik sa kwarto ko. Napatingin ako sa maleta at sa makalat na mga gamit pagpasok ng kwarto. Bukas ko nalang ulit 'yon aasikasuhin.
Maaga ako nagising kinabukasan para sa interview. Naligo ako at nag-ayos para hindi ako magpanic dahil ang kupad ko gumalaw.
I wore a school friendly outfit. Tinamad ako maglagay ng contact lenses kaya kinuha ko nalang ang salamin at mga gamit bago bumaba.