Forty-Six: CLAIMED

4.3K 168 21
                                    


Chapter 46: CLAIMED

Enjoy reading!

3rd.

Panay ang buntong hininga ni Tamara na nakatingin lang sa nakakatandang kapatid habang siya naman ay nakatulala lang sa kawalan. Maya-maya pa ay napangiti na lang si Tamara dahil napilit niya itong huwag magpadalos-dalos sa magiging desisyon tungkol sa nangyayari ngayon sa Slovenia.

An impulsive move may cause more danger to everybody. 'Yan ang pilit pinaintindi ni Tamara kay Katarina. Knowing her, susuong siya ng giyera kahit walang armas na dala. She's too confident of herself to the point she's being impulsive in any situation.

Gusto pa sanang makausap nang mas matagal at masinsinan ni Tamara si Katarina pero mukhang kailangan niyang mapag-isa at makapag-isip. She's aware that her sister is having an inner battle of herself, sa dami ng problema na kinakaharap nito ngayon.

Napangiti na lang ito nang makita siyang nilingon ang kambal na natutulog sa kanyang kama. Tumayo si Tamara saka marahang tinapik ang kanyang balikat. Lumingon siya...

"I'm going." anito saka siya mahigpit na niyakap. "Everything's gonna be alright, okay?"

Nang makaalis si Tamara ay umupo siya sa gilid ng kama at muling binalikan ang ala-ala ng kahapon. She closed her eyes as her mind drifted to Zync's betrayed-look-face. Pinakita sa kanya ng binata no'ng oras na 'yon ang mukhang sobrang nasaktan dahil naloko ng kung sinong mahalaga dito. Hindi niya maintindihan but she felt guilty and sorry for him.

*****

Ikalawang araw na ngayon simula nang umalis si Zync sa mansion. Umuwi siya sa sariling bahay at nagkulong lang sa kanyang kwarto. He felt betrayed when he found out that Katarina was already a mother. Mas masakit pa sa panloloko ni Allaine sa kanya dahil alam niyang may rason ang dating nobya sa ginawa pero hindi mahanap ni Zync ang rason sa hindi pagsabi ng katotohanan ni Katarina.

Feeling niya ginawa siyang tanga nito. Maraming pagkakataon ang dumaan sa kanilang dalawa para sabihin sa kanya na may mga anak na ito pero hindi nito ginawa. Nasaktan siya nang sobra sa katotohanang may mga anak na ito ibig sabihin may ibang lalaki nang nagmamay-ari kay Katarina.

Naisip niya rin na mission lang siya ni Katarina at pwede siya nitong iwan 'pag natapos na ang lahat. Alam niyang sobrang makasarili niya na iwanan ito sa mga oras na kailangan nito ng makakapitan dahil sa nangyari sa bansang pinanggalingan pero sobrang sakit na mas pinili niyang maging makasarili.

Sumagi sa kanyang isipan na baka ano mang oras ay dadating ang ama ng kambal para kay Katarina. Hindi niya kakayanin kung mangyari man iyon ng harapan kaya pinangunahan niya na. Umalis siya ng mansion para maiwasang mas masaktan ng todo.

Kinagabihan ay naisipan niyang lumabas ng bahay. Natatakot man na malagay sa panganib ay gustong niyang makalanghap ng sariwang hangin. Tinakasan niya ang mga MIBs ng mga Clementin na nagbabantay sa kanilang bahay.

Hindi niya na napansin na tinungo niya na pala ang isang malaking bahay na palagi niyang pinupuntahan noon. Tinanaw niya ito mula sa kotse na nakaparada sa harap lang. Patay lahat ng ilaw at mukhang walang tao.

Sinandal niya ang ulo sa bintana habang nakatanaw pa rin nang may biglang kumatok sa bintana ng shotgun seat. Napaayos siya ng upo saka nilingon nito. Kumunot ang noo niya nang makita ang seryosong mukha ni Henna.

Binuksan niya ang pinto dito kaya agad pumasok ang babae.

Nangibabaw ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa bago iyon binasag ni Henna.

She's EnigmaticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon