We're down to our last municipality which is the municipality of Indang. It was quite far from the place we're staying which is the school in Maragondon.
Nasa vital signs area naman ako ngayon pagkatapos ko matry ang iba pang area sa tatlong araw ng medical mission namin.
"May maintenance po kayo, 'tay?" Tumango ang matandang lalaki. "Tuloy-tuloy naman po ang inom niyo?"
"Minsan po, ma'am, nakakaligtaan at nauubusan kaya putol-putol."
"Wala po ba kayong kasama sa bahay, 'tay?"
"Wala po, ma'am. May mga sariling pamilya na kasi 'yong mga anak ko."
Magsasalita na sana ako nang may humawak sa siko ko kaya nilingon ko si kuya Ryle. "Vital signs tayo rito. Leave that to the next table."
Tinanguan ko si kuya Ryle at tinawag si Mica para i-assist si tatay papunta kila Issa. Issa's so good in gathering patient's data. Well, gamit na gamit ang pagiging chismosa niya.
"Lunch muna guys, we'll continue after lunch!" Announce ng isa sa mga staff ng RHU.
Tinanggal ko anv stethoscope sa leeg at nilagay sa lalagyan. Kinaladkad din ako ni Khloe papunta sa table kung saan ang pagkain namin.
"Rest day daw bukas." Panimula ni Issa.
"Naks, may pa-rest day." Khloe.
"I heard that the next day, we'll visit some tourist spots and after that, outing na."
Tinapos namin ang tanghalian at bumalik na sa pwesto dahil nagsisidatingan na ulit ang mga tao.
"Eli, pa-sub muna." Lumapit siya sakin at bumulong. "Naje-jebs ako."
Tumawa ako at tumango. "Goodluck! Focus lang sa goal."
Umupo ako at inayos na ang forms na nasa harapan. Kinuha ko rin ang ballpen ko at sinilip ang sarili sa cellphone.
"Magandang hapon po--" Napakurap ako nang makita kung sino ang umupo. "sir.."
Ngumiti siya sa'kin na para bang nanunukso.
"Pangalan po, sir?"
"Sean Galien Tanchanco."
"Kaarawan at edad po sir?"
"November 19, 1996. 20."
"Ano po ang nararamdaman niyo, sir?"
"Masakit ang dibdib ko."
"May iniinom po kayong gamot?"