Chapter 14
Enjoy reading!
3rd.
Seryosong naglalakad si Katarina sa hallway papunta sa hagdanan ng kanilang building. Ngayon lang siya muling nakabalik sa eskwelahan dahil maliban sa isang buong araw na nakulong sa detention room kung saan sila pinagsulat dalawa ni Sia ng pangalan nila at paghingi ng tawad sa kasalanan sa isang buong 100-pad na yellow paper, na sa buong buhay no'n lang nila naranasan, ay nasuspended pa siya ng limang araw habang si Sia ay dalawang araw lang.
Husay...
Hindi naman talaga niya intensyong mag'prank kaso gustong-gusto niyang makita ang lukot na mukha ni Rusty. Natutuwa siya dito, pasado daw bilang stress reliever eh. Iyong estudyante naman na binantaan at tinutukan daw niya ng baril ay isa niya palang admirer na pinilit siyang makipagdate at ang lintek ninakawan pa siya ng halik sa labi kaya sa galit nagawa niya iyon, pero sa pagkakataong iyon ay totoong baril ang hawak niya. Mabuti na lang nakapagtimpi pa siya.
'Yong dalawang paintball gun naman ay inarbor niya lang sa dalawang bata na naglalaro sa kalsada ng baril-barilan na muntik niya nang masagasaan no'ng umagang kinumpronta siya ni Rusty.
Noong una ay natatakot pa rin sa kanya ang ibang estudyante pero 'di kalalauna'y nalimutan na nila ang ginawa niyang pagpakaba sa kanila at muling bumalik ang mga bati at admirations sa kanya.
Napalingon si Tari sa open field nang dumaan siya dito, open kasi ang hallway kaya nakikita niya pa rin ito kahit nasa loob na siya ng building. Nakita niya si Sia na parang pulitiko na kumakandidato, pakaway-kaway at malaki ang mga ngiti.
No'ng isang linggo niya pa ito napapansing parang may nag-iba sa babae. Hindi na pilit ang pagbati at ngiti nito, hindi na masyadong palamura. Nagiging friendly na rin. Napailing siya dahil masyado siyang nakatutok sa kanilang misyon sa pagpoprotekta kay Zync at Laine kaya hindi niya na nakakamusta ang kasama, na si Sia.
May ngisi sa labing kinuha ni Katarina ang dagger sa bulsa saka nilibot ang tingin sa paligid. Busy ang mga estudyante sa kanya-kanyang ginagawa kaya mabilisan at walang nakapansing binato niya si Sia ng dagger.
**
Good mood si Sia habang naglalakad sa open field. Magkasama silang dalawa ni Katarina sa pagpasok pero gusto niyang dumaan sa ilalim ng araw dahil ilang araw na siyang hindi naarawan at namumutla na siya kaya humiwalay siya dito para makabilad.
Masayang binabalik niya ang mga bati at ngiti nang mga estudyanteng nakakasalubong.
"Good morning Ate Sia!" Bati ng mga grupo ng freshmen students.
"Hello. Hello!" Kaway niya sa mga ito na may mga ngiti sa labi.
"Hi Sia."
"Oh. Hi!"
"Hello po! Ang ganda niyo!"
"Hehe! Danke! /thanks/"
Kaway ng kaway si Sia nang may naramdaman siyang bagay na papalapit sa kanya. Out of her reflexes, she stopped from walking. Took a step back and all the students were shocked when she did a back flip. Her feet were suspended in the air for a second to catch the dagger with her shoes. She then somersaulted to regain her poise. She picked the dagger and smirked.
On the other hand, students were still on shock to what Sia did. It was all sudden. But they were even more shocked to the thing Sia picked.
She was holding a golden dagger.
"What the hell?!" Says the guy student near her.
"Anyare?!"
"Ang galing!"
BINABASA MO ANG
She's Enigmatic
ActionUNEDITED Version ü Sorry for the grammatical/typographical errors, lousy twists and scenes. Mwah! ** Revised Version: She's Enigmatic: HUSHED **** It's all about Katarina Olson Clementin and her mystery. The mystery of her life that she, herself cou...