Chapter 34:The Last Hug

124 92 6
                                    

Matthew's POV

Ilang oras na rin matapos nilang ikulong sina Klea at Christian sa CR. Pakana kasi nila Sophia at Dylan ang ilock silang pareho. Sa totoo lang nag-guilty ako kung bakit ako sumang-ayon sa plano ng mga kaibigan ko. Baka mamaya paglabas nila sila na.

Pero, mukha namang magigig masaya ako para sa kanilang dalawa ng best friend ko kung malalaman kong sila na diba? At least, yung torpe kong kaibigan natuto nang umamin.Pero, mukhang impossible, sa paunahan mukhang ako ang panalo.

Actually, hatinggabi na pero di pa rin ako makatulog. Kasi naman, iniisip ko kung ano nang nangyayari dun sa dalawa. Sana naman maging mabait si Christian 'no. Mukha namang busog yung kaibigan kong yun kaya paniguradong hindi yun manlalapa ng tao. Hahahaha, joke lang, hindi naman yun carnivorous para kumain ng tao. Kahit papaano ay omnivore rin naman yun gaya ng normal na tao.

Hays, ewan ko ba sa kaibigan kong 'yon.Ang bagal, napakatorpe pa.Kung hindi ko pa tutulungan, hindi pa magwawala.Hays, ano bang dapat kong gawin?Maging kami muna ni Klea bago siya umamin.Hays, tinutulungan na nga siya kahit di niya alam.

Sophia's POV

"Hoy, Sophia, grabe talaga kayo ng boyfriend mo, kung makapang-set up wagas.Hahahaha." Si Elaine yan.Paano ba naman kasi, kaming tatlo, hindi makatulog.Ewan ko ba kung nakokonsenya ako sa ginawa ko, pero sa tingin ko di naman ako nakokonsensya na patulugin sila sa CR diba?Kasi panigurado namang di 'yon makakatulog.Hahahaha.

"Oh, ano nang plano mo ngayon sa susi na yan?" Si Natalie naman.

"Bukas ko na lang bubuksan hahahah, kunwari, kinuha ko sa guard para iligtas sila."

"Gaga ka rin talaga Sophia eh, Pero hanga ako sa katalinuhan mo friend, sa tingin ko paglabas nung dalawang yun eh malapit na ang loob nun sa isa't-isa." Sabi naman ni Elaine.

"Hahaha, Ako pa, sadyang pinanganak akong matalino ng mama ko 'no."

"Hays, ito na naman, humangin bigla eh."

"Pero, kahit na mahangin ka, the best ka pa ring kaibigan Sophia, kaya mahal na mahal ka namin eh."

"Hays, Oo na, namimiss ko na si Klea mga girl.Para naman atang sobra yung ginawa natin.Diba?"

"Ano ka ba, Hindi naman yan,magagalit satin."

"Sabagay."

Ganito kasi yan.Kaya sila nalock sa CR ay dahil sa kagagawan ko este kasabwat rin syempre sila.Ninakaw ko yung padlock at susi dun sa may guard tapos, nung nakita kong nakapasok na sa loob si Christian, dun ko na nilock yung dalawa.Eh kasi naman, pinasundan ko si Klea kay Christian eh.Tapos, akala niyo brown-out sa buong campus?Nagkakamali kayo, pinatay lang namin yung switck sa labas kaya di nila mabubuksan yung ilaw, unless na may magbukas ng ilaw sa labas diba.

Kaya 'yon, parang mission accomplish nga eh.Pero, intay lang sila, dahil bukas pa sila makakalabas dahil kailangan ko na ring matulog.Kaya, hays, pipikit ko na nga kasi yung mata ko eh.Kaya lang kung maiisip kong nakulong sila for one night 'don, tapos baka kung ano pang mangyari, hays, may tiwala naman ako kay Christian saka kay Klea.

Klea's POV

Wahhh, ano bang nangyayari sakin?Bakit biglang bumilis yung tibok ng puso ko habang hawak hawak yung aabs niya.Wahhh, pakiramdam ko habol habol ng kamay ko si abs.

Pero, in fairness, ang ganda ng boses niya parang si Matthew lang.Pero, yung kay Christian alam kong from the heart niya talaga eh.Alam kong hindi 'yon yung first time na narinig ko siyang kumanta, pero masasabi kong, pinagpala ang boses niya.

The Queen bee of Almrich Academy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon