Chapter 30:Dreams from the Past

119 104 8
                                    

Kleas POV

Magbabalik na...

The Red Rose Burden...

Maghanda ka, Bitch topnotcher...

Ilang lingo na ang lumipas simula nang mabasa ko yan.Hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala sa isipan ko kung bakit lagi na lang akong nakakatanggap ng mga sulat.Mga sulat na hindi basta-basta sulat lang, sulat na unti-unting nasasagot sa aking isipan.

Thursday ngayon at bukas may long quiz kami.Nandito ako ngayon sa library para makapagreview.Habang lumilipas ang oras kong nagbabasa, walang pumapasok na mga lesson sa aking utak.Marahil ay hindi ako makapagconcentrate sa pagbabasa dahil sa mga bagay na nasa isip ko ngayon.

Seven na ng gabi at bumili lang ako sa cafeteria ng pagkain ko.Nauna na kanina yung mga kaibigan kong magdinner dito habang ako ay nasa library.Kinuha ko na yung order ko a nagpasyang kumain na lang sa dorm namin.

Agad na akong dumiretso sa girls dormitory at pumunta na sa room namin.Pagkabukas ko ng pinto, nakita ko yung tatlo na nag-aaral.

Hi Klea, join us, nag-rereview kami para bukas oh. Bati sakin ni Natalie.

Sige, kakain lang muna ako. Sabi ko naman sa kanila at pumwesto na ako sa dinning table at nagsimulang kumain.Natapos ko na lang yung kinakain ko nang hindi ko namamalayan, sila Sophia naman, nandun pa rin sa kama ni Natalie at nakaupo na nagrereview habang kumakain ng chocolate.

Guys, nakapagreview na naman ako kanina, tutulog na lang ako ha.Goodnight na. Ang paalam ko naman sa kanila at nag-nod lang sila sakin.Pinikit ko na lang yung mga mata ko, at nagsimula nang dumilim ang paligid.

-----

Good morning class. Bati ng teacher na lalaki na kadadating lang.

Katulad ng inaasahan kong makita, walang bumati ni isa sa kanila.Wait, teka, bakit ako nandirito.Si Christian ba yun?Si Matthew?Si Sophia?Parang mga Sophomore pa sila ha.Ang cute naman nung katabi ni Justin, may maputing balat, straight na buhok at may katangkaran rin naman.

Tumayo ako sa upuan ko at nagsimulang maglakad.Binatukan ko si Christian, pero parang wala lang sa kanya.Lumapit ako sa teacher na kasalukuyang nagtuturo sa kanila, pero hindi naman ako pinansin.Wait, wag niyong sabihin na patay na ako.Wah, hindi pa ako patay, ayoko pa no.Wah, nananaginip lang ako diba?

Sinuntok ko yung pisngi ko pero, ako lang din naman yung nasaktan, kaya pinagpatuloy ko lang ang paglilibot sa classroom nila habang nagkaklase yung teacher nila.

Grade 8- Aquamarine

Ha?Ibig bang sabihin nito nasa room nila ako ngayon at grade 8 pa lang sila dito?Naguguluhan na ako pero, inilagay ko na lang ang paningin ko sa teacher na nagtuturo at umupo sa upuan sa bandang likod at pinagmasdan ang buong klase.

And today, Well going to congratulate our topnotcher last third grading grading.At dahil, simula first grading siya ang ating first, kailangan natin siyang batiin.Ang top notcher ng Grade 8-Aquamarine, Lets give her applause, Jaime Castillo. Tumayo yung babaeng katabi ni Justin kanina at talaga namang masasabi kong napakaganda niya.Biruin niyo, may kapatid palang maganda itong si Justin.

Hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari, sa halip na palakpakan siya ay nakatanggap ito ng mga crumpled paper na binato sa kanya ng mga sarili niyang kaklase.Nagulat na lang din ako nang nakangisi lang ang teacher nila hanbang pinapanood ang mga estudyante niyang binabato yug babae.

Class dismissed At umalis na yung teacher nila, ngunit patuloy pa rin yung pagbato nila sa babae.Halos lahat sila ay binabato si Jaime, maliban na lang sa mga kaibigan ko ngayon.Napukaw ng mata ko ang grupo nila Stacey na nangunguna sa pambabato.Nakangisi lang siya habang si Jaime naman ay sinasalo lang ng katawan niya ang mga papel na natatanggap niya.

The Queen bee of Almrich Academy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon