Chapter 6
Enjoy reading!
3rd.
Galit na tiningnan ni Rusty si Tari nang magkabanggaan silang dalawa sa may likuan ng hallway ngunit halos matunaw naman ang lalaki dahil sa malalim na pagkatitig ng babae sa kanya. Lumunok siya muna at sumulyap sa ibang direksyon saka muling tiningnan ng matalim si Tari.
"Watch your way Miss Clementin." Pormal ngunit may halong inis na sita niya kay Tari pero isang tipid na ngiti lang ang isinukli ng babae kaya biglang lumambot ang kanyang hilatsa at napatitig sa mukha nito.
Medyo nagulat pa siya nang tinaasan siya ng kilay ni Tari kaya tumikhim siya saka inirapan ito at tinalikuran.
"Hey." Rinig n'yang tawag ng isang boses. Hindi niya ito nilingon baka hindi naman siya ang tinawag.
"Hey Mr. Jeturian!" Rinig n'yang muli kaya napatigil siya sa paglalakad at lumingon.
Hindi niya inaasahang si Tari pala ang tumatawag sa kanya dahil ngayon lang niya narinig ang boses nito kaya napakamot siya sa batok saka pormal ang mukhang hinarap ang babae. Bubuka na sana ang bibig niya upang tanungin ang babae nang unahan siya nito.
"Are you sure you're gay?" Prangkang tanong nito na ikinabigla niya at mabilis namula ang kanyang buong mukha dahil pati ang ibang estudyanteng nasa malapit sa kanila ay natigilan at napatingin sa kanila.
"W-what? Err... What did you say?" Imbis na sumagot ay kumibit-balikat lang si Tari sabay pihit patalikod at iniwang nakatanga ang lalaki na ngayon ay halos umusok na ang ilong pati mga tenga.
"Baliw." Inis na usal niya saka pinanlisikan ng mga mata ang mga usisero't-usiserang estudyante.
**
Walang pakialam sa paligid na pinagpatuloy ni Tari ang paglalakad. Gusto niya pa sanang kausapin si Rusty nang matanaw niya si Zync na kakalabas lang ng elevator. 15 minutes late na siya dahil dumaan muna siya kanina sa isa pang lagusan tungo sa nakatagong distrito sa ilalim ng Laroa.
Tumigil siya sa hallway malapit sa kanilang room saka sumandal sa pader. Nakatingin lang siya sa kawalan habang inaalala ang mga naiwan sa kanilang lugar.
Malayo pa lang ay nakita na ni Zync si Tari na nakasandal sa pader. Napangiti siya pero agad rin niya iyong inalis dahil hindi niya mahanap ang rason kung bakit siya nakangiti.
Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang malapit na siya kay Tari lalo na nung sa harap na siya nito pero mas lalo s'yang nakaramdam ng kakaibang kaba at gigil nang marinig ang boses nito.
"Mr. Orlando." Para s'yang natuod at natigilan. Dahan-dahan s'yang lumingon kay Tari na may namumulang mukha saka pakurap-kurap na hinarap ito. Nakita niya ang seryosong mukha ni Tari kaya ngumiti siya ng labas ang gilagid.
"Y-yes?" Utal n'yang tanong.
"Let's go." Anito saka naunang naglakad. Napatanga naman si Zync dahil hindi niya na getz ang ibig sabihin ni Tari. Nang nasa harap na ang babae sa pinto ng kanilang room ay lumingon itong muli.
"Hey, let's go together inside." Ulit nito kaya mas lalo s'yang natigilan.
'Together? Inside? Ano ang ibig n'yang sabihin? Together? Ibig niya bang sabihin na magkasama kaming papasok sa loob?' Wika niya sa kanyang isipan saka wala sariling niyakap ang sarili.
"A-ayoko." Utal na sagot niya dito kaya napakunot ang noo ni Tari dahil sa inakto ng lalaki.
"Tss." Tari hissed and left Zync behind, who was engrossed with his weird thoughts.
BINABASA MO ANG
She's Enigmatic
ActionUNEDITED Version ü Sorry for the grammatical/typographical errors, lousy twists and scenes. Mwah! ** Revised Version: She's Enigmatic: HUSHED **** It's all about Katarina Olson Clementin and her mystery. The mystery of her life that she, herself cou...