Twenty-Four

5.8K 162 15
                                    

Chapter 24

Enjoy reading!

3rd.

"NO! KATARINA!" Zync's screaming voice echoed throughout the place when the mess turned out to be chaos.

Malakas na tinabig ni Zync si Allaine kaya tumalsik palayo ang kanyang nobya kay Katarina. Agad dinaluhan ni Zync ang nagulantang na babae at tiningnan ang sugat na natamo nang bigla itong sugurin at saksakin ni Allaine sa gilid habang nakatalikod na ito sa kanila.

"Katarina! Hey!" Tinapik ni Zync ng ilang beses ang pisnge ni Katarina dahil nakatulala lang ito. Marahas niyang nilingon si Allaine na nakasalampak pa rin sa sahig at nasasaktang nakatingin sa kanya.

"What is wrong with you?! Bakit ka ba nagkakaganyan, ha?! Allaine naman eh! Bakit mo pa hinayaang humantong ang lahat sa ganito? Tinalikuran ka na nga niya diba? Allaine! Hindi ikaw 'to eh. And where did you get that deadly weapon?!" Nasasaktang wika ni Zync sa nobya.

Kanina pa dinala si Iseah sa ospital, kaunti na lang rin ang mga estudyante dahil pinauwi na ng admin. Nagkausap na rin kanina si Katarina at Allaine na tigilan na ang gusot sa pagitan nila at idaan sa maayos na usapan ngunit ayaw papigil ni Allaine at biglang sinaksak na lang nito si Katarina nang tumalikod na ang babae sa kanila upang umalis.

Tumayo si Allaine. "Hindi mo naiintindihan! Hinding-hindi mo ako maiintindihan!" Sigaw nito at naglakad palayo. Napayuko si Zync at binalingan na lang si Katarina na nakatayo na rin sa likod niya, nakatingin ito sa papalayong si Allaine.

"Follow her. She needs you." Saad nito na parang walang malalim na sugat sa tagiliran.

"W-what?"

"Sundan mo siya. Kailangan ka niya." Pag-uulit nito.

"A-ano?"

Nilingon siya ni Katarina na may matalim na mga mata. "Sa anong lenggwahe mo pa gusto itranslate ko ang sinabi ko?" Naiinip na tanong nito. Napakamot naman siya ng ulo. Hindi naman siya bingi at rinig na rinig niya ang sinabi nito pero ayaw sumunod ng katawan niya dahil nararamdaman niyang mas kailangan siya ni Katarina kaysa kay Laine.

"B-but... you're bleeding. I need you to bring to the hospital." Pagrarason niya kaya mas lalong tumalim ang tingin ni Katarina at biglang binunot nito ang palaging dala na silver handgun saka tinutok sa nguso ni Zync. Nakita na ni Zync ang baril na ito no'ng bigla silang pinagbabaril ng isang sniper malapit sa parking lot ng Laroa, ang baril na nakapatay na. Napalunok si Zync.

Namutla habang nanlalaki naman ang mata ng lalaki at napaatras palayo kay Katarina kasi nakaramdam siya bigla ng kuryente galing sa nguso ng baril papunta sa nguso niya. Kinilabutan siya.

"U-uy. Wala namang ganyanan oh." Nanginginig na aniya at naghands up, as in raise your hands upward. Gano'n.

Ginalaw ni Katarina ang baril sabay tango na para bang pinaaalis na siya kaya kumaripas na ng takbo si Zync dahil sa takot barilin Katarina.

Bumuntong hininga si Katarina at binaba ang baril. Sinapo niya ang sugat sa tagiliran at ngumiwi dahil isang Jagdkommando Tri-Dagger ang ginamit ni Laine pansaksak sa kanya.

"Damn it. Where the hell did she get that kind of dagger?!" Bulalas niya habang inaalala ang hawak-hawak na dagger ni Allaine at do'n siya parang binuhusan ng malamig na tubig nang mapagtanto kung anong grupo ang gumagamit ng gano'ng klaseng kutsilyo. "Sh*t... she's one of them? How? Damn it! She said I killed her father! Ow. Double sh*t... fvckng*na this." Ilang ulit siya nagmumura habang nakatayo mag-isa sa music room kung saan sila nag-usap usap.

She's EnigmaticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon