Chapter 42: SILENCED
Enjoy reading!
3rd.
Masama ang tingin ni Zync na ipinupukol niya sa lalaking katabi sa backseat ng sasakyan ni Katarina.
"Dude, stop staring. Kinikilabutan ako." saway ng lalaki sa kanya na naaasiwang nakatingin kay Zync.
"Sino ka?" nanliliit ang mga matang tanong niya sa lalaki, puno ng pagdududa at pang-aakusa ang kanyang tinig. Napasinghal naman ang lalaki na tila hindi makapaniwalang hindi ito kilala ni Zync.
Natatawang tinuro nito ang sarili. "Ako?! Hindi mo 'ko kilala. Wow! That's strange." anito na ikinasimangot ni Zync. "Ako lang naman ang nag-iisang Ride Dustin Morris." proud na proud na dagdag nito sabay pa-cute.
"Eww." bulalas ni Zync na nakangiwi. "Oh tapos? Ano ngayon kong ikaw si— whoever you are?!" mataray na tanong niya habang nakataas ang kilay.
OA na suminghap si Ride. "Don't you know me?" Namamanghang tanong nito sa kanya.
Mas lalong lumukot ang mukha ni Zync. "Who are you to begin with? Mukhang hindi mo nga ako kilala 'e."
Nagsukatan sila ng masamang tingin.
"Bakit? Sino ka ba?!" maangas na tanong ni Ride.
"Ako lang naman si Zync Salem Orlando, ang prinsepe ng Orlando Conglomerates!" mayabang na sagot ni Zync na nakataas noo.
Sa ikalawang pagkakataon, OA na napasinghap si Ride sabay takip ng isang palad sa bibig. "Ikaw 'yon?" manghang bulalas nito pero maya-maya pa, bored na tiningnan nito si Zync. "Sorry to burst your bubbles but I don't know you either... even a bit."
"Ang yabang mo ah?! Bakit sino ka ba?! Ano ba ang maipagmamalaki ng isang Ride Dustin Morris?!"
"Psh, baka matangay ka kung malaman mo?" hinipan nito muna ang kuku sa daliri isa-isa bago siya binalingan na nakataas noo. "Ako lang naman ang dating superstar ng Pilipinas under YNCA Entertainment. Nakakuha na ako ng 10 Best Actor Awards then 25 more major awards and 30 minor awards. I have 13 Blockbuster Movies and 5 international films under Hollywood." mayabang na pahayag nito na ikinatawa nang malakas ni Zync.
"Oh my ghad?! I'm so amazed! You must be so proud of yourself getting such prideful achievements!"
Nagsalubong ang kilay ni Ride dahil naamoy nito ang pangliliit ni Zync. "Oo naman! Hindi basta-basta ang Showbiz... it takes a great talent, skills and confidence to thrive on that field. Kung wala kang talent at coward ka, wala kang mararating lalo na kung pangit ka." pinagdiinan pa nito ang pangit habang nandidilat kay Zync na tumatawa. "I was one of the best talents YNCA could have, I also have an offer sa Hollywood, Bollywood at AM Entertainment in Korea, sayang lang ay kailangan ko nang mag-retire because of the call of love." Ride answered dreamily but Zync can't stop laughing his ass out.
"Hey! Why are you laughing?!" sita ni Ride sa kanya nang mapansing halos gumulong na siya sa kakatawa.
"Oh dude, sorry to burst your bubbles..." panggagaya ni Zync sa tono nito kanina. "...but I have to make you aware that you're talking to the future YNCA's big boss. For your information, YNCA Entertainment is one of the businesses under Orlando Conglomerates which is soon to be mine." Mas mayabang na wika ni Zync kaya natahimik si Ride at napalunok.
"Oh 'e ano ngayon?! Paki ko kung ikaw ang Future big boss?! Tapos naman ang kontrata ko sa cheap na agency na 'yon." biglang singhal ni Ride maya-maya saka sinamaan ng tingin ang nagyayabang na si Zync. "Kunin ko 'yang future mo 'e makita mo!"
BINABASA MO ANG
She's Enigmatic
ActionUNEDITED Version ü Sorry for the grammatical/typographical errors, lousy twists and scenes. Mwah! ** Revised Version: She's Enigmatic: HUSHED **** It's all about Katarina Olson Clementin and her mystery. The mystery of her life that she, herself cou...