FINAL BLOW

6.4K 158 26
                                    


EPILOGUE

Enjoy reading!



HIS Point of View.

It's not my intention to hurt you like this, Zavina. All I wanted is to give the life and the world you deserve to have that your family had refused to let you experience.

I've seen it in your innocent eyes the desire to explore this chaotic but beautiful world that itched me to plan all of these, to make complicated things inevitable and to crave for power to subdue over people and things.

But... why are you slipping away from me? Why do you hate me?

I am aware that I have done things in wrong way... that I let the demon inside me to take over in facing situations but you're the reason why this demon awakened.

The blood that runs in your veins, the name you're carrying, the kingdom you love made this demon wants to protect you... for this monster loves you so dearly, Zavina, my pumpkin.

I am sorry but I have to take back what is mine and destroy everything that has touched you.

You are mine, Zavina.



*****



HER Point of View.

Indeed, I am enigmatic. Ano ang ibig sabihin ng salitang ito?

It is an adjective word which means 'full of mystery and difficult to understand or to explain.'

In other words enigmatic is arcane, cryptic, deep, impenetrable, inscrutable, mystic, occult, uncanny and mysterious.

In tagalog mahiwaga, mabalaghan, mapanlito, enigmatiko, mahirap ipaliwanag, mahirap intindihin.

Nang tumungtong ako sa lupain ng Kaharian ng Slovenia no'ng araw na lumuhod ako sa harap ng lahat, simula no'n may mumunting galit na sa puso kong kumikiliti sa buo kong pagkatao.

Pero masyado itong mahiwaga. Nakakalito iwari kung bakit galit ako sa lupaing iyon sa unang tapak pa lang nang pagbabalik ko. Napakahirap ipaliwanag ang nararamdamang iyon.

Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit gano'n ang sakit ng pagtibok ng puso ko sa sariling kaharian.

Lalo na no'ng oras na humarap ako sa sariling pamilya. Nandoon pa rin ang galit pero pumangibabaw ang lungkot na pakiramdam habang tinitingnan ko silang nakatingin sa akin na para bang ako ang pinakawalang kwentang bagay na nakita nila.

Mayroon ding awa sa puso ko dahil nakikita ko sa mga mata nila ang kakulangan sa kanilang mga pagkatao. Hindi sila kuntento sa kung ano ang mayro'n sila. Kaya nasabi ko sa sarili kong sila ay mga sakim at mga kawawang nilalang.

Habang nakatayo sa harapan nila, tinaggap ko lahat ng sakit ng mga salitang ibinato sa akin ng taong bayan pati ang mga bagay na literal na ibinabato sa'kin dahil parang sanay na ako at sa kadahilanang mas natuon ang pansin ko sa mga bagay na naglalaro sa aking isipan.

Naninibago ako sa mga ala-alang nagraragasa sa aking utak... na para bang hindi ko pagmamay-ari ang ala-alang iyon, na hindi ako ang dalagang prinsesa na nakaupo katabi ng Hari sa trono, na hindi ako 'yong prinsesang tinitingala nilang lahat.

She's EnigmaticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon