Chapter 31: The Verity Falseness

112 96 8
                                    

"Tell the truth and shame the devil." - Anonymous

Klea's POV

Tumayo na ako sa kama ko at may breakfast nang inorder kanina sina Sophia para sa akin kaya naman nag-almusal na ako.Nagbihis na rin ako ng uniform ko habang yung tatlo ay nakaupo lang sa mga kama nila at nagrereview.

Niyaya ko na sila at ilang minuto lang ay nakarating na kami sa classroom.Hindi pa rin nawawala sa isip ko an panaginip kong tila ay nangyari na at totoo.

Pumasok na kami sa loob ng classroom at naabutan naming tahimik ang mga kaklase ko at halatang seyosong nagrereview para sa quiz mamaya.Himala naman na parang walang late ngayon.Kung sasabihin ko naman, laging maraming nalalate ng pasok araw-araw sa amin, pero hindi ko binibigyan ng detention slip.Bakit?Simple lang dahil mabait akong kaklase nila.Saka, mas late pa ngang pumasok si sir Alcantara kaysa sa kanila.

"Good morning class." Bati samin ni sir Alcantara.

"Good morning sir." Bati naman namin sa kanya.

"Get one whole sheet of paper, class." Kinuha ko yung papel ko sa bag ko at nakita ko yung dalawa kong papel na nakahanda na yung kamay para manghingi.Nasanay na naman akong hinihingian ng papel ng dalawang 'to.Okay lang naman dahil marami akong perang pambili ng school supplies.Ewan ko lang sa dalawang 'to, may mga pera naman ayaw bumili ng kanila.

Binigay na ni sir yung photocopy ng quiz namin sa math at nagsimula na akong basahin ang unang tanong.Habang nagsasagot ako, biglang humarang yung kamay ni Christian sa papel ko at para bang nanghihingi na naman ng papel kaya binigyan ko pa ng dalawang extra para sa solution niya na rin.Sobrang bait ko talaga 'no.

"Class, aalis lang muna ako, at umaasa akong walang magkokopyahan sa inyo.Pagbalik ko kailangan tapos niyo ng sagutan yan." Sabi samin ni sir Alcantara.

Habang tinititigan ko yung papel ko, walang lumalabas na sagot sa utak ko.Kahit ilang oras pa siguro ang intayin ko, hindi ko makita sa utak ko.Wala pa rin akong nasasagot hanggang ngayon kaya ang tanging ginawa ko na lang ay titigan yung papel ko.

Hindi ko alam, parang namental blocked ako.Busog naman ako at may laman ang uatak ko.Saka nagreview naman ako kahapon.Pero, ang laman lang ngayon ng isipan ko ay ang napanaginipan ko kagabi.Naglalaro sa isipan ko kung totoo ba talaga 'yon, o gawa-gawa lang ng utak ko.

"Pass the paper.Tapos o hindi tapos, ipasa na ang papel." Nagulat na lang ako nang nasa loob na pala si sir Alcantara at wala na lang akong nagawa kundi ipasa ang papel ko na ang nakasulat lang ay pangalan at section ko.Pero, nung ipapasa ko na sa unahan hinarangan ni Diego este Christian pala yung kamay ko at may binigay na papel.

Ano 'to, sagot niya.Tss, baka naman bagsak lang 'to.Pero, sa halip na ibigay ko iyon sa kanya ay kinuha ko at nilagyan ko ng pangalan ko.Pinasa ko na kaagad at napatingin ako sa direksyon ni Christian na nakangisi.Wah, ano na naman ang iniisip nito ngayon, kitang namental blocked lang ako eh.

Natapos na yung class hour namin at lunch na naman.Agad kaming dumiretso sa cafeteria.Kasama ko silang lahat ngayon, mukang nastress sila sa pagsagot kanina ng mga quiz namin.Lahta ba naman kasi ng pang-umagang subjects namin nag-quiz kami.Buti nalang at bumalik na sa katinuan yung utak ko sa mga sumunod na subjects.

"Kumusta nga pala ang pasagot sa mga quiz kanina?Biruin niyo, ilang liggo pa lang ang lumipas buhat nung quarterly exam tapos may pa-quiz na agad sa atin." Bungad naman ni Sophia.

"Sakin ayos lang, buti nga at katabi ko itong si Elaine.Nakakakopya tuloy ako." Sabi naman ni Sean.

"Ang sabihin mo, buti na lang at hindi ka nakita ni sir lcantara na nangongokpya, kung hindi baka ako madamay at mapasama pa sa detention room." Sabi naman sa kanya ni Elaine.

The Queen bee of Almrich Academy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon