Chapter 16: Promises

261 146 42
                                    


Klea's POV


"Wait lang!Wag mo akong hilahin!sino ka ba ha?at san mo ako balak dalhin?"ang lakas ng sigaw ko ngunit parang walang naririnnig yung lalaking humihila sa kamay ko.Mas matangkad sya sakin,hanggang balikat nya lang ako tapos nakasuot sya ng itim na jacket.Hindi ko naman Makita yung itsura nya dahil sa madilim ang daang tinatahak namin.Madilim, tahimik at walang tao dito.Ang lugar na ito ay parang pamilyar sakin.Patuloy pa rin ang pagkaladkad ng lalaki sa akin.Nasasaktan na rin ako dahil sa pagkakahigpit ng hawak nya sakin.Habang tumatagal lalong humihigpit ang pagkakahawak nya sa braso ko na kulang na lang ay dumugo dahil sa sobrang higpit ng kamay nya.Pinagpatuloy ko ang pagsigaw ko at paghingi ng tulong.

"Malapit na tayo Klea"Teka kilala nya ako?grabe ang lalim ng boses ng lalaki at sobrang baba.Nakakatakot ang boses nya ha.Ano bang gagawin nya sakin?Kikidnapin nya ba ko?Kailangan lang ata ng pera ng taong ito.

Sa sobrang pagod katatakbo habang kaladkad ako ng matandang lalaking toh,napatumba na lang ako at nakaramdam ng panghihina.Napapikit na lang ako at narinig ang tinig ng isang batang lalaki.

"Batang cute na mataba okey ka lang ba?Gumising ka...Wag ka pang mamamatay..bata gising"nang marinig ko ang tinig nya.Iminulat ko na ang mga mata ko at nakita ko ang lalaking kumaladkad sakin kanina na nakahandusay na sa lupa at puno ng dugo't walang malay.Grabe sya ha.Ako daw mataba.Hindi naman masyado pero mataba talaga ako.Magandang mataba.

"Okey ka lang ba?"narinig ko na naman ang nag-aalalang tinig ng batang lalaking parang kasingedad ko na ngayon ay nasa harap ko.Ang cute nung bata at chubby rin sya gaya ko at mukhang anak mayaman kagaya ko.May mga apat naman na lalaki pa sa likod nya na nakauniform,body guard ata nung batang lalaki yon.Siguro ay sila yung tumulong sa akin.Pero bakit hindi ko sila nakita kanina.Ang akala ko walang tao dito bukod sa aming dalawa nung lalaking matanda.

"Okey lang ako.Salamat nga pala sa pagtulong nyo sakin"ang cute nya talaga.Hula ko ay pareho lang kami nitong nasa kindergarten ngayon.Saan kaya sya nag-aaral.Siguro nasa pang mayaman di syang school.Sana itransfer naman ako nila mama sa school nya.

"Nakita kasi namin ikaw na parang kailagan mo ng tulong, kaya naman nung bigla kang napahiga sa lupa,agad nang tumulong yung mga kuya bodyguard ko sayo...By the way,bakit ka kinakaladkad nung matandang yon?"feeling ya naman kilala nya ako,hind manlang tinanong kung anong pangalan ko.hayysss...ikaw kaya anong pangalan mo.Ang daya naman nitong si cute ako mauunang magpakilala unless naman na alam nya na ang pangalan ko.

Teka,siguro mayaman nga talaga siya.Ang bata pa lang may boyguard na samantalang ako,yaya lang ang hinahire nila mommy at daddy.Gusto kong tumingin sa kanya ng eye to eye ngunit parang naiilang ako,yung puso ko kasi may pagka abnormal na,ang bata ko palang ehhh.Naku puso ko ang bilis mong mag-activate.Sabagay si batang cute kasi ang cute cute talaga,kaya tuloy yung puso ko hindi mapakali.

"Thank you sa inyo ha.Kung wala siguro kayo baka kung ano nang nangyari sakin.Hindi ko rin kasi kilala yung matandang yan eh,saka hindi ko rin alam kung ano yung binabalak nya sakin,ang sabi nya lang may pupuntahan daw kami...Ako nga pala si Klea,nag-aaral ako dyan sa Maryclaire School,kinder pa lang ako,ehhh ikaw,Sino ka naman?San ka nag-aaral?"ang dami kong tinanong sa batang nasa harap ko,Excited na kasi akong malaman yung pangalan nya,malay mo schoolmates pala kami,tapos maging magkaibigan pa kami.Mukha namang mahiyain siya pero parang hindi naman.Mukha rin namang mabait sya ngunit sa batang katula nya parang yung mukha nya ay mukaha ng isang.....Badboy.Pero hindi bagay.Isang matabang Badboy.Hahaha

"Welcome,hindi mo naman kailangang magpasalamat sa akin dahil hindi naman ako yung bumugbog dyan sa matandang yan...saka kung wala akong kasamang mga bodyguard,edi sana kung lumapit lang ako sayo,pati ako madadamay pa"sabagay may point naman tong batang toh eh.Kung hindi dahil sa mga bodyguard nya hindi na ako makakatakas sa matandang yon.Kaya dapat sa mga bodyguard nya ako magpasalamat.Salamat na lang mga body guard hehehe.

The Queen bee of Almrich Academy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon