Chapter 23: Jaime Castro

140 123 27
                                    


Klea's POV

Second week of August na ngayong araw. Maraming araw na ang mga lumipas.At sa loob ng maraming lingo, marami na akong nakilala sa loob ng campus. Nakapunta na rin ako sa iba't-ibang building ng school.

Hindi ko pa masyadong nalalaman ang ibang kwento sa likod ng kapatid ni Justin pero di na naman naman daw 'yon mahalaga.

Naging maayos naman kami simula nung araw na makapunta kami sa dark forest. Si Christian, grabe di pa rin tumitigil sa pang-aasar sakin. Alam niya naman yung about sa queen bee.

Tsk, siya nga 'tong hindi sumunod sa deal namin. Sabi niya wala na siyang pakialam kung naging queen bee man ako,basta ang kanya lang, ipagpapatuloy niya ang pang-aasar niya sakin. Nag-eenjoy ata sa pang-aasar, pwes ako hindi.

Nalalapit na ang pageant ng Mr. and Ms. Intrams ng school. Kinakabahan na ako dahil kaunting panahon na lang ang mga araw na makakapag-practice kami ni Matthew.

Kinakabahan na ako para sa talent portion.Well, madali lang naman yung gagawin namin, ang talent namin ay pagkanta,so ang gagawin namin,Mag-duduet kami while singing.Wala pa akong napipiling kanta, pero sabi ni Sir Alcantara,pumili na raw kaming dalawa ng kantang alam namin at saulo na namin.

Kasalukuyan na ako ngayong nasa classroom katabi sina Christian at Matthew.Tapos na yung first subject namin at iniintay na lang namin si Ms.Ramos para sa klase namin ng Science.

Naalala ko, wala nga pala akong assignment,nakalimutan kong gumawa kahapon.Paano na yan,first time kong hindi makagawa ng assignment.Paano na ako ngayon?

"Good Morning class." Bati samin ni Ms.Ramos.

"Good Morning Ma'am." Bati naming lahat.Well, masanay na tayo ngayon sa bagong Section ng Alexandrite.

"Okay class, pakipasa na yung mga assignments niyo, at ang walang assignment, tumayo at pumunta sa harap." Pinasa na nila yung mga assignments nila.Tumayo ako at pumunta sa harap sa banda kung saan nandun yung whiteboard.Nakita ko naman na tumayo rin si Matthew.So, wala rin siyang gawang assignment.

"Okay, sino ang class monitor?" Tumaas ako ng kamay ko.

"Okay, so ikaw Miss Ortaleza ang class monitor.Okay,titignan ko na kung sino pa yung may assignment at kung sino rin ang walang gawa." Si Ma'am Ramos talaga ang mahilig sa salitang 'okay'. Halata naman eh, kada may sasabihin siya lagi na lang may salitang 'okay'.Pero, kahit ganyan si ma'am, mabait siyang teacher at okay lang naman siya. Actually, siya ang teacher namin na dalaga pa.

"Okay,Miss Ortaleza, nakapagpasa ka naman ng assignment ah." Ha?Paano nangyari yun eh, di nga ako nakagawa ng assignment.Ala, baka naman magkaroon ako ng record na zero nan dahil, baka hater ko ang gumawa ng assignment para sa akin.Ala, paano na ang record ko.Myghad ayokong hindi mapasama sa honor, baka malipat na naman ako ng school.Almrich is my home now.

"Ma'am, Pero-" Di ko na naituloy ang sasabihin ko nang magsalita na agad si Ma'am.

"Okay, wala ng pero pero, Miss Ortaleza,Kindly go to your proper sit." Sumunod na lang ako sa sinabi ni Ms.Ramos.Pumunta na ako sa upuan ko at nakita ko ang seryosong mukha ni Christian.Abno talaga, kanina ang saya ng mukha tapos may gana pang mag-asar tapos ngayon naman ang expression ng mukha parang ang seryoso na ewan eh.

"At ikaw naman Mr.Holckstone, Okay,bakit di ka gumawa ng assignment mo?" Mataray na tanong ni Ma'am.Wah, yung mukha ni Matthew ang cute, nakatungo siya ngayon.

"Nakalimutan ko pong may assignment pala.Sorry po Ma'am Ramos." Depensa naman ni Matthew.So, pareho kaming nakalimot na may assignment pala.

"Okay, Miss Ortaleza, mamaya bigyan mo na siya ng detention slip at ikaw naman Mr.Holckstone, kailangan mong pumunta mamaya sa detention room.Mamayang awasan.One hour ka doon at sana naman sa susunod gumawa ka na ng assignment mo.Naiintindihan mo ba ako?" Napaka-terror naman ng teacher na 'to.Nag-nod lang sa kanya si Matthew.

Sayang sabay sana kami mamaya sa detention room.Kung hindi lang sana nagkaroon ng papel ko doon.Sino ba kasi ang gumawa ng assignment para sa akin.Thank you na lang sa kanya.

Kaya siguro walang magbalak na manligaw dito.Napakataray kasi eh.Sa kabila ng angelic face niya, mayroon namang pang-demonyong ugali.Hindi biro lang yun ha.Baka kasi isumbong niyo ako.Babaan pa ang mga grades ko.

Natapos na rin yung klase namin sa science buti naman. "Class Dismissed" Sabi samin ni Ms. Ramos. "Good bye Ma'am." Paalam naman namin.

Natapos na rin yung iba naming mga pang-umagang klase.Naglulunch na kami sa cafeteria, kasama sina Stacey.Remember, sabi nila kailangan ko na raw silang makasama tuwing lunch.

"Ahm, guys can I ask something?" Pangbabasag ko na naman sa katahimikan naming lima.

"Ofcourse, yes." Sagot naman sakin ni Stacey.

"Ano ba yung itatanong mo?" Tanong ni Amanda.

"Kilala niyo ba si Jaime?" Diretsyong tanong ko sa kanilang apat.Bumabagabag pa rin kasi hanggang ngayon ang mga tanong na nasa utak ko.Napansin ko namang nagkatinginan silang tatlo sa sinabi ko.Pati ba naman sila may tinatago.Aaminin kong ano pa ang saysay kung malalaman ko ang kwento ni Jaime na kapatid ni Justin.Pero, nagpipilit pa rin yung utak ko na hanapin ang sagot na nasa likod nito.

"Si Jaime?Well, siya ang kaklase namin dati.Ang alam ko wala na siya." Sagot naman ni Leila.

"Isa pa, I hate that girl.Her popularity sucks me." Maarteng sagot naman ni Bianca.

"I hate her because, she's using her position in being a queen bee to be famous here in Almrich." Sagot pa ni Amanda.

"Shh, girls clam down.Remember, wala na siya.At one year na rin ang nakakalipas nang mailagay ang labi niya sa dark forest." Sabat naman ni Stacey.

"Dark forest?" Gulat kong tanong sa kanila.

"Yes, sa dark forest.Nandun ang katawan niya,pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nakikita." Sagot naman ni Leila.

"Wala naman yung babaeng yun eh.Masyadong mayabang lang.Wala siyang pamilya and I know that she's living under the bridge.Hahaha, the poorita queen bee type." Ang arte naman ni Bianca kung makapagsalita.

Walang pamilya si Jaime?Oh, oo nga pala sila Justin lang at yung iba pa ang nakaaalam ng tungkol sa kapatid niya.Gusto kong sumabat sa kanilang apat na ang sinasabi nilang poorita ay ang anak ng principal ng paaralang ito.Pero, hindi ko pwedeng sabihin.Malaki ang tiwala ng mg kaibigan ko na hinding-hindi ko ipagsasabi ang tungkol sa mga nalaman ko.

Naalala ko na may nabanggit na sakin sila Justin na may namatay na nga sa Almrich.Si Jaime na nga siguro 'yon.At yung namatay na kapatid ni Justin ay si Jaime rin.So, ibig sabihin ang namatay last year ay si Jaime.Pero, bakit naman siya mamatay ano ang dahilan ng pagkamatay niya at sino ang mga pumatay sa kanya?

Gusto kong tanungin yan sa kanila pero, may nagtutulak sa akin na huwag na lang magsalita.

"Gusto mo bang malaman kung sino ang pumatay sa kanya?" What the heck.Mind reader ba 'to.Si Stacey, nakakatakot siya. Tumango lang ako sa kanya habang nakatungo.

"Kami.Kami ang pumatay kay Jaime Castro." Nnlaki ang mata ko sa narinig ko.Paano nila nagawang pumatay ng isang tao?Sabi ko na nga ba, tama ang hinala ko.

Itutuloy

A/N

Hello guys, new update here Hope you'll like it!

Labyuh all!!!!

The Queen bee of Almrich Academy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon