It's the next day and I am outside kuya Sean's room, waiting for my folder.
"Hindi ko pala dala."
My jaw dropped. It means pinaghintay niya ako sa wala? Pumikit ako at humingang malalim.
"Okay.. Pwede po bukas? I really wanted to see my scores."
Tumango siya at parang nanunukso. Sige, kung jan ka masaya.
Sabay kaming bumaba kaya pinagtitinginan kaming dalawa. Agad namang pumagitna si Gabby sa'min ng pinsan niya.
"Pinsan kita Sean pero kung ano man ang binabalak mo, 'wag si Elara."
"Lagot ka kay pareng Elliot 'pag pinormahan mo 'yang prinsesa niya."
"Kaya nga magpapaalam tsaka may girlfriend na si Sean." Kuya Arkin.
"Anong magpapaalam? Hoy kuya Arkin, hindi pwede!" Singit ni Gabriel.
Hindi tuloy ako naging komportable kumain dahil sa kantyawan nila. Si Gabby naman ang tagapagtanggol ko dahil siya ang malalagot sa mga kuya.
Hapon nang umuwi kami. Una nila akong hinatid dahil baka i-report na sila sa pulis dahil umaga ang pinagkasunduang uwi namin.
"Nga pala, I'll be out of the country for a month and bukas ng umaga ang alis ko."
Napatingin naman ako sakanya. "Again?"
He sighed. "May aasikasuhin lang ako. Mabilis lang 'yon."
I went to my room after dinner. Halos hindi rin ako mapakali dahil ilang araw nang hindi nagtetext si kuya Ash. Hindi rin ako nakapunta sa condo niya dahil nakatulog ako kanina.
"Right! I'll just come tonight!"
Nag-ayos ako ng mga gamit na dadalhin dahil doon nalang din ako matutulog. Nagsuot ako ng jacket at salamin bago lumabas ng kwarto. Kumatok ako sa kwarto ni kuya pero walang sumagot kaya pumasok na ako. I heard the shower so he must be inside the bathroom. Kinatok ko siya at sumagot naman kaya umupo muna ako sa kama niya at nanood ng TV. Napatingin ako sa cellphone niya nang magring ito. Kinuha ko 'yon at unknown number ang nakalagay.
"Kuya, may tumatawag!"
"Sino?" Tanong niya.
"Unknown number po."
"Sagutin mo."
"Okay!"
Gaya ng sabi niya, sinagot ko ito at bumungad ang boses ng babae.