Thirty-Four: CONFUSED

4.4K 156 9
                                    

Chapter 34: CONFUSED

Enjoy reading!

3rd.

Napapangiti si Katarina na kanina pa nakatingin sa natutulog na si Zync. Hindi siya makatulog o dinalaw man lang dahil sa aliw sa lalaki. Tumayo siya at kinumutang muli ito saka siya bumalik nang upo sa couch na nasa gilid ng kama.

Pero hindi pa man umaabot ng isang minuto ay biglang tinaas ni Zync ang dalawang paa at sabay na binagsak ito sa kama, paulit-ulit nitong ginawa iyon hanggang sa umabot ang kumot sa tuhod nito. Hinawi ng isang binti nito ang kumot kaya nahulog sa sahig.

Napailing si Katarina dahil kanina pa nito inuulit ang ginagawa na parang bata. Isa ito sa mga ayaw ni Zync kapag natutulog, ayaw nitong magkumot kahit nanginginig na sa lamig.

Biglang pumasok sa isip ni Katarina ang batang may kagaya nitong mannerism na itataas nang sabay ang dalawang paa at ibabagsak upang hawiin ang kumot.

She smiled bitterly, she misses them so much.

Binalik niya ang tingin kay Zync na ngayon ay nanginginig, may sampung oras na itong natutulog simula nang mawalan ito ng malay sa Mansion ng mga Cuenca. Pinulot niya ang kumot sa sahig saka nilagay sa gilid ng kama.

Humiga siya sa tabi ni Zync, hindi pa man siya nakakapwesto nang maayos ay lumingkis agad ang isang braso ni Zync sa kanyang katawan saka siniksik ang mukha sa leeg niya. Kahit hindi man maayos ang pagkakapwesto niya ay tiniis niya na lang dahil natigil na ang panginginig nito. Gamit ang kaliwang kamay ay hinaplos niya ang ulo nito at marahang humiging ng isang saliw ng kanta.

(Humiging, shocks ang lalim. Lels.)

**

Bahagyang naalimpungatan si Katarina nang makarinig ng mahinang paghikbi ng kanyang katabi. Nakatalikod na ito sa kanya kaya umupo siya upang gisingin sana ito ngunit bigla itong nagsalita...

"A-allaine." Sambit nito. "Allaine... please, comeback."

Nanigas si Katarina sa kanyang posisyon, nanatiling nakatingin siya sa likod nito. Gumagalaw nang bahagya ang balikat nito at patuloy sa pag-iyak na tinatawag ang pangalan ng nobya.

Hinawakan ni Katarina ang dibdib nang kumirot ang parteng iyon ngunit hindi man lang naibsan ang sakit na naramdaman. Using her right fist she massaged her chest in circular motion as if it would lessen the pain but it couldn't, her fist can't even reach her heart. She wanted to rip off her flesh so that she could massage her beating organ, she wishes she could.

"Mahal na mahal kita, Allaine... please. B-bumalik ka."

Bago pa tuluyang tumulo ang dumudungaw na luha ay tumayo na siya sa kama at tumakbo sa banyo. Napaupo siya sa sahig saka hinayaan ilabas ang kanyang luha.

"Ang gulo-gulo mo nga, Orlando. Your chaos brings torture."

*****

Nagising si Zync kinabukasan at agad kinapkap ang katabi ngunit kagaya nang dati wala na do'n si Katarina. Napatihaya siya at tumulala sa kesame. Naalala niya ang nangyaring pangdudukot sa kanya.

Panatag ang loob niya ngayon na hindi naman talaga si Allaine ang binugbog at wala itong kinalaman sa paghahabol sa kanya. Kung gano'n siguro ang mangyayari, hindi niya alam ang gagawin. Importante si Laine sa kanya... importanteng-importante.

Tumayo na siya at inayos ang sarili, hindi na muna siya papasok ngayong araw para makapagpahinga. Pagkababa niya ay naabutan niyang nag-uusap si Katarina at Sia sa may sala gamit ang ibang lenggwahe. Base sa tensyong bumabalot sa dalawa ay may hindi ito pinagkakasunduan.

She's EnigmaticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon