Chapter 8: The Rules

301 179 70
                                    

Klea's POV

Nasa Room #6 na ako ngayon...May apat na kama na magkakasing size. Air-conditioned din ang aming kwarto...May isa CR at sari-sarili naming closets... Kasama ko sila Sophia,Elaine,at si Natalie...Napansin ko na parang wala silang kibuan sa isa't-isa.Kaya naman ako na ang nagsalita..

"Guys, gusto nyo bang mag dinner sa cafeteria, yayaain ko na rin ang mga boys, para sabay-sabay tayong magkakaibigan" pagyayaya ko sa kanila..

"Sige Klea" pagsang-ayon ng lahat

Nagpaganda na kaming lahat at nagpalit ng damit.

Papunta na kami ng boy's dorm nang biglang nagsalita si Elaine...

"Klea, sa boy's dorm ba tayo didiretso?" tanong ni Elaine

"Oo bakit?" tanong ko sa kanya

"Alam mo ba na kasama sa rules ng school natin na bawal pumunta ang mga girls sa dorm ng lalaki lalo na kapag gabi na at walang klase?" sabat naman ni Natalie, ito na naman si Natalie ang Reyna ng mgataong mahilig ipagsiksikan ang sarili kahit wala namang space para sa kanya.

"Ay ganon anu-ano ba ang mga rules ng school na ito?at saka itext na lang natin sila na magkita sa cafeteria..." sagot ko..Tinetext naman ni Sophia si Dylan...

"Yung tungkol sa rules and regulations ng school, maraming estudyante ang natatakot na labagin ang mga nakasaad rito dahil takot sila sa kaparusahan nito" -Elaine

"Rule no.1, Pag oras na ng curfew which is 9:00 pm, wala nang estudyante ang makikitang nasa labas ng dorm nila, bawal ring maabutan na natutulog sa ibang room, may mga secret CCTV camera ang school natin at alam nila ang bawat galaw natin hanggat nasa loob tayo ng matayog na gate ng Almrich Academy" -Natalie

"Rule no. 2, Bawal mag-cutting classes, pero ito ang isa sa kadalasang nalulusutan namin dito noon, lagi nga kaming nag cucutting, isa lang ang palusot ang sabihing EMERGENCY.Kadalasan wala ring nakakakitang teacher kaya kami nakakalusot, tanging CCTV camera lang ang mata ng school na ito" -Elaine

"Rule no. 3, ang pinakamahalaga sa lahat, Ang rule na dapat maging masunurin ka sa mga teacher rito, kahit anong sasabihin nila sayo, dapat ay gagawin mo. Sabi ko nga hindi lang si sir Hernandez ang demoyo dito,marami sila. Kaya kung anoman ang ipapagawa sayo ng isang teacher,gawin mo na lang kung ayaw mong matikman ang kaparusahan nito. Tanging ang mga estudyante lang ng academy na ito ang nakakaalam nito." - Sophia

Naalala ko tuloy ang utos sa akin ni sir Alcantara, ako ang naatasan na magrecord ng mga late at yung mga lumalabag sa rules nya...

Palapit na kami sa Cafeteria at gutom na gutom na ako, Nang maalala ko ang larong binaggit sa amin kanina ang Red Rose Burden...Gusto kong itanong kay Sophia ngunit parang kanina pa siya beastmode. Siguro kay Dylan na lang o kaya kay Christian o kaya naman kay Justin O kay Matthew O Kay Sean o kaya naman kay David.Gusto kong tanungin ang mga sagot na nakalutang sa utak ko...

"Klea anong order mo?" nalaman ko na lang na nasa loob na kami ng cafeteria nang masalita sa harap ko si Elaine.

"Ahhhmmm, gusto ko ng rice at adobo, Elaine" sagot ko naman sa tanong niya

"Klea what I mean is, ikaw na ang umorder dahil ikaw na ang next sa pila dahil nakaorder na ako" paliwanag naman ni Elaine

"Pasensya ka na ,nahihibang na ako, masyadong maraming iniisip eh" Sagot ko naman habang umoorder na sa counter

"Gutom lang yan" sabat na naman ni Natalie na kasunod ko sa pila

"Siguro nga" sagot ko na lang

Hinanap ng dalawa kong mata si Sophia at nahagip ko naman siya na kasama na sila Dylan...

Matapos umorder ni Natalie ay dumiretso na kami sa table ng grupo namin...

Ganito ang pwesto sa paikot na table (Dylan,Sophia, Ako, Justin,Natalie,Elaine,Sean,David,Matthew and Christian)

Sayang nga dahil katapat ko lang sa table si Christian,sana siya na lang ang katabi ko....

Masaya kaming nagkuwentuhan about sa sarili namin...Nagpasimulang magtanong si Sophia about sa first impression nila sa akin at idescribe na rin ang sarili nila...

Itutuloy

The Queen bee of Almrich Academy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon