Chapter 10
Enjoy reading!
3rd.
"Wahaha! Habulin niyo 'ko! Ang pangit-pangit niyo!"
Mula sa balcony ng second floor ng Clementin Mansion pinapanood ni Katarina ang isang dalagita na nagpapahabol sa mga katulong na mukhang basahan na ang mga hilatsa na kagagawan ng kanilang hinahabol.
Napalingon siya sa kanyang tabi nang may nag-abot ng kape sa kanyang harapan. Napataas ang kilay niya nang makita ang nakangiwing mukha ni Sia habang nakadungaw sa baba. Kinuha niya ang mug ng kape at uminom ng kaunti saka muling dumungaw sa may hardin.
"Where did you fvcking pulot her ba? It's been a week since you brought that gusgusin here. She's noisy and messy." Naiinis na asik ni Sia na nakangiwi pa rin habang sinusundan ng tingin ang dalagitang naghahasik ng kapilyahan sa mga kasambahay.
"She was lost then she found me." Simpleng tugon niya dito saka sumimsim muli ng kape.
"Tell me, Katarina. Are you a nun?" Binalingan n'yang muli ang katabi dahil sa tanong nito. Naniningkit ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay. "Psh. I was thinking if you're planning to fcvking build an orphanage?" Naniningkit pa rin ang matang pang-uusisa nito. Nagkibit-balikat siya saka binalik ang tingin sa dalagita. Napamulagat naman ang kanyang katabi.
"Who knows." Aniya saka pasimpleng ngumisi sa sarili na agad ring nawala nang lumingon ulit si Sia.
"Then, what are your plans with her?" Usisa nitong muli.
"She has the potential. I will be her pedagogue." Sagot niya nang hindi hinihiwalay ang tingin sa dalagita.
"Pedagogue." Pag-uulit ni Sia saka nag'make face. "Psh. You're not even a licensed teacher." Pang-aasar nito sa kanya.
Maliksi ang kamay n'yang may hawak na mug ng kape nang biglang binato niya ito tungo sa mukha ni Sia pero agad iyon naiwasan ng huli nang sinalubong nito ang humahagunos na mug gamit ang sarili nitong mug. Nabasag ang dalawang mug kaya napasimangot si Sia.
"Ugh! Fvck you!" Asik nito kay Tari na nakatingin lang sa kawalan.
"Lady Katarina." Sabay silang napalingon nang may nagsalita sa kanilang likuran. Nakayukong butler Clark ang kanilang nakita.
"Today is Ryleen's check-up appointment with Dr. Tan." Pahayag nito. Tumango si Tari.
"Get her clean, Clark." Aniya at agad tumalima ang lalaki.
Nilingon n'yang muli ang dalagita na ngayon ay nahuli na ng mga katulong. Maya-maya pa dumating na si butler Clark sa harap nito.
"Waaa! Ayokong mag'babath! Tuesday ngayon! Bawal 'yan sabi ni Lola kuuu! Bawal kapag tuesday at friday! Araw 'yon ng mga pangeeet!" Malakas na sigaw nito habang nagpupumiglas. Pinagsusuntok at pinagsisipa pa nito ang ibang katulong pero agad ring nakaiwas.
Tumingala ang dalagita at nakitang nakadungaw sina Tari at Sia.
"Waaa! Ate kuuu! Hello! Diba bawal pong mag'babath ngayon dahil tuesday?!" Sigaw nito.
Hindi sumagot si Tari na nakatingin lang dito habang si Sia naman nakangiwi sa dalagita.
"Go fcvking clean her!" Sigaw ni Sia sa mga maids at agad nilang hinila ang nagwawalang dalagita.
"Waaaaaa!"
Binalingan muli ni Sia si Tari.
"What's her name?"
BINABASA MO ANG
She's Enigmatic
ActionUNEDITED Version ü Sorry for the grammatical/typographical errors, lousy twists and scenes. Mwah! ** Revised Version: She's Enigmatic: HUSHED **** It's all about Katarina Olson Clementin and her mystery. The mystery of her life that she, herself cou...