Chapter 17
Enjoy reading!
3rd.
Unti-unti nang kumalma si Zync pati na rin ang ibang kaklase. Pinalabas muna sila sa classroom dahil sa imbestigasyon. Nasa cafeteria sila ngayon kumakain ng lunch. Usap-usapan ngayon sa buong school ang nangyari, hindi hinayaan ng administration ng Laroa na may lumabas na estudyante hangga't hindi pa natatapos ang initial investigation.
"Hey, ayos ka lang?" Tanong ni Laine kay Zync dahil nakatungo lang ito at hindi pinapansin ang pagkain. Nag-angat ito ng tingin at matamlay na umiling. Bumuntong hininga si Laine at hinawakan ang kamay ng nobyo. Napatingin naman sa kanila ang mga kasama sa mesa. Magkasama ang buong barkada maliban kay Al at Francheska na hindi nila alam kung nasaan.
"Kinakabahan ako." Mahinang wika ni Zync saka ngumiti ng mapait.
"Don't be... the school's admin is already making a move." Saad ni Laine na matiim na nakatitig sa nobyo.
"Oo nga dude, huwag kang mag-alala. Nagpadala na ng mga tao si Mr. Nolan, for sure matatapos rin agad 'to." Pang-aalo naman ni Bryle.
"B-but... Katarina, she's wounded and she's nowhere to be found after plunging out that broken window." Mahinang saad niya at napayuko.
Nabitawan ni Laine ang kamay ng nobyo at napakuyom ang kamao saka umiwas ng tingin.
"I don't know but... nahihiwagaan na talaga ako sa pagkatao ni Katarina then kay Sia. I mean, diba? How did she know na may palasong parating? Tapos 'yong ginawa niyang pagsalo sa mga itlog nang walang kahirap-hirap. Then that day when she kicked Jameson." Napapaisip na wika naman ni Rexell, napalingon dito ang mga kasama.
"You're right... pati si Sia, hindi rin mahanap-hanap ngayon. Lumabas siya kanina nang mangyari 'yon." Sabi naman ni Cynthia na sumasang-ayon kay Rexell.
"Maybe she's a gangster or what, masyado kasing malakas ang aura at pandama niya. Pati si Sia." Ani naman ni Lara.
"Pero dude, nagtataka talaga ako. Siguro nga tama ka na may nagtatangka sa'yo. First, 'yong nangyari sa parking lot at ngayon naman may gustong pumana sa'yo." –Bryle. Napatango si Zync.
"...at nagsimula ang lahat ng 'to nang dumating sila ni Katarina at Sia." Biglang saad ni Henna na nakakuyom ang kamao. Sa kanya na naman ang atensyon ng lahat.
"What do you mean?" Tanong ni Rexell.
"Hindi ba? Isipin niyo nga nang hindi pa natin sila nakikilala, wala namang ganitong pangyayari ah. Normal lang ang lahat sa atin pero simula nang tumuntong sila sa eskwelahang 'to, ano ang nangyayari? Hindi man natin napapansin agad pero may kakaiba talaga. Una, baka nakakalimutan niyo 'yong umuwi si Zync isang gabi sa kanila na may black eye sa mata pero walang maalala?" Saad ni Henna.
Natigilan silang lahat lalo na si Zync at naalala ang gabing 'yon.
"Diba, nagising ka lang sa loob ng sasakyan mong wasak na ang hood at may black eye ka pa tapos hindi mo pa maalala ang nangyari? Pati ang guard ng subdivision niyo, hindi makaalala kung paano ka nakapasok and even the CCTV is corrupted." Napatango sila sa lintanya ni Henna.
"Tama ka. Nagsimula ang lahat ng 'to nang dumating sila." Matalim ang mga matang wika ni Laine, napatingin naman sa kanya si Zync dahil naalala ng babae ang pag-uusap nilang dalawa ni Katarina sa may Laroa Botanical garden, ang golden dagger nitong pumatay sa taong sumaksak sa nobyo at ang mga sinabi nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
She's Enigmatic
AzioneUNEDITED Version ü Sorry for the grammatical/typographical errors, lousy twists and scenes. Mwah! ** Revised Version: She's Enigmatic: HUSHED **** It's all about Katarina Olson Clementin and her mystery. The mystery of her life that she, herself cou...