Thirty: SUFFERED

4.8K 157 4
                                    

NOTE ALERT. Please read. This chapter contains two different time settings/scenarios. I rambled down the scenes from the past and present. The italic sentences were all flashbacks at yung hindi naman ay kasalukuyang nagaganap. A'right? Sana wag malito. Huehue.


Chapter 30: SUFFERED

Enjoy reading!

3rd.


Nagpagulong-gulong siya pagkatapos makatanggap nang malakas na suntok mula sa leader ng Lagarri Gang. Hindi niya inasahan 'yon o wala lang talaga siyang kaamor-amor ngayon dahil sa ngayon ang eksaktong petsa nangyari ang lahat ng 'yon, apat na taon na ang nakalipas.


**

"My Kelena Zonia!" The old lady beamed when she saw her granddaughter running towards her.

Nakasuot ang bata ng bestidang kulay asul na humahalik sa damong tinatakbuhan. May malaking laso sa likuran ng bestida, may suot rin itong opal stone necklace. Napakagandang bata. Nasa edad apat na taon ang batang si Kelena Zonia.

"Granny. Hihihi." humagikhik ang batang babae nang pinugpog siya ng halik ng lola.

"I missed you, Granny. Are you staying here for good?" nakatingala ang bata sa lola habang may nangungusap na mga matang kulay asul. Tumawa ang matanda saka pinisil nang mahina ang mapupulang pisnge ng apo.

"Mmm. Nope but you will be staying with me for good." nakangiting saad ng matanda sabay karga sa batang bumubungisngis. Kumikislap ang inosenting mga mata ng bata saka yumakap sa leeg ng lola.

"I-I'm coming with you?! I love you Granny! But how about Zac and Zen?" may halong lungkot ang huling tinanong ng bata nang mabanggit ang pangalan ng mga nakakatandang kapatid.

"I love you too, baby... I'm sorry, you knew that they're busy with their trainings, right? They won't come but they will surely visit you from time to time in the palace." Pang-aalo ng matanda sa nalungkot na bata.

"But I want to be with them always, granny." Nakangusong sambit ng bata. Niyakap ng matanda ang bata saka hinalikan ang tuktok ng ulo.

"Princess Zonia." Napatingin ang dalawa sa nagsalita. Isang babaeng nakasuot ng itim na formal suit at may earpiece device sa kanang tainga. Istrikto rin ang mukha nito at halatang marunong makipaglaban, ang personal assistant ng bata.

(Zonia = Zo-ni-ya)

"Nana!" nakangiting tawag ng bata sa babae. Tumango lang ito bilang tugon. Lumingon ang babae sa matanda saka yumukod.

"Good Afternoon, Queen Cathard." Pagbati nito sa matanda. Nakangiting tumango naman ang reyna. Bumaling ang P.A sa alaga saka yumuko muna ito bago magsalita.

"We have to go now upstairs, Princess." Nilahad nito ang kamay sa bata na inabot naman agad ni Princess Zonia.

"See you later, Granny. Mmm', I'm going to pack up my stuffs now. Nana will help me. Right Nana?" Tumingala ang bata sa kanyang Nana.

"Yes princess."

The old lady giggled and reached for her granddaughter again then kissed her rosy cheeks.

"A'right little lady. See you later. I love you." Papaalis na sana ang bata kasama ang personal assistant nito habang ang matanda ay uupo na sana sa silya sa may garden nang may biglang dumating.

She's EnigmaticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon