Chapter 47: TIRED and TRIED
Enjoy reading!
3rd.
Pagkapasok ni Zync sa main door ng mansion ay sinalubong siya agad ng isang matinis na sigaw na umalingawngaw sa buong bahay.
"Dah~deh! You home! Yaaay!" sigaw ni Arra na nakatayo sa gitna na ng grand staircase.
"Arra! Don't run!" dali-daling tumakbo papunta sa hagdan si Zync nang biglang tumakbo pababa ang bata.
"Kyaaaaaaa!" tili ng bata nang bigla itong natalisod at dumiretso pababa.
"Arraaa!"
Pero laking gulat ni Zync nang makitang nag-tumbling ito sa huling baitang ng hagdan at nagpaikot-ikot ng dalawang beses sa ere. Paupong bumagsak si Arra sa kanyang harapan saka malutong na tumawa. Habang si Zync na man ay tila naestatwa sa kanyang kinatatayuan at nagririgodon pa rin ang puso sa kaba.
Nakanganga at nanlalaki ang mga matang nakatitig siya kay Arra. Nasapo niya ang kanyang batok nang bigla itong kumirot na tila tumaas ang kanyang blood pressure sa nasaksihan.
"Daddy."
Napatalon siya sa kinatatayuan nang may humawak sa kanyang kamay. Napahawak siya sa kanyang dibdib at napabaling kay Arri. Hinila ng batang lalaki ang kanyang kamay kaya napayuko siya. Gumuhit ang isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi nang humalik ito sa kanyang pisnge.
Kakagaling niya lang ng school at sa hindi maipaliwanag na nararamdaman ay sobrang excited siyang umuwi para makasama agad ang kambal.
Tatlong araw na ang nakalipas simula nang kumprontasyon nina Henna, Katarina at Sia... naliwanagan na naman siya at nagsisi dahil sa pagiging impulsive, na hinayaan niyang madala siya sa galit. Napag-isipan niya rin ang mga sinabi ni Henna at Sia, alam niyang parehong pinagtanggol ng dalawa ang matatalik nitong mga kaibigan pero mas malakas ang tiwala niya kay Sia kaysa kay Henna.
Kahit naman kasi hindi sila magkasundo minsan ni Sia ay kilala niya ito sa pagiging pranka at honest. Pero nalulungkot siya dahil hindi siya nito pinapansin dahil masama pa rin ang loob nito sa kanya, sa tuwing nagkakalapit nga sila ay bigla siya nitong sinasaktan kaya hangga't-maaari ay nilalayuan niya ito baka maapektuhan ang pagbubuntis nito.
Tatlong araw na ring hindi nagpapakita sa kanya si Katarina pero alam niyang pumapasok ito sa kanilang kwarto tuwing madaling araw para pagmasdan ang natutulog na kambal na katabi niya habang siya ay nagtulog-tulogan. Gusto niya sanang makausap ito pero natatakot siyang baka itusok nito sa kanya ang katana na hawak na nakikita niya tuwing pasimple niya itong sinisilip.
Samantala, para na talaga siyang ama sa kambal. Sa maikling panahon ay masyadong malapit na ang dalawa sa kanya.
"Dah~d!"
"Oh?" anas niya at napatingin kay Arra nang tumili ito sa kanyang harap.
"You not listen to Arra!" naiiyak na sambit ng bata at nagpapadyak ng paa. Yumuko siya saka binuhat ito.
"Sorry baby... what did you say?" pang-aalo niya dito sabay halik sa mamula-mula at mataba nitong pisnge.
"Arra said Mah~meh is home!" tuwang-tuwang pahayag ng bata. Nanlaki ang mga mata niya at biglang lumakas ang tibok ng kanyang puso dahil sa kabang nararamdaman. Hindi niya alam kung paano ito haharapin.
"Dad." napabaling siya bigla kay Arri nang hinila nito ang kanyang damit. Sa edad na 3 years old ay matangkad na ito, lagpas na sa kanyang tuhod.
"Yes Arri?"
BINABASA MO ANG
She's Enigmatic
ActionUNEDITED Version ü Sorry for the grammatical/typographical errors, lousy twists and scenes. Mwah! ** Revised Version: She's Enigmatic: HUSHED **** It's all about Katarina Olson Clementin and her mystery. The mystery of her life that she, herself cou...