Chapter 22: Dark forest

183 121 34
                                    


Klea's POV

Ang saya-saya ngayon ng gising ko.Grabe, As in sobrang saya ng araw ko kahapon kaya ang saya ng gising ko.

Bakit ako masaya?

Simple lang dahil, kahapon kasama kong magpractice si Matthew.Dalawang beses kaming nagpracrtice kahapon.Tinuruan niya akong gumamit ng ibang instrument.Ang saya ko talaga.Tapos nag-duet pa kami sa pagkanta.

Inihatid niya rin ako sa dorm namin kagabi.Wah, grabe feeling ko nga nililigawan na niya ako eh.Pero mukhang friendzone ako sa kanya.Di ko rin alam kung may nararamdamn rin siya para sakin.

Ang pinagtataka ko lang, parang iba ang mood kahapon ni Christian.Ano naman kaya ang problema ng Diego na 'yon.Nakakapanibago eh, hindi niya ako masyadong inaasar.Masigawan ko lang siya, titigilin na siya sa pang-aasar niya.Tss, abnormal kasi yung lalaking 'yon.Kaya ganon.

Sabado ngayon at pwede na naming gawin ang kahit anong gusto namin.Gusto kong libutin ang buong academy ngayong araw.As in gusto kong mapasok ang iba't-ibang room dito.Masyadong maraming building ang school na ito.

Ngayong araw gusto ko ring makita ang labas ng Almrich para naman, kahit papaano makita ko ang nagyayari ngayon sa labas ng mataas ng bakod ng academy diba.

Hanggang ngayon marami pa ring mga tanong ang nasa utak ko.Kung bakit ang mga nag-aaral dito aymga may kasanayan sa pagiging queen bee.Kung ano ang tunay na rason ng mga magulang ko para ilipat ako sa school na ito.

Aaminin ko na masyado akong masamang tao o sabihin na nating lagi akong napapatalsik sa mga schools na napasukan ko.Pero ngayon balak ko nang maging mabait para naman, makapag-stay na ako sa school na ito.Mukhang exciting kasing mag-aral sa isang eskuwelahan na puno ng mystery.Puno ng mga lihim.

Ngayon, kasama ko sina Sophia sa cafeteria at nag-aalmusal kami.Ang tahimik naman at nila.Nakaka-bored ang katahimikan.Nakakabingi ang paligid na tahimik.Maunti pa lang ang estudyanteng kumakain dito sa loob ng cafeteria, kaya naman napakatahimik pa dito.Walang ingay.

"Ahm, guys pwede niyo ba akong samahang maglibot mamaya dito sa loob ng school?"Pangbabasag ko na ng katahimikan sa pagitan naming apat.Nainom sila ng kape tapos ako naman hot chocolate lang at saka cereal.Syempre, kaialangan kong i-maintain ang pagiging sexy ko diba.

"Haha, sure naman after natin dito.Saan mo ba gusto sa labas o sa loob muna?"Sagot naman ni Sophia sa tanong ko.Ang serious naman ata ng sagot niya.Well, ano bang inaasahan kong isasagot niya diba.

"Sa tingin ko Sophia, sa labas muna natin siya i-tour."Sagot naman ni Elaine,sabay inom ng kape niyang nasa tasa.

"Oo nga saka habang wala pang pasok ipakita na natin sa kanya ang dark forest."Sagot naman ni Natalie at pagkasabi niya non sinamaan siya ng tingin nina Sophia at Elaine. "Oooppss, nadulas ata ako ah, sorry"Sagot naman ni Natalie at nag-peace sign pa siya.

"Dark forest?"Nag-aalangan kong tanong.Ngayon pa lang kaya ako nakarinig ng dark forest na malapit sa isang mamahaling eskuwelahan na gaya ng Almrich.

"NATALIE!"Sigaw nina Sophia at Elaine na maririnig sa halos buong paligid.Sabihin na nating ang mga ibon na nakadapo ay nagliparan dahil sa lakas ng boses nilang dalawa.Buti na lang may Natalie na madulas ang dila.

"Sorry guys, I think panahon na para malaman ni Klea ang lahat-lahat.Isa pa, What's the reason of hiding this to our friend.Klea is our friend.Karapatan niyang malaman ang katotohanan."Ha?Natalie, Pwede bang pa-explain naman ng mga sinasabi mo.Masayadong puzzle sakin eh.Nakakahilo talagang mag-isip.

"Siguro nga Sophia."Pagsang-ayon naman ni Elaine sa sinabi ni Natalie.

"Okay sige na nga, guys...GROUP HUG."At 'yon na nga gaya ng sinabi ni Sophia, tumayo kaming apat at nag-group hug.Nakakatawang isipin dahil may mga kaibigan akong kagaya nila na nagmamahal sa akin.

The Queen bee of Almrich Academy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon